JAIRUS
"Jairus anak..."
Napalingon ako sa aking ina. Kasalukuyan kaming narito sa aking sanktwaryo. Hindi man niya sabihin sa'kin ay bakas sa kanyang mukha ang pag-aalala.
"Wala sa Echoria si Zeke at Ivory..." Tuluyan akong humarap sa kanya.
Inutusan ko ang hangin na bigyan ako ng balita tungkol sa kalagayan nila Zeke at Ivory ngunit nabigo ako makakuha ng impormasyon. Ilang araw na ang nakakalipas magmula ng umalis sila papunta sa kaharian ng mga Seraphim para sa isang misyon. Nakakapagtaka dahil kadalasan na, naisasakatuparan nilang dalawa ang isang misyon sa loob lamang ng dalawang araw.
"Nararamdaman ko ang papalapit na panganib anak. Darating ang isang napalakas at itim na kapangyarihan. Walang makakapigil dito... Marami ang mamamatay..."
Natatakot man ay naniniwala ako sa sinabi ng aking ina. Gamit ang curse niya ay nararamdaman niya ang nalalapit na kapahamakan. Hindi konkreto ngunit kung bibigyan ng tamang pakahulugan ay maiiwasan.
"Hindi ako titigil sa paghahanap sa kanila."
Nilahad ko ang aking mga kamay at mula dito ay umikot ang malakas na pwersa ng hangin. Tumingala ako sa asul na kalangitan at pumikit. Nararamdaman ko ang pagiging isa ng aking sarili at ng elemento ng hangin.
"Hangin... Inuutusan kita... Hanapin mo si Ezekiel at Ivory saan mang sulok ng mahiwagang mundo ngayon din..."
Unti unti ay naramdaman ko ang pagbalot ng hangin sa aking katawan. Sandali lamang ito dahil mabilis din itong lumayo at naglakbay bilang pagsunod sa aking utos. Dahil sa paggamit ko sa aking kapangyarihan ay nakaramdam ako ng panghihina at pagkahilo.
"Jai..." Mabuti na lang at naging maagap ang aking ina para alalayan ako.
"Masyadong malawak ang kapangyarihang ginamit mo. Hindi ito kaya ng iyong batang pangangatawan at pag-iisip." Puno ng pag-aalala niyang sabi.
Dahil sa sumpa sa'kin ni Ignis ay nagiging limitado ang aking kapangyarihan. Ni hindi ko alam kung kaya ko bang harapin si Luigi at Rigo kung sakaling magkalaban kami. Alam ko na maximize na nila ang mga curse nila. Kahit na subukan kong magpalakas ay hindi naman ito tinatanggap ng katawan ko.
Ito ang epekto ng Lost Art of Absolute Retrogression ni Ignis.
"Hindi ko kakayanin kapag may nangyaring masama sa kanilang dalawa." Tanging nasabi ko habang binabawi ang aking balanse.
May sasabihin pa sana ang aking Ina ngunit napahinto ito. Nakita ko ang pagbabago ng kulay ng kanyang mga mata na mula sa itim ay naging dilaw. Isa lang ang ibig sabihin nito, may paparating na panganib.
Ilang sandali pa, isang bola ng enerhiya ang biglang namuo sa aming harapan. Kulay ng bahaghari ang bumubuo dito at palaki ito ng palaki. Isang lagusan... Isang portal...
Mula dito ay lumabas ang pigura ng isang nilalang. Matangkad ito na nakasuot ng isang kulay puting roba na may mga gintong linya at palamuti. Hindi ko makita ang mukha niya dahil sa nakatalukbong na hood sa nakayuko nitong ulo.
"Sino ka?" Sinangkapan ko ang aking katanungan ng tapang at kasabay nito ay hinanda ko ang aking sarili. Ganun din ang ginawa ng aking ina na inilabas ang Mati mula sa likod nito.
Inangat ng estranghero ang kanyang ulo at pagkatapos ay tinanggal ang kanyang hood. Isang lalaki na sa tingin ko ay kasing edad lamang ni Ezekiel. Walang buhay ang kanyang mga mata.
"Ako si Aquila, ang bathala ng kalawakan." Tugon nito.
"Mierda (kalokohan)! Makakabalik lamang si Aquila sa oras na mabuo ang tatlong Elatra, kaya paanong naging ikaw siya?" Tanong ng aking ina.
BINABASA MO ANG
Rigo's Curse
FantasyA Sequel to Jairus' Curse 25 years pagkalipas ng digmaan sa pagitan ng mga Gifted at Cursed ay masaya at mapayapang namumuhay si Rigo kasama ang asawa nito na si Khalil at ang kanilang kambal na anak na sila Summer at Winter. Isang magandang trabaho...