10. Stalk

296 18 4
                                    

Boring...

Napadapa si Seulgi sa kama nya habang scroll parin ng scroll sa news feed nya. Isang idea ang pumasok sa isip nya.

Stalk ko kaya sya?

Napangiti si Seulgi habang tinype ang pangalang Park Jimin sa facebook. So gaya nga ng sinabi nya, stinalk nya si Jimin. Lahat ng mga old photos nito, nakita na nya. Dun nya nalamang mahilig pala si Jimin sa mga selfies lalo na kapag mirror selfies. May nakatag ring photo sakanya na nakahubad sya tapos may ohlala abs pala yung nerd na yun. May video rin si Jimin na sumasayaw sa isang competition at naging champion. Well, good thing wala pa syang nakitang mga photos na may kasamang babae si Jimin.

Nang masatisfy, ang sunod nyang pinuntahan ay ang instagram nito. Naging follower na nya si Jimin pero nihindi nya man lang nabisita yung account nya. Eh hindi nya pa crush si Jimin noon eh.

Shit...

Kung pwede lang talaga pusoan lahat ng mga posts ni Jimin sa insta, ginawa na nya. Pero baka mahalata ni Jimin na stalker sya at baka maturn off pa.

Next destination nya ay twitter. Puro selfies ulit tapos kunting videos. Pero kahit ilang segundo lang ang duration ng mga videos nya, nagfafangirl na si Seulgi dun. Eh crush ehhh. Para syang nakatingin sa videos ng bias nya. Parang ganun yung feeling.

Isa lang ang masasabi ni Seulgi. Don't judge a book by it's cover.

Nadiscover nya na ang Park Jimin na kilala bilang palaging Top 1 sa klase, isang nerd, isang bookworm, tahimik at masungit ay isa palang FAFA sa social media. Pakita ng abs everywhere, yung kili-kili na walang kahit isang hibla ng buhok (srsly, totoong lalaki ba tong si Jimin?), minsan wet look na anytime, mahihimatay na si Seulgi sa kakatitig. Iba rin tong si Jimin. May tinatagong pagka-wild. Harhar.

 Harhar

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

.

Nasa balcony si Jimin ng kwarto nya. Nakaupo sa isang upuan habang nakapatong yung mga paa sa railings. Iniisip nya kung totoo ba talaga yung mga pinagsasabi ni Seulgi kanina. The thought made him blush. Ambakla nya rin minsan.

Biglang nagvibrate yung phone nya kaya agad nya yung binuksan. Isang notification galing sa instagram at twitter. Pinindot nya yun.

Napaupo sya nang maayos nang makita nya ang notification.. Finollow sya ni Seulgi both Twitter and Instagram. Tapos may iniwan pang heart si Seulgi sa picture nya na nakahubad nung nasa pool sya. Namula sya dahil dun.


.


Gusto nang mamatay ni Seulgi ngayon din like right here right now. Bakit ba masyado syang tanga para magiwan ng HEART sa post ni Jimin sa instagram? At ang mas malala, yung hawt pic ni Jimin na masyadong kaakit akit para kay Seulgi.

Puta, ano na gagawin ko!? Mukhang nakita nya... Siguro offline sya.

Nagcomment sya para i-confirm na online ba talaga si Jimin.

_seulovely chimin crush ko! Why so hot here!

Sana offline sya..

Napahinga ng malalim si Seulgi nang hindi magreply si Jimin pabalik. Siguro offline si Jimin. Pipindutin na sana nya ang heart para alisin yun pero biglang nagvibrate yung phone nya. Agad nya yung tiningnan.

jimin_parkk @_seulovely nangs-stalk ka ba?

And that reply makes her want to kill herself right there right now. Goodbye bishes.

[✔] ScamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon