CAELUM
Ang Bulag na Bathala. Ang hari at tagapagbantay ng Kesha, isang mahiwagang mundo kung saan napapadpad ang mga Kalag o kaluluwa ng mga biniyayaan (gifted) sa oras na lumisan na sila sa mundong ibabaw.
Isang bathala na kumakatawan sa prinsipyo na ang pagtulong sa kapwa ay walang tinitingnang batayan tulad ng pisikal na anyo at antas sa pamumuhay, ang pagtulong sa kapwa ay nararapat na busilak at higit sa lahat, ito ay walang hinihinging kapalit.
Ayon sa alamat, si Caelum ang siyang nagbigay ng kapangyarihan noon sa mga mortal na mayroong busilak na puso para tumulong sa kapwa nang walang hinihinging kapalit. Binigyan niya ng kalayaan ang mga biniyayaang mortal na ipamahagi ang mga kapangyarihang ito sa sinumang makikitaan nila ng ginintuang puso tulad nila nang sa gayon ay magpatuloy ang kapayapaan sa lupa.
Bilang karagdagan, si Caelum rin ang sinasabing may-akda o gumagawa ng tadhana para sa mga biniyayaan. Sinasabi rin na kailanman ay hindi maaaring magkamali ang kanyang mga propesiya at ito ay matutupad sa itinakdang panahon.
Ngunit isang hindi inaasahang pangyayari ang naganap nang namatay ang isinumpang si Jairus at nawalan ng alaala ang minsa'y biniyayaang si Khalil. Dahil dito ay hindi natupad ang kaniyang propesiya na nagsasabing si Jairus at Khalil ang nakatadhana para sa isa't isa.
Nagkamali nga ba ang bulag na bathala o ang lahat ba ng kaganapan ay naaayon sa kanyang mga plano?
Ano ang magiging papel ni Caelum sa buhay nila Khalil, Rigo at Jairus?
Abangan...
BINABASA MO ANG
Rigo's Curse
FantasyA Sequel to Jairus' Curse 25 years pagkalipas ng digmaan sa pagitan ng mga Gifted at Cursed ay masaya at mapayapang namumuhay si Rigo kasama ang asawa nito na si Khalil at ang kanilang kambal na anak na sila Summer at Winter. Isang magandang trabaho...