WINTER
"Narito na po tayo Master!" Magiliw ngunit may halong pag-iingat na sabi ni Elmo.
Bumaba ako sa bangka na aking sinakyan. Kasabay ng pagtapak ng aking mga paa sa pinong buhangin ay ang pagdampi ng malamig na simoy ng hangin sa aking balat. Ang tunog ng paulit-ulit na paghampas ng alon sa dagat ay nagbibigay sa akin ng kapayapaan.
"Ang creepy naman dito. Tahimik na, madilim pa. Tanging buwan lamang ang nagbibigay liwanag sa paligid." Pabulong na reklamo ni Elmo na narinig ko naman.
Si Elmo ay isang mahiwagang nilalang na kung tawagin ay Santelmo. Isa siyang kulay asul na bolang apoy na walang mukha ngunit may sariling isip at pakiramdam. Binigay siya sa akin ni Maru bilang regalo mga anim na buwan na rin ang nakakalipas nang tinanghal ako bilang isang S-Class cursed.
Sa pagkaka-alam ko ay si Maru mismo ang nagbigay buhay sa kanya gamit ang pinagsamang gift of illustration at gift of fire nito. Dahil nga sa magkaiba kami ng class type ni Maru at madalas kaming hindi magkasama sa paggawa ng mga misyon ay naisipan niyang bigyan ako ng magiging katuwang sa aking mga paglalakbay. Si Elmo ang nagsisilbi kong mga mata dahil hanggang ngayon ay bulag pa rin ako.
Naalala ko tuloy noon nang unang beses akong makita ni Elmo. Natakot siya sa'kin lalo na sa aking mga mata dahil kulay puti ito. Hindi din naman nagtagal eh nakapalagayan ko na siya ng loob kahit na sobrang reklamador niya.
Ngayon ay nasa Yehn Island kami para isagawa ang isang S-Class mission. Kailangan kong iligtas ang isang limang taon gulang na prinsesa mula sa kamay ng isang grupo ng mga halimaw.
"Puro ka reklamo Elmo. Sinabi ko na kasi sa'yo na manatili ka na lang sa bahay at hayaan akong gawin ng mag-isa ang mission na ito." Nag-umpisa na ako sa paglalakad. Nang maramdaman ko ang init niya ay nalaman kong sumusunod na siya sa'kin.
"Alam mo naman Master na ayokong nami-miss ang mga pakikipaglaban mo di'ba? Ako kaya number one fan mo!" Depensa niya.
"Ang sabihin mo ayaw mo na mapagalitan ka ni Maru."
"Ah... Ehh.. Pangalawa lang 'yan sa dahilan Master pero syempre ikaw ang priority ko!"
Huminto ako sa paglalakad nang maramdaman ko na parang may nagmamatiyag sa amin. Tumama naman sa likod ko si Elmo pero hindi ako napaso ng katawan niya na yari sa apoy dahil nga sa kapangyarihan ni Maru. Magsasalita sana si Elmo pero nilagay ko ang aking hintuturo sa aking bibig upang maging senyales ng paghingi ko ng katahimikan.
Binalot ng katahimikan ang kinaroroonan namin. Ang mahinang tunog ng mga alon ang naging indikasyon na malayo na kami sa dalampasigan na aming pinagmulan. Dahil sa sobrang tahimik ay maririnig mo ang mahihinang lagaslas ng mga dahon mula sa mga puno sa paligid.
"Master, sa pagkakatanda ko ay mga Sigben ang kumuha sa batang prinsesa na kailangan mong iligtas. Sila ay mahihiwagang nilalang na mukhang kambing at may kakayahang maging invisible..." Simula ni Elmo sa mahinang tinig.
"Pero kahit naman hindi sila invisible ay hindi mo pa rin sila makikita dahil bulag ka." Dagdag niya na may halong pambubuska.
"Hindi ko naman sila kailangan makita para mapagtagumpayan ko ang misyon na ito. Sapat na sa akin ang maramdaman ang pagdaloy ng dugo sa kanilang mga ugat para makaharap ko sila."
Tulad nga ng sinabi sa akin ni Maru noon, 70% ng katawan ng tao ay tubig at bilang isang Water Elementor ay magagawa ko pa rin na maramdaman ang tao sa paligid kahit na wala na akong paningin.
Ilang sandali pa ay naramdaman ko ang presensya ng mga halimaw sa paligid. Mukhang ginamit ng mga Sigben na ito ang kanilang kakayahan na maging invisible dahil wala akong anumang tugon na nakuha kay Elmo tungkol sa pagdating ng mga kalaban. Gamit ang aking kapangyarihan ay inalam ko ang kanilang bilang, may halos dalawampung Sigben na nakapaligid sa amin.
BINABASA MO ANG
Rigo's Curse
FantasyA Sequel to Jairus' Curse 25 years pagkalipas ng digmaan sa pagitan ng mga Gifted at Cursed ay masaya at mapayapang namumuhay si Rigo kasama ang asawa nito na si Khalil at ang kanilang kambal na anak na sila Summer at Winter. Isang magandang trabaho...