8. " Tigil-tigilan mo na yang pangs-scam mo"

303 14 5
                                    

💞KIM YERIM💞

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

💞KIM YERIM💞

❤❤

"HI CRUSH!!" sigaw ni Seulgi nang makita nya si Jimin na papasok ng classroom. Binigyan lang sya ng tingin ni Jimin pero umiwas naman agad at pumunta sa upuan nito. Napasimangot nalang si Seulgi.

"Uy mukhang badmood crush mo" sabi ni Yerim.

"Mukha nga eh" sagot ni Seulgi.

"Okay lang yan crush, nandito pa ako" sabi ni Seulgi kay Jimin. Hindi parin sya pinansin ni Jimin, "Mahal na mahal talaga kita!" Hindi parin pinansin.

"Okay lang yan Seul. Wala ka paring pag-asa. Inlove na kay Joohyun yan eh" singit ni Minhyuk.

Yung feeling na gusto mo nang pumatay ng kabayo?

"Kahit na! Edi mag-a-apply ako bilang kabit! Mahirap ba yun?" Sagot ni Seulgi at inirapan si Minhyuk na ngayo'y nakangiti na parang asong ulol, "Mukha kang kabayo!"

Sino bang hindi mai-inlove kay Joohyun? Maganda tapos matalino. Di gaya ko, hindi naman kagandahan tapos puro scam lang yung alam...

"Jimin... Maganda ba ako?" Tanong nya kay Jimin.

"Tumigil ka nga!" sagot ni Jimin. Hindi nya maitangging nasaktan sya sa sagot ni Jimin. Why is that.

"Maganda naman ako diba?" Nakangiting tanong parin ni Seulgi. Tumayo sya para lumapit kay Jimin pero kung minamalas ka nga naman, nadapa ulit sya dahil biglang humapdi yung sugat nya sa tuhod. Tanginang baha naman kasi.

Tinawanan sya ng mga kaklase nya kaya nakitawa narin sya kahit ang totoo ang sakit sakit ng sugat nya.

Tangina naman dis...

Gusto nyang i-vacuum yung mga bibig ng mga kaklase nyang mga puta. Napahiya pa sya sa harap ni Jimin. NAKAKATAWA NA BANG MASAKTAN NGAYON. Charr..

Tumayo sya para umupo sa upuang katabi ni Jimin. Mukhang wala ring pakialam si Jimin nung nadapa sya eh. Double kill.

"Chimin~ Alam mo bang ako ang nakaisip ng nickname mong yan? Copycat talaga yung si Joohyun. Pero echos lang kasi baka suntukin mo pa ako! Crush mo pa naman sya" sabi ni Seulgi dito. Napahinga ng malalim si Seulgi, "Pero crush talaga kita!"

Gusto nyang sabihin kay Jimin na hindi na yun scam. Hindi na yun isang biro.

Kasi totoong nagkacrush na talaga sya dito. Hindi lang talaga halata.

"tigil-tigilan mo na yang pangs-scam mo please!" Nawala yung ngiti ni Seulgi dahil sa sagot ni Jimin.

Pero dahil nasa katwiran sya, dapat nyang ipaglaban!

"Oo scammer ako! Pero seryoso akong crush kita!!" Sabi ni Seulgi. Napatingin ng masama sakanya ni Jimin.

Patay, mukhang seryoso sya..

Umatras si Seulgi para makaalis sya sa upuan. Tumayo sya at aalis na sana nang hilain sya paupo ni Jimin.

Anong...

"Ganyan ka na ba talaga kamanhid?!" Tanong ni Jimin dito. Tumaas yung isang kilay ni Seulgi.

Ano raw?

"Manhid?"

"Oo manhid. Hindi mo man lang ba naramdamang dumudugo na yang tuhod mo? Hindi ba sya masakit o sadyang manhid ka talaga?" agad na napatingin si Seulgi sa tuhod nya.

Gosh, okay na to kahapon ah. Lalo pang lumaki.

"Ahmm.. Hindi naman talaga sya masakit eh" sagot ni Seulgi. Napailing nalang si Jimin at kinuha ang bag na nakasabit sa upuang nasa harapan nya, "A-Ano yan?" Tanong ni Seulgi nang may kinuha si Jimin dun.

"Gagamutin ko" sagot ni Jimin bago ilabas ang isang bagay na ayaw na ayaw ni Seulgi.

"TANGINA JIMIN PAPATAYIN MO BA AKO!?"

Well marami naman satin na takot sa alcohol kapag may sugat tayo diba? Isa na dun si Seulgi.

[✔] ScamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon