Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
❤❤
Pagkatapos nilang kumain, umupo na sila sa sala. Buti at malaki yung sala at maraming mauupuang sofa kaya nakaupo lahat ng magbarkada at pati na ang mga classmates ni Seulgi.
Syempre nahuhumaling yung mga babae sa kagwapuhan ng anim na lalaki. Eh sino bang hindi diba kekekeke.
Like kanina... Kinausap ni Yoojung si Jungkook pero agad na hinila ni Yerim ang braso ng boyfriend nya paalis kay Yoojung. Si Jiae naman, lumapit kay Yoongi para makipagkilala pero agad itong umiwas. Diba gusto lang makipagkilala, nilayasan agad. Kala mo kung sinong matangkad. Tapos si Jisoo, inapproach si Seokjin at dahil mabait si Seokjin, kinausap naman nya yung babaeng maganda. But not interested. Si Chaeyoung, nalaman nyang underground rapper pala si Namjoon kaya nakipagFC sya agad dito dahil mahilig rin itong magrap. Ayun nagkasundo. Si Yerin, naghi lang kay Hoseok. Naghi pabalik si Hoseok. So ayun, pinagalitan ng girlfriend dahil malandi. Masyadong possesive si girlfriend Seungwan eh. Buti nalang at nakabantay si Joohyun sa boyfriend nya kaya walang niisa ang lumapit. Si Sooyoung na naghihintay ng kaforever, pilit na kinausap si Eunwoo. Kaso taken na.....kay Author hehehehehehehehe tangina lande ko. Si Seungkwan at Jooheon, hopeless romantic yung dalawa eh. Walang kaforever.
"Samahan mo ko" sabi ni Jimin at hinila si Seulgi patayo sa kinauupuan nyang sofa.
"Ay eehh! Busog pa ako chim" sabi ni Seulgi.
"Maglalakad ka lang naman eh. Please" pilit na tumayo si Seulgi. Umalis na sila habang busy ang mga tao sakanilang pagkain.
Lumabas sila ng bahay para pumunta sa pool area nila Joohyun. Umupo sila sa gilid ng pool.
"Sigurado ka bang wala kang sinagot na manliligaw sa paaralang pinagaralan mo?" Tanong ni Jimin. Napanguso si Seulgi at tiningnan si Jimin.
"Wala ka bang tiwala sakin? Loyal ako sayo diba? Baka ikaw nga jan, may niligawan ka siguro no!?" Tanong ni Seulgi.
"Oo, muntik na akong may niligawan" sabi ni Jimin at umiwas ng tingin kay Seulgi. Nabigla naman si Seulgi dahil sa sagot ni Jimin. Mukhang seryoso rin si Jimin.
"Jimin naman..." Kahit pwedeng maging joke yung sinabi ni Jimin, syempre nasaktan sya ng wonhae manhi manhi. Like, alot alot alot. Kekekeke okay seryus.
"Nalaman kong pwede palang ma-attract sa iba kahit wala yung girlfriend sa tabi mo. Siguro napagod ako sa kahihintay sayo" sabi ni Jimin.
Hindi mapigilan ni Seulgi ang maiyak. Oo as in labas luha talaga. OA na kung OA. Parang feeling nya kasi na totoo yung sinasabi ng boyfriend nya. Kahit joke lang yun, masakit parin.
Napansin ni Jimin na humihikbi si Seulgi sa tabi nya kaya agad nya yung tiningnan. Ngumiti lang sya at niyakap ito.
"Sa tingin mo magagawa ko yun? Sa tingin mo kaya ko yun?" Tanong ni Jimin. Umiling-iling si Seulgi, "Naghintay ako ng isang taon Seulgi. Pero never akong napagod okay? Never akong tumingin sa iba. Not literally. But honestly, maganda yung new transferee namin"
Muntik nang mahulog si Jimin sa pool nang itulak sya palayo ni Seulgi. Tumawa naman si Jimin at pinitik ang noo ng girlfriend nya, "Joke lang eh! Mas maganda ka naman dun. Loyal kaya ako sayo. Selos ka naman agad"
"Eh anong mafefeel mo pag may humalik saking iba?" Tanong ni Seulgi.
"Tanginang— ano!? Sino yan ha!?"
"See?? Yun din nafefeel ko! Payts na tayo" sabi ni Seulgi.
"Pero may humalik ba sayo?" Tanong ni Jimin.
"Sa cheeks lang naman" sagot ni Seulgi.
"Sino!? Papatayin ko sya!! Isa ba sya sa sinama mo dito? Si Jooheon ba?" Tanong ni Jimin.
"Ano ka ba, dare lang naman yun eh. Hindi ko sya sinama dito tapos may nililigawan na yun. Jimin, cheeks lang naman eh"
"Pano kung lips ha!?"
"Uy hindi! Mas gusto ko pang maghubad—"
"Anong maghubad!? Anong kalokohan ang mga pinaggagawa mo dun Kang Seulgi!"
"Oa mo! Maghubad ng sapatos!! Pag hindi kasi gagawin yung dare, huhubarin yung sapatos tas ipaamoy sa mga classmates ko"
Napahinga naman ng maluwag si Jimin pero masama parin ang tingin kay Seulgi. Ngumiti naman si Seulgi dahil ang cute magselos ng boyfriend nya. Eeehh how to be you po.
Tumahimik nalang sila bigla. Parang may iniisip na napakalalim si Jimin habang nakatingin lang si Seulgi sakanya. Hinintay nyang magsalita si Jimin.
Tatayo na sana sya para pumasok sa loob ng bahay nang hilain sya pabalik ni Jimin para idampi yung kailangang idampi sa labi nya. Ay charing.
"Ayan na! Solve na problem ko" sabi ni Jimin at nginitian si Seulgi. Nagulat parin ito sa ginawa nya. Like, sinong hindi magugulat diba?! Hinalikan ka ng isang Park Jimin!
"Yung first kiss ko" sabi ni Seulgi.
"Bakit? Ayaw mong ako yung first kiss mo? Kaya nga kita hinalikan diba kasi ayaw kong mapunta ang first kiss mo sa iba" sabi ni Jimin.
"Hindi kasi eh!" Sabi ni Seulgi.
"Anong problema?"
"Dapat kasi romantic yung first kiss ko! Biglaan naman kasi Jimin eh! Sayang!!" Acheche landi rin nitong hayuf nato eh.
"Edi gawin nating romantic ang second kiss" nakangiting sabi ni Jimin at idadampi na sana yung lips nyang malatweety bird — dechoss lang!! — so hahalikan na sana nya ulit si Seulgi in a romantic way nang makarinig sila ng kaluskos sa likod nila.
"Ang tanga mo talaga Namjoon!! Nasira mo tuloy ang halaman namin!" Rinig nilang sabi ni Joohyun.
"Sinipa kasi ako ni Hoseok eh!"
"Aba porket kabayo, ako na yung naninipa!? Naninipa rin naman yung kuneho ha!"
"Aba dinamay pa ako!"
"Guys tama na nga!!"
Napairap si Seulgi at tinapik ang pisngi ni Jimin, "Pag wala nang audience" sabi nya dito at tumayo para sugurin yung mga panirang impakto't impakta.