19. Sorry

302 14 2
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


💞KIM TAEHYUNG💞

❤❤

"Seulgi, happy birthday" nakangiting sabi ni Hoseok sakanya habang may hawak na maliit na box.

"Salamat" mahinang sabi ni Seulgi bago kunin ang box. Tiningnan nya si Hoseok at hinintay na umalis.

"Buksan mo muna" sabi nito. Napatingin ulit sya sa box at binuksan ito.

"Oh my gosh" bulong nya at kinuha ang isang pamilyar na bagay.

"Naalala mo pa ba yan? Nung panahong sumali ako sa track n field. Binigay mo sakin yan as lucky charm para manalo ako. Alam mo bang habang tumatakbo ako nun, palagi akong tumitingin sa bracelet na yan? Pagnakikita ko ang bracelet na yan, naalala ko ang pagkakaibigan nating lima. Kayo ang inspirasyon ko nun sa pagtakbo kaya nagkaruon ako ng hope para manalo and unexpectedly, nanalo nga ako. Palagi ko yang sinusuot. Nakalimutan mo na ata kasing kunin sakin eh" napahawak si Seulgi ng mahigpit sa bracelet at tumingin kay Hoseok, "Seulgi, I'm sorry. I'm sorry dahil makasarili ako. I'm sorry dahil nagalit ako sayo. I'm sorry for treating you like a useless person. Narealize ko kung pano ka kahagala samin Seulgi. Nung panahong umalis ka dahil sa mga sinabi ko sayo, dun ko narealize na mali ako. Nagsisisi ako. Narealize kong kailangan ka pala namin. Palagi ko nalang dinedeny sa sarili ko na hindi kita gustong maging kaibigan kahit na sinabi na ng puso at isip ko na tanggapin ka bilang totoong kaibigan ko. Kapag nakikita kitang masaya sa mga bagong kaibigan mo, namimiss ko yung panahong pinasaya mo kami. Namimiss ko yung mga pangs-scam at prank mo sakin. Naiinis ako sa sarili ko dahil hinayaan kitang umalis. Ang tanga tanga ko. Please Seulgi, hindi kita pipilitin na bumalik sa grupo namin. Pero sana mapatawad mo ko"

Tumingkayad si Seulgi para yakapin si Hoseok. Yun na ata ang pinakahabang nasabi ni Hoseok sakanya. Masaya sya sa narinig nya mula kay Hoseok. Naintindihan nya parin ito kahit masakit parin sakanya ang nasabi ni Hoseok sakanya noon. Well past is past ika nga.

"I understand Hoseok at pinapatawad na kita" niyakap nya si Seulgi pabalik. Humiwalay ito para makita ang ngiti nya.

Kekeke nakakamiss ang ngiti ng kabayong to..

"Kain ka na" sabi ni Seulgi.

Iniwan na sya ni Hoseok para kumain. Napatingin ulit sya sa bracelet bago yun binulsa.

"Uyy pangiit" nabigla si Seulgi nang tapikin sya ni Taehyung. Tangina, ang laki kasi ng kamay eh. Napangiti si Seulgi dahil sa tawag ni Taehyung sakanya.

"Bakit pangit?" Tanong nito at kinurot ang pisngi ni Taehyung. Pinikit naman ni Taehyung ang isang mata nya dahil sa pagkakurot ni Seulgi.

"Sorry talaga pangit. Yakapin kita pangit ah?" Tumango naman sya at agad syang niyakap. Yung usual na yakap ni Taehyung. Dahil maliit si Seulgi, yung ulo nito ang niyayakap nya. Ganung yakap ba.

Totoo kayang nagseselos si Joohyun kapag nakikita nya kami ni Taehyung na nagyayakapan?

"Pangit, sorry dahil hinayaan kitang umalis—"

"Taehyung, enough. Naintindihan kita. Naintindihan ko kayo" pagputol nya kay Taehyung pero nakanguso parin ito na parang bata.

"Alam mo ba naiinis ako? Kapag may problema ako, wala nang maga-advice sakin. Sina Kookie at Hobi, hindi ako pinapansin tsaka wala silang pakialam kapag may problema ako. Sana pwede akong lumapit sayo para manghingi ng advice" nginitian nya si Taehyung. Yung feeling na hindi bumagay ang malalim nyang boses sa cute nyang mukha.

"Free ka namang lumapit sakin Taehyung eh. Kapag may problema ka, sabihan mo lang ako. Ano bang problema mo ngayon?" Tanong nya.

Tumingin ito sa mga daliri nya, "Wala kasi akong gift para sayo kasi pati ako, nakalimutan ko rin birthday mo" pag-amin nito.

"Ganyanan naman tayo eh" sumeryoso bigla yung mukha ni Seulgi.

"Uy sorry" sabi ni Taehyung.

"Wag mo kong kausapin!" Sagot ni Seulgi. Yumuko ulit si Taehyung at pinaglaruan ulit ang mga daliri nya. Mukha nga syang papaiyak eh.

"Sorry talaga Seulgi. Ayokong magalit ka sakin" sabi nya.

"Sineryoso mo naman. Joke lang yun Tae. Kahit kelan, hindi ako magagalit sayo" Tumingin sya kay Seulgi at nagkunwareng umiyak. Yung palagi nyang ginagawa. Pinapangit yung mukha nya kahit ang totoo, lalo syang naging cute. Well, Kim Taehyung eh, "Kumain ka na nga. Handa pa naman yan ni Joohyun" sabi ni Seulgi at tinuro ang mga pagkain. Biglang sumeryoso ang mukha ni Taehyung tapos tumingin sa mga pagkain.

"Ahh oo nga pala. Sige, kailangan ko munang kumain ngayon" sabi nya bago umalis.

Hindi parin nagbago ang alien ko...

[✔] ScamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon