SUMMER
"Blue, pakihinto na lang yung sasakyan dun sa may kanto."
Nagpahatid ako kay Blue sa lugar kung saan gaganapin ang weekly feeding program ng club na kinabibilangan ko sa school. Mabuti na lang at weekend ngayon kaya pinayagan ako nila papa at daddy. Hininto ni Blue yung sasakyan at bumaba siya para pagbuksan ako ng pinto.
"Ikaw talaga Blue, di'ba sabi ko sa'yo wag mo na ko pagbubuksan ng pinto. Ako na lang para hindi ka na bumaba pa." Sabi ko sa kanya nang nakalabas na ako ng sasakyan.
"Hayaan niyo na lang po ako Sir. Masaya po ako na paglingkuran kayo." Nakangiti niyang sabi.
Actually, day-off talaga dapat ni Blue ngayong linggo. Kaso nung nalaman ni Daddy na may lakad ako eh inutusan siya nito na ihatid ako sa pupuntahan ko. Nakakahiya nga sa kaniya eh.
"Salamat Blue ah. Bale, text na lang kita kapag papasundo na ako." Sabi ko pero ang totoo niyan eh pinaplano ko na magtaxi na lang pauwi para hindi ko na siya maistorbo.
"Sigurado po ba kayo Sir? Pwede ko naman po kayo hintayin na lang. Dito lang po ako sa loob ng kotse." Sabi pa niya.
May sasabihin pa sana ako sa kanya nang biglang dumating si Addy, ang best friend ko. Lumapit siya sa amin nang nakita niya ko.
"Beshy!" Sigaw niya. Si Addy ay isang out and proud gay. Cute naman siya at maraming kaartehan sa katawan pero kinulang lang talaga siya sa height.
"Beshy." Ngumiti ako sa kanya.
"Ay sinetch naman ang papable na itey?" Pagtukoy niya kay Blue. Natatawa talaga ko kapag gumagamit ng gay lingo itong si Addy. Hehe.
"Siya si Blue, bago naming driver." Tumingin sa'kin sandali si Addy tapos ay binalik niya ulit ang tingin niya kay Blue.
"Hi fafa Blue. Ako nga pala si Aries Dave Santillan but please call me Addy for short. Ako ang nag-iisang best friend ng amo mo. Ako lang ang nakakatagal sa kaniya." Nagshake hands silang dalawa. Natatawa naman si Blue sa kaniya.
"Pwede ko bang makuha ang number mo fafa blue?" Nilabas ni Addy yung phone niya.
Tumingin naman sa'kin si Blue. Yung expression niya eh parang humihingi siya ng permiso sa'kin kung ibibigay ba niya yung phone number niya o hindi. Tapos para pa siyang na-estatwa nung niyakap yakap siya ni Addy.
Lakas kasi ng dating nitong si Blue eh. Tulad nga ng sabi ko noon eh may pagka bad boy yung aura niya na may pagka mysterious. Lumapit na lang ako sa kanilang dalawa para 'hawiin' si Addy na parang tuko kung makadikit kay Blue.
"Mabuti pa Blue eh mauna ka na. Baka kung ano pa ang magawa sa'yo ng best friend ko." Sabi ko habang hila hila si Addy sa kanan niyang braso.
"Beshy, harmless naman ako ah?"
Natawa kaming tatlo dahil sa sinabi niya. Ilang sandali pa eh nagpaalam na si Blue at nagmaneho pauwi. Naglakad naman kami ni Addy papunta dun sa basketball court ng baranggay kung saan gaganapin yung feeding program.
Pagdating namin dun eh nakita ko ang iba pa naming kasamahan sa club na abala sa kani-kanilang gawain. May ilan na rin mga bata na tahimik na nakaupo at hinihintay na magsimula ang program namin. Dumiretso kami ni Addy dun sa open tent para tumulong sa iba naming kasamahan.
"Beshy, ok yung driver niyo ah. Saang agency niyo siya nakuha at nang mapalitan na yung uugod-ugod naming driver?" Tanong ni Addy.
"Kamag-anak siya nung dati naming driver. Alam mo working student yun tapos scholar pa siya sa school nila." Pagbibida ko kay Blue.
BINABASA MO ANG
Rigo's Curse
FantasyA Sequel to Jairus' Curse 25 years pagkalipas ng digmaan sa pagitan ng mga Gifted at Cursed ay masaya at mapayapang namumuhay si Rigo kasama ang asawa nito na si Khalil at ang kanilang kambal na anak na sila Summer at Winter. Isang magandang trabaho...