Twenty Five: Divided

3.9K 200 44
                                    

Please be guided that this particular chapter is in multiple person point of view.

IVORY

Nasa harap ako ngayon ng palasyo ng Echoria. Tulad ng napag-usapan namin ni Zeke ay kukuhain niya ang atensyon ng mga S-class mage sa pamamagitan ng panggugulo sa pamilihang lungsod samantalang ako naman ang kukuha sa Elatra. Marami man ang mga kawal na nagbabantay sa paligid laban sa isang tulad ko ay hindi ako nangangamba.

Ano ba ang laban ng mga mahihinang Seraphim na ito sa kapangyarihan ng isang itim na Seraphim na tulad ko?

Wala akong ibang hinangad kungdi ang maging pinakamalakas na mang-aawit sa Echoria. Nagsanay ako ng mabuti at isa sa mga naging inspirasyon ko para maabot ang pangarap kong iyon ay si Inigo, ang ikalawang prinsipe ng kaharian. Ang hindi ko maintindihan ay kung bakit ganon na lamang ang pagkapoot sa akin ng kanyang nakatatandang kapatid na si Raya nang malaman niya ang tungkol dito.

Pinadakip niya ako, pinakulong at pinagbintangan ng kung anu-anong bagay na hindi ko naman ginawa. Ginamitan pa nila ako ng Eliminar, isang ada na kayang tanggalin ang emosyon ng isang tao nang sa ganoon ay mawala ang pagtatangi ko para kay Inigo. Nang makalaya ay naghiganti ako ngunit nabigo at pinarusahan ng kamatayan.

Ang buong akala ko ay huli na ang lahat para sa akin ngunit dumating si Jairus at muli niya akong binuhay. Bilang bagong panginoon ay nangako ako sa kanya at sa aking sarili na gagawin ko ang lahat para sa kanya. Hanggang sa ako ay naging isa sa kanyang mga Orubue o pinakamalalakas na mandirigma.

Batid niya rin ang mga personal kong mithiin. Ang pagnanais kong makabangon. Ang nag-aalab kong damdamin ng paghihiganti. Alam ko na kapalit ng lahat ng ginagawa ko para sa kanya ay tutulungan niya akong abutin ang lahat ng iyon. Alam ko.

Nagsimula akong umawit. Sa pagkakataong ito ay ibabalot ko ang buong palasyo sa pambirang sakit gamit ang Cera o ada na nagbibigay emosyon tulad ng pain song. Kasabay ng paglabas ng itim na alon ng musika sa aking bibig ay ang pamimilipit sa sakit ng lahat ng nilalang na nakakarinig nito.

Napakasarap pakinggan ng kanilang mga palahaw.

Nakapasok ako sa loob ng palasyo ng walang kahirap-hirap. Nakapasok na ako dito kagabi kaya alam ko kung nasaan ang pakay kong Elatra. Napahinto ako sa aking paglalakad nang makadama ng isang malakas na uri ng kapangyarihan.

"Kung anuman ang binabalak mo ay huwag mo na itong ituloy at mapayapa kang sumuko sa amin."

Lumimgon ako para tingnan ang pinanggalingan ng mala-anghel na boses na iyon. Base sa Saviesa na suot ng lalaking nasa aking harapan ay isa siyang S-class mage mula sa kanluran. Nakapagtatakang hindi siya naapektuhan ng aking Cera.

"Sa tulong ng aking anghel na si Samyaza, ang anghel ng katotohanan, ay nalaman ko na isa kang itim na Seraphim. Ginamit ko din ang anghel ko na si Armaros, ang anghel ng mga panlunas para magkaroon ng proteksyon mula sa iyong awit. Sa madaling salita, matatalo ka lamang kung pipilitin mong lumaban bandido."

Pinaghalo ang kapayapaan at katatagan sa kanyang tinig. Bagay na bagay sa kanya ang kanyang kapangyarihan lalo pa't tila anghel din ang kanyang mukha. Hindi ko mapigilan ang mamangha.

Naaalala ko sa kanya si Inigo.

"Anong tinitingin-tingin mo?" Pagtataray nito ngunit naroon pa rin ang pagiging alta.

"Ang iyong puso ay nag-uumapaw sa mga negatibong emosyon tulad ng poot at selos..."

"Anong ibig mong sabihin?"

Bibigyang linaw ko na sana ang kanyang siphayo nang biglang dumating ang dalawang kalalakihan. Mabilis na lumapit ang mga ito sa lalaking hindi ko pa pala alam kung ano ang pangalan. Matalim ang mga ito na tumingin sa direksyon ko.

Rigo's CurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon