23. Lucky

275 14 0
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

❤❤

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


❤❤

AFTER A FEW YEARS...

"Congrats bro, grabe valedictorian dis boi" sabi ni Hoseok habang hindi parin inalis ang toga na suot nya kanina sa graduation ceremony.

"Thanks bro, syempre nagtyaga eh" kumindat ni Jimin at binuhat ang bag nya.

"Huy! Bakit hindi ka pa nagbihis?!" Mataray na sabi ni Seungwan habang pinagpapalo ng diploma sa ulo ang boyfriend nya.

"Beyb naman, gusto ko pang ifeel ang moment. Lamuna, hindi parin makapaniwalang graduate na beyb mo" sagot ni Hoseok.

"Pati nga ako hindi makapaniwala eh. Isang Hoseok na palaging itlog sa mga quizzes, graduated na?" Nagtawanan ang barkada sa sinabi ni Jungkook.

"Huy ilong manahimik ka nga! Parang hindi ka rin bagsak sa English tangina mo!"

At nagsisimula nanaman ang pag-aaway ng kabayo at kuneho.

Nasa bahay sila ni Joohyun pagkatapos ng ceremony nila. Syempre active yung pamilya ni Joohyun pagdating sa handaan kaya kung may kunting event lang, handaan agad.

"Grabe, magcocollege na nga kayo, nag-aaway parin kayo mga kumag!" Napatingin lahat ng magbarkada sa babaeng nakatayo sa pinto ng bahay ni Joohyun.

Unang tumayo si Joohyun at tumili.

"OMYGHAD KANG SEULGI!!!" Tili ni Joohyun at dali-daling lumapit sa kaibigan nyang hindi nahawakan ng isang taon.

Hinila ni Joohyun si Seulgi sa sala nila, "I hope natandaan mo pa ang mga pagmumukha nila" sabi ni Joohyun at tinuro ang pagmumukha ng barkada nya. Napangiti si Seulgi.

"Isang taon lang naman ako wala dito Joohyun. Parang nagkaamnesia naman ako" sabi ni Seulgi.

"I missed you bearcone!" Excited na sabi ni Seokjin at niyakap si Seulgi. Sumunod ang iba.

Dahan-dahang napatayo si Jimin at lumapit sa girlfriend nyang naging ka-long distance relationship. Yayakapin na sana ni Seulgi si Jimin nang pinitik ni Jimin ang noo nya.

"Pagkatapos mong hindi ako ichat ng isang linggo, yayakapin mo lang ako!?" Sabi ni Jimin at piningot ang tenga ni Seulgi.

"Chimin naman eh~ Sorry, eh kasi naging busy ako para sa graduation namin kaya hindi kita ma-chat. Eh galing pa nga ako sa graduation eh. Nilakbay ko ang Jeju papunta dito sa Seoul na suot itong dress na suot ko sa graduation. Tsaka di mo ba ako namiss?" Tanong nya sa boyfriend nya. Hindi sya sinagot ni Jimin. Nakatingin parin ito sakanya.

"Nagtanong ka pa? Mas miss pa kita kesa sakanila Kang Seulgi. Tangna halika dito!!" Ngumiti ng napakalaki si Seulgi bago yakapin ng mahigpit ang boyfriend nya.

1 year ago, napag-isipan ng magulang ni Seulgi na pag-aralin sya at ang Kuya nya sa Jeju. Nung una, gustong sumama ni Jimin. Pero ayaw nitong iwan ang mga magulang nya kaya wala na syang maggagawa pa. May koneksyon parin naman sila. Wala ngang araw na hindi sila nagch-chat at nagvivideo call eh. Palaging online si Jimin sa facebook para makita nya ang updates ng girlfriend nya. Minsan may makikita syang pictures na may kasama syang lalaki. Syempre nakakaselos, kaya agad nya yun pinapadelete kay Seulgi. Kahit malayo sila sa isa't isa, nakabantay parin si Jimin sa girlfriend nya. Tanga pa naman nito.

"I miss you so so so so so much too Chiminnie!! Kayo rin guys!!" Tiningnan ni Jimin ang girlfriend nya, "ay sya nga pala, hindi lang ako yung pumunta dito sa Seoul. Nagsama ako ng ibang naging friends ko doon. Classmates ko lang yung iba. Wait, papasukin ko lang sila" sabi ni Seulgi at lumabas ng bahay.

Ayaw pa sanang bumitaw ni Jimin pero hinila na sya paupo ni Jungkook sa sofa.

"Mamaya na yang moment nyo okay?" Sabi ni Jungkook at inirapan ang kaibigan.

Pumasok si Seulgi habang may nakasunod sakanya na siguro classmates nya.

"Tenen! Sila nga yung classmates ko sa Jeju. Sya si Seungkwan, Jisoo, Yerin, Yoojung, Eunwoo, Jiae, Chaeyoung tapos Jooheon.. Classmates ko nga pala guys" pakilala ni Seulgi.

"Hi/Hello!" Bati ng walo. Bumati rin pabalik ang magbarkada except kay Jimin.

Nabigla nalang sila nang biglang tumayo si Jimin at tinuro ang isang lalaki na nasa tabi ni Seulgi.

"Ikaw at ikaw! Kayo ang nakita ko sa facebook na kasama yung GIRLFRIEND KO!! How dare you! Ikaw singkit ka, bakit mo niyakap girlfriend ko!? Tapos ikaw! Bakit mo hawak yung kamay—"

"Park Jimin!!" Lumapit si Seulgi sa boyfriend nya. Hinawakan nya ang damit ni Jimin at pinaupo sa sofa, "Sorry guys, ganito talaga to"

"Wow bes ah. Ang pogi nga ng boyfriend mo tapos ang cute na rin! Shets!! Walang panlaban si Jooheon!!" Tawa ng isang babaeng nangangalang Jisoo.

"Mas matangkad naman ako" sabi nung isang singkit.

Tatayo na sana si Jimin para sunggaban ng suntok yung lalaki nang pinigilan sya ni Seulgi.

"Jimin naman.. Kaibigan ko lang sila. Si Jooheon, kaibigan ko lang sya. Si Eunwoo, kapitbahay at classmate ko lang. Walang malisya yung nasa pictures promise!! Nanalo lang kami sa isang competisyon nun okay?!" Pagpapaliwanag ni Seulgi.

"Teka, manliligaw ka ba ni Seulgi?" Tanong ni Yerim kay Jooheon.

"First day of school palang, manliligaw na ni Seulgi to" sagot ni Seungkwan.

"Anong—" pinigilan ulit ni Seulgi si Jimin.

"Pero fafa Jimin, wag kang angry. Binusted naman agad ni bibi Seulgi tong singkit na to eh kasi mas mahal ka nya" sabi ni Yoojung.

Ngumiti naman si Seulgi at niyakap ang ulo ni Jimin na nakabusangot parin.

"Narinig mo yun chim ha? Kaya wag ka nang magselos" sabi ni Seulgi at hinalikan ang noo ng boyfriend.

"Naiirita ako sa pagmumukha ng singkit na yan" bulong ni Jimin.

"Ang swerte ng Jimin na yan. Kung gusto mo lang naman pala ng pandak edi sana tinigil ko na ang paginom ng cherifer" biro ni Jooheon.

Binatukan naman Yoojung si Jooheon.

"Anong kinalaman ng height ko dito!!" Inis na sabi ni Jimin.

"No Jooheon, ako ang swerte samin. Nagkaruon kasi ako ng boyfriend na cute, gwapo, matalino, supportive, masungit, pandak at napakaseloso..." Sabi ni Seulgi at hinalikan ang pisngi ng nakasimangot na boyfriend.

"Sinali mo pa ang height ko!"

[✔] ScamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon