4. Comments

395 17 2
                                    

💞KANG SEULGI💞

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

💞KANG SEULGI💞


❤❤

Pagpasok palang ng bahay ni Seulgi, madilim ulit yung bahay nila. Well that's usual. It means, walang tao sa bahay kaya nakapatay lahat yung ilaw. Pumasok sya sa loob at binuksan ang ilaw sa sala. Umakyat sya sa kwarto at humiga sa kama nya. Mas gusto pa nyang sya lang mag-isa sa bahay kesa sa makita nya ang pagmumukha ng Kuya nyang balasubas.

Kinuha nya ang phone na nasa bag nya at binuksan nya yun para makafacebook na sya. Habang nagbibihis si Seulgi, kumakati yung ilong nya dahilan ng pagbahing nya na parang walang bukas. Hinawakan nya ang ilong nya at muntik nang maiyak. Ayaw nya talaga sa lahat ang sipunin. Tangina kasi eh.

Nagstatus agad sya sa FB.

Kang Seulgi

Just great!! Aylabyu sipon ah! You never failed to ANNOY me like tangina mo!! Shit ka rin pala pakyu! Kekekekeke #NotFeelingWell

"Kung hindi naman kasi ako minamalas" dumapa sya sa kama nya habang scroll ng scroll sa news feed nya. Dahil sa bored na talaga sya, napag-isipan nyang basahin nalang yung 20 comments in just 1 minute na nasa notification nya.

Puro 'get well soon', 'same here', 'okay lang yan'... Tapos tinawanan pa sya ng iba. Suminghot ulit sya at nagpatuloy sa pagbasa ng mga comments.

Park Jimin Get well soon

3 words.

3!

Tangina bakit sa tatlong salitang yun ay bigla nalang syang napahinto. Iba yung effect sakanya ah tangina si Park Jimin lang naman yan.

Napatingin ulit sya sa cellphone nya bago inexit yung app na ginamit nya. Napatingin sya sa pader ng kwarto nya.

Bakit sya nagcocomment?

Well he hates me right?

Tangina.

Napabangon sya at pumunta sa kusina para uminom ng tubig. Kahit umiinom sya, naiisip parin nya yung comment ni Jimin sa status nya. Palagi nyang tinatanong sa isip kung bakit ito nagcocomment like umaasa syang sasagot ang utak nya sa tanong nya.

Siguro hacked?

Kinuha nya ulit ang phone nya para magstatus ulit.

Kang Seulgi

Parang may nagmamasid sakin dito sa bahay. Tangina bakit kasi wala akong kasama T^T Pano kung magnanakaw o kidnapper yung mga nagmamasid?? I LOVE YOU NALANG SA MGA TAONG NAKILALA KO!!

Galing rin nyang mangscam eh.

Mukhang napaniwala naman nya yung mga tao dahil sa mga comment na, 'gusto mo samahan kita jan?', 'uy be safe :'(', 'sana okay ka lang', 'are you okay?' Like that tapos shock emoticon. Pero isang comment lang talaga ang hinihintay nya.

Pero ni-like lang ng taong yun. Wawa naman dis gurl.

Siguro wala naman talaga syang pake...

Maya-maya'y bigla nalang may kumatok. Hinayaan nalang nya yun dahil katok palang, alam na nya kung sino yun.

"Buksan mo yung pinto!" Hindi nya yun pinansin. Buti nalang at naka-off parin yung mga ilaw kaya hindi halatang may tao sa loob.

Ayaw nya talagang papasukin yung Kuya nya. Feeling nya pag nakita nya ang pagmumukha ng kapatid nya, parang gusto nyang magpakamatay dahil sa inis.

Kuyang Pangit : buksan mo yung pinto alam kong nasa loob ka

Sabi sa text na natanggap nya.

Wala na syang choice kundi ang buksan nalang ang pinto. Mukha agad ng kapatid nya yung unang bumungad sakanya. Dahil sa inis, agad syang pumunta sa kwarto nya.

"Problema mo!?" Tanong ng Kuya nya pero isang bagsak ng pinto lang ang naisagot nya.

Kang Seulgi

Panira talaga ng gabi! Sarap magpakamatay eh eeerrrr

Nacurious ulit yung mga tao sakanya. Na akala ng iba ay baka depress nanaman sya.

Mga ulol, hindi nyo kasi alam ang feeling ng may kapatid!

Rereplyan na sana nya si Joohyun dahil sa comment nitong, 'Uy nandito pa kami' dahil ang OA OA naman kasi ng kaibigan nya pero isang comment ang napansin nya.

Park Jimin Suicide is not the answer. Don't do it...

[✔] ScamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon