22. Other side

263 15 0
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


💞BAE JOOHYUN💞

❤❤

Napangiti si Seokjin habang nakatingin sa dalawang magjowang nakaupo sa ilalim ng puno. Kasama nya si Namjoon sa tabi nya na busy sa kakabasa ng libro. Syempre nakabuntot sakanya palagi si Namjoon kasi sya lang naman ang kakilala nito. At isa pa, pag mawala si Namjoon, siguradong may masisira nanaman. Sinabihan na rin sya ng magulang nito na bantayan ang anak nilang tanga. Syempre bilang pinagkakatiwalaang kaibigan, sinunod nya naman.

"Parang kahapon ko lang sinagip si Seulgi sa pagkahulog nya sa rooftop. Tapos ngayon, ang saya na nya habang kasama si Jimin. Ang saya ko, Joon" sabi ni Seokjin sa kaibigan. Syempre hindi na sya mage-expect na sagutin sya nito kasi alam nyang may ibang mundo si Namjoon.

"Mahal mo parin ba si Joohyun?" tanong ni Namjoon dito. Nabigla naman si Seokjin sa tanong.

"No no no no! Ano ka ba, ayoko nang magkagirlfriend no. For experience lang naman yun. Narealize kong nakakasawa palang magkaruon ng girlfriend. Nagtataka nga ako kung bakit may nagtatagal pang relasyon" sabi ni Seokjin.

"Eh kasi hindi mo naman sya minahal gagu ka talaga. Pag mahal mo kasi ang isang tao, syempre tatagal yung relasyon" sagot naman ni Namjoon.

"Ah basta ayokong magkagf. Ikaw? Kailan ka magkaruon ng gf?" tanong ni Seokjin.

"Ayaw ko muna. Napag-isipan kong magpari" natatawang sabi ni Namjoon.

"Wow ah.. Pari ka jan. Wala ngang araw na hindi kita maririnig na magmura eh! Don't me" sabi ni Seokjin at binatukan ang kaibigan.

"Baka gusto mong tayo nalang?" nakangising sabi nito.

"Puta wag ako Namjoon! Mas gusto ko pang tumandang binata" sabi ni Seokjin.

"Dalaga kamo" sabi ni Namjoon at tumayo sa pagkakaupo nya sa bench kasi alam nyang makakatanggap nanaman sya ng sabunot galing kay Seokjin. Syempre hindi lang lalaki ang marunong manabunot ng buhok no. Kaya ni Seokjin yun.

"Tangna ka halika ditong badjao ka!!"

-

"Ahh Joohyun...?" napantig ang tenga ni Joohyun sa malalim na boses na yun. Agad nyang inayos ang buhok nya at tiningnan si Taehyung.

"Hi Tae" bati nya sa cute na lalaking nakatayo sa likod nya. Pinaupo nya si Taehyung sa tapat nya, "Anong ginagawa mo dito?"

"Makikiupo sana ako" sabi nito, "May practice kasi si Hoseok ngayon tapos si Jungkook naman, hindi ko mahanap. Ikaw lang ang medyo kakilala ko dito kaya dito ako napunta"

Napangiti si Joohyun habang nagsasalita sa harapan nya si Taehyung. Sana pwede nyang picturan ang mukha nito at gawing wallpaper. At dahil syempre makapal ang mukha nya, agad naman nyang ginawa.

"Anong ginagawa mo?" tanong ni Taehyung habang nakatingin sa phone ni Joohyun pagkatapos syang picturan. Tumawa naman si Joohyun sa gulat na mukha ni Taehyung sa picture.

Ang cute!

Namula si Taehyung dahil sa ginawa ni Joohyun. Sino bang hindi diba?? Atsaka bakit kasi biglaan. Dapat sinabi nalang ni Joohyun na pwede ba syang picturan para makangiti naman sya ng kunti. Pero yung gulat nyang mukha?! Tangina, pinagloloko ata sya ni Joohyun eh.

"Alam mo, kahit anong gawin mo, ang cute mo parin" sabi ni Joohyun.

"Kahit pinapangit ko na mukha ko?" tanong ni Taehyung.

"Lalo kang nagiging cute alam mo yun? Hindi ako nagsisising naging cr—" napatakip ng bibig si Joohyun.

Muntik na yun...

"Ahh basta cute ka" sabi nalang nya at tinago ang phone nya sa bulsa.

"Balita ko, crush mo raw si Jimin?" tanong ni Taehyung. Halatang curious talaga sya.

"Dati yun. Kaso umasa lang pala ako. Pero may Seulgi na yun kaya behave na ako" sabi ni Joohyun.

"As in crush na crush!?!" tanong ulit ni Taehyung.

Ang cute nyang macurious shet...

"Oo, crush na crush na crush. Nung nireject nya nga ako, hindi ko namalayang naninira na pala ako ng kaibigan. Nagsisisi nga ako eh. Tanginang yan, kasalanan naman talaga ni Seulgi kung bakit ko naging crush si Jimin eh. Yung babaeng yun, hindi pa kami tapos nun. Kakalbuhin ko lahat ng teddy bears nya sa bahay" sabi ni Joohyun bago tumawa.

"Talaga? Ako, crush mo ba ako? — Este, gusto mo ba yung mga taong katulad ko? You know, uhmm.. Isang Kim Taehyung na maingay" sabi ni Taehyung at ngumiti.

"Kailangan ko pa ba yan sagutin? Hindi ba halata? Sige nga, tanungin mo ko kung sino crush ko" sabi ni Joohyun.

"Sino crush mo?" tanong ni Taehyung.

"Si Jimin" nakangising sabi ni Joohyun at pumalakpak. Ngumiti rin ng pilit si Taehyung at pumalakpak rin, ".... Mahal kasi kita"

Agad na napatingin si Taehyung kay Joohyun, "Bakit? Nabigla ka pa? Hindi ba halatang naging crush kita? Dahil nga sayo, nalilito ako sa feelings ko kay Seokjin noon dahil palagi nalang kitang napapansin pag sumasabay kami ni Seokjin every lunch sa table ninyo. Iba ka rin Taehyung eh. Hindi na ako mabibigla nung sinabi ni Seulgi saking crush ka nya"

Mas nabigla si Taehyung dahil sa huling sinabi ko.

"Crush ako ni Seulgi?" tanong nya.

"Crush ka nya, mahal kita. Ako, diba crush mo rin ako??" tanong ni Joohyun habang nakangiting aso.

Say yes! Say yes!! I do I do!!

"Uyy hindi" napakurap si Joohyun, "Hindi rin kita crush ah— a-ano... Mahal din kita.. P-Pareho tayo.. Ano, o-oo.. I mean, m-mutual t-tayo" nauutal na sabi ni Taehyung.

"Liligawan mo ba ako?" Kapal talaga ng mukha ng babaeng to grabe.

"Huh?" Napakurap ng tatlong beses ni Taehyung at lumunok, "B-Bakit? Pwede ba kitang ligawan? Pwede ba kitang maging girlfriend?"

Napatawa si Joohyun at napasapo ng noo, "Taehyung... Magkaiba ang panliligaw sa pagtatanong kung pwede mo ba akong maging girlfriend. Hindi mo ba yun alam?" Tanong ni Joohyun.

"Hindi ba? Akala ko pag tinanong mo ang isang tao kung pwede manligaw tapos sasabihin nyang oo, akala ko sila na" inosenteng sabi nito at mukhang nadismaya pa.

Gustong umiyak ni Joohyun dahil sa tuwa at panggigigil. Ang cute kasi ni Taehyung eh bakit ba! Nafefeel ko mga besss...

"Sige na nga, tayo na. Liligawan mo ko right? Sige, pwede mo na akong maging girlfriend"

"Diba magkaiba yun?"

"TAEHYUNG!!"

"Yey! Sabi ko nga tayo na! Yey!"

Napasapo ulit ng noo si Joohyun.

[✔] ScamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon