21. Start

279 14 2
                                    

💞SEULMIN💞

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

💞SEULMIN💞

❤❤

Nakaupo sila sa ilalim ng puno ng campus. Nagbabasa ng libro si Jimin habang nakayakap naman si Seulgi sakanya at nakapatong yung legs nya sa legs ni Jimin. Mukhang feeling nga nya mas mataas pa yung legs nya kesa kay Jimin eh. Pero akala nya lang yun. Kasi mas makapal ang fats - dejoke- ang hita ni Jimin kesa sakanya kaya maliit tingnan.

Ilang oras narin nyang tinitigan ang pagmumukha ni Jimin. Parang hindi na nga sya kumukurap eh.

"Pag ikaw magsawa sa mukha ko, baka hindi mo na ako i-love" sabi ni Jimin nang mapansin na nya ang mga titig ni Seulgi sakanya.

"Sana masabi ko sayong kahit kailan, hinding hindi nakakasawa ang pagmumukha mo. Now na nasabi ko na, paniwalaan mo" sabi nya. Tumawa naman si Jimin at pinitik ang noo ni Seulgi.

Tinago nya ang librong binasa nya at niyakap pabalik si Seulgi.

"Matanong ko lang, kelan mo ako naging crush?" tanong ni Jimin sa gf nya. Ngumiti naman si Seulgi at inalala ang panahong naging crush nya si Jimin.

"Alam mo, hate na hate kita noon. Naiirita ako sa pagmumukha mo. Hehehe peace! Pero siguro, simula nung panahong iniscam kita? Or nung nagcomment ka sa status ko? Well actually, scam talaga yung sinabi kong crush kita noon. Pero bigla nalang kitang naging crush? Ewan, siguro ganyan talaga ang feelings ng mga babae. Akalain mo yun, sa isang comment mo lang, biglang nagbago paningin ko sayo" sabi ni Seulgi kay Jimin.

"Hmm?"

"I can see rainbow, unicorns, cotton candy and hearts" natatawang sabi ni Seulgi.

"Edi sana noon palang, nagcocomment na ako sa mga status mo" sabi ni Jimin.

"Eh ako? Kailan?"

"Ewan" sabi ni Jimin at nginitian si Seulgi. Inirapan naman nya pabalik yung boyplen nya, "Nalilito kasi ako kung crush ba kita, gusto kita o mahal kita. Since hindi naman ako naniniwala sa love at first sight, siguro crush lang nung una. Pero ngayon, love na kita"

Kinurot nya ang tagiliran ni Jimin dahil sa kacheesyhan nito or siguro kinikilig lang talaga sya masyado.

"So kung hindi ka naniniwala sa Love at first sight, eh crush at first sight? So crush mo na ako nung unang nakita mo ako? Yiiieee!" ngumisi si Jimin at umiling.

"Hindi rin" ay assuming teh. Napasimangot si Seulgi, "Nakita kita nung second day of school. Naalala ko pa nun nung ikaw ang pinili nilang maging muse pero nagquit ka kasi ayaw mong sumali sa mga officers. Napatingin ako sa direksyon mo nun at simula nun ay palagi nalang kitang napapansin. Ang ingay ingay mo at palagi kang nambubulabog. Ayaw na ayaw ko sayo nun at ayaw kitang makausap kahit i-approach mo pa ako. Well mutual tayo kasi ayaw natin sa isa't isa right? Pero simula nung kinalat mong crush mo si Yoongi, parang naiinis ako sayo lalo nun. Ewan ko kung kanino ba ako maiinis dahil pag nakita ko si Yoongi, parang gusto kong manuntok ng tao. Kahit alam kong nagseselos ako, palagi ko paring dinedeny na hinding hindi kita magugustuhan. Pero wala eh, scammer ka eh"

Napangiti si Seulgi sa kwento ni Jimin. So noon pa pala sya interesado sakanya. Edi sana nagpaganda pa ito ng tudong-tudo noon. Landi meghad.

"Naalala mo pa ba nung tinanong mo sakin kung sino ideal type ko?" tumango si Seulgi, "gusto kong sabihin na ang ideal type ko sa babae ay isang matalino, mabait, maalaga, maganda, mahinhin at tahimik. Pero iba ang sinasabi ng utak ko kaya hindi ako makasagot nun"

"So never mo kong naging ideal girl?" tanong ni Seulgi at ngumuso, "Bakit parang si Joohyun ang mas fit sa ideal type mo?" dagdag nito.

"Sya nga" umalis sa pagkayakap si Seulgi at hinampas ng malakas ang braso ni Jimin.

"Tangina edi magsama kayo!" inis na sabi nito. Tumawa naman si Jimin kahit masakit ang braso nya at hinila pabalik si Seulgi sa dibdib nyang matigas ehehehe chr.

"But I tried. Pinilit kong ituon ang atensyon ko sakanya. Pero wala eh..." nakasimangot parin si Seulgi. Nag-alala lang naman sya. Pano kung magsasawa si Jimin sakanya tapos lilipat ito kay Joohyun. Posibleng mangyari yun kasi syempre, ideal type nga nya si Joohyun diba? Baka isang galaw nga ni Joohyun, mapupunta na si Jimin dito. Ayaw nyang mangyari yun syempre, ".... Ngayon, iba na ang gusto ko sa isang babae..."

Inalis ni Seulgi ang buhok sa tenga nya para marinig nyang mabuti ang sasabihin ni Jimin. Aba dapat lang! Baka may iba pang gusto si Jimin na wala sakanya.

"Ano yun?" tanong ni Seulgi.

"Isang babaeng maingay, cute, maganda, hyper, tanga at higit sa lahat..... isang scammer... Slash, isang Kang Seulgi" sabay kindat.

Well, di na nya kailangan pang mag-alala. Fit na fit sya sa bagong ideal type ni Jim-

"Teka... HINDI NAMAN AKO TANGA AH!!"

[✔] ScamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon