Thirteen: Storm

4.3K 202 27
                                    

SUMMER

"Hey, Sumsum!"

Lumingon ako nang tinawag ako ni Es. Kasalukuyan kaming nasa men's locker room. Kakatapos lang ng history class namin at ngayon naman ay nagpapalit na kami ng damit para sa physical education class namin.

Inaayos ko yung mga gamit ko sa locker ko habang siya naman eh nakaupo sa may mahabang upuan at sinusuot yung rubber shoes niya.

"Pagkatapos ng klase natin, sasamahan mo ko sa Lorde Town." Sabi niya nang hindi tumitingin sa'kin.

Di kalayuan sa labas ng AAA ay may isang maliit na bayan, ang bayan ng Lorde kung saan matatagpuan ang iba't ibang pamilihan tulad ng tindahan ng mga espada at baluti, tindahan ng mga sapatos, at kung anu-ano pa.

"Ano naman ang gagawin natin doon?" Tinulak ko pataas ng ilong ko yung suot kong eyeglasses para hindi mahulog.

"Ano pa ba eh di mamimili. Tsaka di'ba sabi ko sa'yo ima-make over kita. Naiiyak kasi ako get-up mo."

"Uhm, may mga assignments pa tayo na dapat gawin."

Sa wakas ay tumingin din sa'kin si Es. Tumayo siya tapos lumapit siya sa'kin kaya medyo napaatras ako at tumama yung likod ko sa locker ko. Hindi ko maintindihan pero nakakaintimidate talaga si Es.

"Hindi naman ako nakikiusap. Inuutusan kita." Yun lang tapos nilagpasan na niya ko at lumabas na siya ng locker room.

Bakit parang pamilyar yung linya na 'yun?

Kahit na bago pa lang kaming magkakilala ni Es eh alam ko nang may pagkadominante talaga ang ugali niya. Gusto niya siya yung nasusunod. Wala naman problema sa'kin yun, iniintindi ko na lang yung ugali niya kasi ayoko naman na mag-away kaming dalawa.

Kahit nga yung pagtawag niya sa'kin na "Sumsum" ay di ko na lang din pinansin. Sabi niya mas cute daw yun kumpara sa pangalan ko kaya kahit sa ayaw ko man o gusto eh iyon ang itatawag niya sa'kin.

Para siyang si Jasper.

Napangiti ako nang maalala ko siya. In fairness, nakakamiss din pala ang tukmol na 'yun.

Wait.

Hindi ko siya namimiss! Bakit ko naman mamimiss ang mayabang na yun!?

Erase! Erase! Erase!

Binalik ko yung atensyon ko sa locker ko. Nang makasiguro ako na wala na akong anuman na nakalimutan ay isinara ko na ito at mabilis akong lumabas ng locker room para sundan yung iba ko pang kaklase.

Dumiretso ako sa gymnasium dahil dito kami kikitain ng aming guro sa physical training class. Nilibot ko yung paningin ko at nakita ko ang kakambal ko na si Winter kasama yung roommate niya na si Austin. Nung nagtama ang mga mata namin ni Winter ay ako na ang unang umiwas ng tingin.

Nasasaktan ako kapag nakikita ko si Winter. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na alalahanin yung araw na nakita ko silang magkasama ni Eros at sa tuwing nangyayari yun ay bumibigat lang ang kalooban ako.

Ayoko muna silang intindihin. Ang gusto ko lang ay ang magsanay at lumakas habang nandito ako sa AAA. Kung pahihintulutan man ng pagkakataon, gusto ko rin sana na ang pananatili ko dito ay makatulong din sa akin para makalimot sa lahat ng sakit.

"Sumsum, dun tayo!" Nagpadala na lang ako sa paghila ni Es sa'kin nang nakakita siya ng mauupuan.

Lahat kami ay naka-indian sit sa sahig. Nasa bandang unahan sa kaliwang bahagi kami nakapwesto ni Es samantalang nasa pinakalikod naman sila Winter at Austin.

"Hello Class!"

Tumingin kaming lahat sa lalaking dumating. Tulad namin ay nakasuot din ito ng P.E. uniform. Ang pinagkaiba lang eh ang pants namin ay kulay gray samantalang kulay itim naman ang sa kanya. May nakasukbit pang kulay gintong pito sa kanyang leeg.

Rigo's CurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon