12. Old friend

292 16 4
                                    

💞KIM SEOKJIN💞

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

💞KIM SEOKJIN💞

❤❤

"Hi crush!" Nabigla si Jimin nang marinig nya ulit ang tawag na yun. Inangat nya ang tingin nya mula kay Joohyun.

"Hello?"

Umupo si Seulgi sa tabi ni Joohyun, tumabi naman si Sooyoung kay Seulgi, habang nasa gitna naman nina Seungwan at Yerim si Jimin. Napalunok si Jimin.

"Crush, anong nangyari?" Tanong ni Seulgi.

"Seul, stop that" sabi ni Joohyun at siniko si Seulgi.

"Stop what?" Tanong ni Seulgi.

"Stop calling him crush" bulong ni Joohyun at namula. Kunot-noong tiningnan ni Seulgi si Jimin tapos balik kay Joohyun. Parang iba yung pakiramdam nya sa dalawa.

"Wait, kayo na ni Jimin?" napanganga si Seulgi dahil sa tanong ni Seungwan. Napangiti naman si Sooyoung at tumili. Habang si Yerim, nakangiwi lang.

Hindi sumagot si Jimin. Mukhang kanina pa naiilang. Napatawa ng pilit si Seulgi.

"Karibal pala kita?" Biro nya.

"I said stop that, Seul! Hindi mo naman crush si Jimin diba? Stop fooling around" sagot ni Joohyun.

Pero ngumiti lang si Seulgi.

"Seryoso ako. Sige, may pupuntahan lang ako" sabi nya bago iniwan ang mga kaibigan nya pati si Jimin.

-

"Bearcone!!"

"Ka— YAAAAAAAAAAAH!" parang naruto kung tumakbo si Seulgi papunta sa lalaking nakatayo sa labas ng building, "Supah Meriooo!!"

Yung imbes na badmood sya ngayon, who thought na mawawala yun?

"Bearcone, I really miss youuuu"

"Supah merio, kailan ka pa bumalik?"

"Kanina lang. I really want to see you that's why I didn't bother change my clothes. How are you?" Ngumiti lang si Seulgi at inabot ang ulo ng lalaki para tapikin ito.

"I miss you too and I'm always fine" sagot ni Seulgi, "Tara pasok ka"

-

"SEOKJIN!" natahimik ang buong canteen dahil sa pagsigaw ni Taehyung. Malalim na nga, malakas pa. Napatayo ang buong barkada sa isang table at tumakbo papunta sakanilang dating kaibigan.

"I miss you all guys! It's been a long time!" Sabi ni Seokjin nang makita nya ang dating barkada nya.

Seokjin was Seulgi's bestfriend along with Taehyung, Jungkook and Hoseok before pero kailangan nitong lumipat sa USA dahil sa kagustuhan ng magulang nito. Lahat ng naging kaibigan nya ay puro lalaki at si Seokjin ang pinakaclose nya sa lahat. Since wala nang maggawa si Seulgi, hinayaan nya nalang na umalis si Seokjin.

Yun ang dahilan kung bakit naghihiwalay ang apat. Si Jungkook, naging chickboy dahil wala nang manenermon sakanya which is si Seokjin. Seulgi hates it kaya hindi sila nagkabati ng ilang buwan. Si Taehyung at Hoseok, nakahanap na ng ibang kaibigan gayun din si Seulgi. Pero this time, babae na ang naging kaibigan nito which is sina Seungwan, Sooyoung, Joohyun at Yerim.

"Seokjin, nakakamiss ka bro! Ang pogi pogi mo na!" Muntik nang tumili si Hoseok. Hindi naman sya bakla. Hindi talaga promise!

"Seokjin hyung"

"Kookie!!" Napangiti si Seulgi kay Jungkook. Sure syang hihiwalayan ni Jungkook yung girlfriend nya— or more like fling. Malay mo, may chance pa si Yerim.

Napatingin si Seulgi sa table ng mga kaibigan nya. May pinaguusapan ang mga ito at parang hindi nila napansin yung pagsigaw ni Taehyung at pagpasok ni Seokjin. Hindi nya naman mapupuntahan yung mga kaibigan nya dahil nandyan si Seokjin. Plus! Seokjin was Joohyun's ex boyfriend pero naghiwalay sila agad dahil madaling magsawa si Seokjin. Joohyun loved him so much kaya siguro hanggang ngayon nasasaktan parin ito.

Seulgi sighed, "Are you okay?" Tanong ni Seokjin. Tumango lang ito.

"Seokjin hyung, ipapakilala kita sa mga kaibigan namin" sabi ni Jungkook na ikinatahimik ni Seokjin. Napatingin naman si Seulgi kay Jungkook.

"New friends?" Tanong ni Seokjin.

"Uhh..."

"Yes, new friends" sabi ni Seulgi at tiningnan ang tatlo. Ngumiti sya kay Seokjin, "Meron din ako... Well, you better know their NEW FRIENDS kasi mukhang mas better sila kesa sakin"

Napasimangot si Taehyung dahil sa sinabi ni Seulgi. Nasaktan sya sa totoo lang. Hindi naman nya gustong maghanap ng bagong kaibigan at iwan si Seulgi na maghanap rin ng sarili nitong mga kaibigan. Pero pinili nya paring magkaruon ng mga lalaking kaibigan kesa sa babae. Naintindihan ni Seulgi yun. But the fact na ayaw pala ni Hoseok sakanya from the start? Alam nyang kailangan na nyang umalis sa barkada. Alam nyang kinaibigan lang sya ni Hoseok dahil kaibigan sya ni Seokjin. Kaya siguro ang sama ng tingin ni Hoseok sakanya nung pinakilala sya ni Seokjin sa tatlo.

Elementary pa lang, magkaibigan na sila Seokjin, Hoseok, Taehyung at Jungkook. Grade six sya nung nakilala nya si Seokjin at ipinakilala ito sa tatlo pa nitong kaibigan. Grade 7 to 8, sila ang barkadang mahirap paghiwalayin. Pero kailangan ni Seokjin na umalis nung Grade 9 at yun ang dahilan kung bakit sila nagkahiwalay at ang panahon na nakilala nya ang apat na babaeng kaibigan nya hanggang ngayon.

Pero ngayong nagbalik na si Seokjin... ano na kayang mangyayari sakanila?

[✔] ScamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon