1. Scammer

789 26 4
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


💞KANG SEULGI💞



❤❤

Isa si Seulgi sa kinikilalang babae sa campus.. In short, peymus sya. Peymus sa pagiging scammer.

"Paparating na si Maam" seryosong sabi nya habang dali-daling umupo sa upuan nya. Agad namang inayos ng mga kaklase nya ang mga upuang pakalat-kalat sa classroom.

Hindi na sila nasanay ... Sa isip nya bago kunin ang phone nya sa bulsa.

Napansin sya ni Joohyun at agad na napairap dahil nascam nanaman sila. Pano nya nalaman?

Kung totoong paparating na yung guro nila, edi hindi nya ilalabas yung phone nya. Gadgets ang pinakabawal na bagay sa classroom at alam ng lahat yun.

"Uy yung assignment, pakopya" sabi ni Yerim at umupo sa tabi ni Seulgi. Napatingin naman si Seulgi dito bago kinuha ang notebook nya tsaka binigay kay Yerim. Napatingin si Yerim sa notebook nya.

"Nasaan yung answers?" Tanong nito.

"Assignment lang yung hinihingi mo diba? Wala kang sinabing answers ng assignment ko! Akin na nga yan! La kang kwenta" sabi nito. Napairap naman si Yerim bago umalis sa kinauupuan nya.

Maya-maya'y pumasok ang isang lalaki na may hawak na libro tsaka may malaking bag sa likod. Napatingin ito sa paligid ng classroom bago pumasok sa loob. Napatingin naman si Seulgi at inobserbahan ang kakarating na classmate.


Ayaw na ayaw ni Seulgi kay Jimin simula first day of school palang. Bukod sa nerd ito at masyadong matalino, ayaw nya sa ugali nito. Masungit, laging highblood at kinamumuhian ang sariling classroom dahil ang section nila ang kilala bilang PINAKAMAINGAY NA CLASSROOM SA LAHAT. Isa sa pinakaingay dun si Seulgi at alam nya na yun ang dahilan kung bakit ayaw rin ni Jimin sakanya. Napairap nalang sya at binalik ang atensyon nya sa phone nya.


-



"Abnormal kaya si Jimin?" Napatingin si Seulgi kay Joohyun dahil dun.

"Huh?"

"Abnormal kaya sya?" Napatingin lang Seulgi sakanya at hindi namalayang nakasawsaw na pala yung hotdog ni Seulgi sa apple juice ni Seungwan imbes na sa katabing ketchup dapat. Napatingin ng masama si Seungwan dito.

"Bakit?"

"Kasi you know, halos lahat ng classmate natin may crush eh. Ako, crush ko si Taehyung. Si Seungwan, crush nya si Hoseok. Si Sooyoung naman, crush nya si Sungjae. Mukhang mutual pa nga eh. Tapos si Yerim may crush kay Jungkook kahit may girlfriend na. Tapos ikaw, crush mo si Yoongi"

"Anong crush ko si Yoongi! Hibang ka ba? Yung jeje na yun-"

"Hindi naman jeje si Yoongi ah. Jeje manamit pero ang cool tingnan at ang pogi pogi tapos peymus pa." singit ni Yerim.

"Yung totoo Yerim, ilan ba talaga crush mo?" Tanong ni Sooyoung. Nagkibit balikat si Yerim.

"Scam lang yung sinabi kong crush ko si Yoongi okay? Tsaka teka, bakit ka ba nacurious kung bakit walang crush si Jimin?" Tanong ni Seulgi.

"Wala lang. Naisip ko lang kasi" sagot ni Joohyun at nagpatuloy sa pagkain.

"May naisip akong bagong trip" Sabi ni Seulgi sakanila.

"Ano nanaman yan?" Tanong ni Seungwan.

"Isisigaw ko sa classroom na may crush sya kay Joohyun" humagikhik na parang baliw si Seulgi habang nakaturo sa di maipintang reaksyon ni Joohyun. Nahampas sya ni Joohyun ng baunan.

"Ako pa talaga!" Sabi ni Joohyun.

"Scam lang naman eh" sabi nya dito. Napairap si Joohyun bago hampasin ulit si Seulgi ng baunan.

[✔] ScamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon