One: Embodiment

4.9K 197 14
                                    

SUMMER

"Ang pangit naman ng ending." Reklamo ko matapos mapanood ang pangatlong movie na isinalang namin ni Eros sa dvd player.

"Hmm, for me maganda naman siya." Sagot ni Eros.

Nasa loob kami ng kwarto ko ngayon. Magkatabi kami at parehas na naka-upo sa sahig. Every weekend ay naging hobby na namin ang mag movie marathon.

Kumuha siya ng ice cream cone, dinurog ito at nilagay sa isang malaking mangkok. Pagkatapos nun ay kukuha siya ng isang piraso ng durog na ice cream cone at isasawsaw ito sa ice cream na caramel flavor. Susubuan niya muna ko bago siya kumain ng kaniya.

Ito ang food trip namin dalawa.

"Anong maganda dun eh hindi naman nagkatuluyan yung mga bida?" Tanong ko habang nginunguya yung sinubo niya sa'kin.

"May ganun talaga. May mga tao na nag-iwan ng marka sa buhay natin pero aalis at aalis pa rin. Hindi natin pwedeng sabihin agad na masama silang tao kasi minsan eh talagang tapos na ang papel nila sa buhay natin." Paliwanag niya.

"Mga hugot mo eh no?"

"I got that from twitter. Hehe." Pagbibiro niya. Binalot ng tawanan ang buong kwarto na akala mo eh comedy ang pinapanood namin.

I'm Summer Kyle Aragoncillo. Sa susunod na linggo eh 18th birthday na namin ng kakambal ko na si Winter. We're identical twins.

Bukod sa pagiging magkamuha ni Winter eh parehas din kaming gay. Hindi yung tipo ng gay na magcr-cross dress. Lalaki pa rin ang orientation namin but yung preference namin eh lalaki din. Ganun.

May pagkakapareho man eh mas marami kaming pinagkaiba ni Winter. Isa na dun eh mas open si Winter sa mga magulang namin about him being gay samantalang closet case naman ako. Although I have gay parents eh nahihiya pa rin akong sabihin sa kanila ang totoo.

Yes. Parehas na lalaki ang mga magulang namin ni Winter. We have a Papa and a Daddy. Pumayag si Papa noon na kumuha ng surrogate mother para kay Daddy. Luckily eh naging kambal ang anak nila which is us.

Bukod sa pagiging gay ko eh may isa pa akong bagay na hindi masabi sa mga magulang ko. I'm in a relationship with Eros, Tita Iris' and Tito Romeo's only son. 2 years na namin itinatago ang relasyon namin.

Magkababata kami ni Eros. We started as best friends din pero nung tumuntong kami as college sophomores, doon niya inamin ang nararamdaman niya para sa'kin. Dahil sa gusto ko rin siya eh naging kami.

Eros is the perfect boyfriend. Gwapo, matalino, macho, athletic din kasi basketball player siya. Mayaman dahil sila lang naman ang may-ari ng school na pinapasukan namin. He's sweet, caring and most of all, napaka gentleman.

Lagi ko ngang tinatanong si bathalang Athena kung anong kabutihan ba ang nagawa ko at nagkaroon ako ng ganitong boyfriend eh. Haha.

He is everyone's dream guy.

"Mahal ko, handa ka na bang sabihin sa parents mo yung tungkol sa'tin sa birthday mo?" Tanong sa'kin ni Eros.

"Uhm... Ah... Eh..."

"Don't tell me na aatras ka na naman sa plano natin?" Tiningnan niya ako ng diretso sa mata.

"Uhm, mahal ko. Pwede ba na sabihin na lang natin kay Daddy at Papa ang about sa'tin kapag gumraduate na tayo?"

Inilayo ni Eros ang tingin niya sa akin at pagkatapos ay mabigat na nagbuntong hininga. Iniiling - iling din niya yung ulo niya. I know disappointed siya sa gusto kong mangyari.

"Mahal ko, isang taon na lang naman eh. Naisip ko lang na mas maganda kung nakapagtapos na tayo bago nila malaman ang tungkol sa akin at sa relasyon natin. Konting tiis pa please." Pangungulit ko. Niyakap ko siya at mahigpit na kumapit sa leeg niya.

Rigo's CurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon