5. Crush

328 16 5
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


💞PARK JIMIN💞

❤❤

"Uy alam nyo bang crush ko si Park Jimin?" Tanong ni Seulgi sa mga kaibigan nya. Napatingin lang sila sakanya.

"Seryoso?"

"Scam?"

"Weh?"

"Don't me"

Bakit ayaw nilang maniwala?

"Totoo to promise! Crush na crush ko talaga sya!"

Maniwala kayo..

"Aweeee" napangiti si Seulgi nang asarin sya ni Yerim. Mukhang support naman sya eh.

"Ay hindi! Hindi ako naniniwala! Scam talaga yan" sabi ni Joohyun. Napairap si Seulgi dahil dun.

"Oo scammer ako pero seryoso ako ngayon" natahimik ang kaibigan nya sa sinabi nya, "Guys, crush ko talaga sya. Maniwala kayo please"

"Oh yung crush mo" napatingin naman si Seulgi sa lalaking papunta sakanila. Napangiti sya at napagisipang makisakay nalang.

"Omo yung crush koooo!!" sabi nya nang huminto si Jimin sa harapan nya, "Hi crush!"

Nagtaka naman si Jimin, "Uhm... Gusto ko lang iabot yung folder mo"

Kinuha naman yun ni Seulgi at kinindatan si Jimin sabay flying kiss, "Thank you crush! Mahal na mahal talaga kita!"

Hindi sya pinansin ni Jimin kaya nagkunwari syang napasimangot, "nireject ako ni crush" sabi nya.

"Kung crush mo talaga sya, sorry ka nalang, may crush talaga sya kay Joohyun" sabi ni Seungwan.

Napantig naman ang tenga ni Seulgi dun.

"Tama si Seungwan. Nung inasar ni Jungkook si Jimin kay Joohyun, nawala yung focus nya sa quiz pagkatapos nun. May mali tuloy sya quiz" sabi ni Sooyoung bago tumawa sa sinabi nya.

"Aww selos ako" sabi ni Seulgi sakanila at napatingin sa phone nya para icheck yung oras, "anong next subject?"

"Tingnan mo? Selos daw pero mukhang walang pake. Di mo nga talaga crush si Jimin" sabi ni Joohyun at inirapan si Seulgi. Napatingin naman si Seulgi sakanya.

"Bakit? Crush mo ba si Jimin?" Namula naman si Joohyun dahil dun, "Crush mo no?"

"Yah! Ikaw naman kasi eh! Dahil jan sa mga pangs-scam at pang-a-asar mo, crush ko na tuloy sya. Wag kang maingay" pag-amin ni Irene bago takpan yung mukha nya gamit ang buhok nya.

Nakaramdam naman ng sikip sa dibdib si Seulgi kahit wala naman talaga syang dibdib. Dejoke!! Pero nafeel nya talaga yun.

Ngumiti sya ng pilit, "Joke lang talaga yung crush ko si Jimin! Sige sayo nalang yan!" Sabi ni Seulgi at nagkunwaring umiyak. Pero ang totoo, parang naiiyak talaga sya. Ewan nya kung bakit.

Ano ba tong nararamdaman ko?

Nagsintawanan naman yung mga kaibigan nya at inasar-asar si Joohyun. Napatingin sya kay Jimin na busy nanaman sa pag-aaral. Napag-isipan nyang lapitan ito at guluhin.

May crush kaya sya kay Joohyun?

"Jiminnie..." Napatingin si Jimin sakanya.

"Ano?"

"Gusto ko ng kiss" magrereact na sana si Jimin nang biglang tumawa si Seulgi, "Joke lang!! Gusto ko lang magtanong..." "Anong ideal type mo sa babae?"

Kumunot naman ang noo ni Jimin. Bubuka ang bibig tapos isasara ulit. Parang nagdadalawang isip na sasabihin yung ideal type nya.

"Wala akong ideal type sa babae" sagot nito at tumingin ulit sa binabasang libro.

"Akala ko ako. Crush pa naman kita" nakangiting sabi ni Seulgi bago kurotin sa pisngi si Jimin at bumalik sa upuan nya. Napabuntong hininga nalang si Jimin.

[✔] ScamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon