Twenty Eight: Whispers

3.5K 195 19
                                    

EROS

Halos mag-iisang oras na rin akong naglilibot. Ang kinaroroonan ko ngayon ay parang isang lumang kaharian. Masasabi na napaglipasan na ito ng panahon dahil sa sira-sira nitong haligi, mga makakapal na agiw at mga bitak sa pader at sahig.

Walang ibang tao dito maliban sa'kin. Napakatahimik na kahit ang mga sarili kong yapak ay naririnig ko at nage-echo pa sa paligid. Tumingala ako at base sa liwanag na makikita sa nasirang bahagi ng dingding ay mataas pa ang sikat ng araw sa labas.

Nag-aalala ako para sa mga kasamahan ko. Kung dinala ako dito ng portal na iyon, marahil ay nasa ibang bahagi din ng mahiwagang mundo sila Maru at Es. Kung ano ang nangyari kay Winter at Jasper ay hindi ko alam pero sana ay nasa maayos silang kalagayan.

Isa pa sa mga iniisip ko ay yung Seraphim na umatake sa Echoria. Malakas ang kutob ko na kilala niya yung bandido na kamukhang kamukha ni Summer. Sa pagkakatanda ko eh Ezekiel ang pangalan niya.

Yung mga mata niya... Yung lasa ng labi niya... Alam ko na si Summer ko yun.

Pero ang nakakapagtaka lang eh masyado siyang marahas. Nagawa niyang patayin ang apat na kawal ng kaharian ng walang kahirap-hirap tapos nasaksak niya pa ko. Mabuti na lang eh nagawang labanan ng katawan ko yung lason na nakuha ko dahil dun.

Yung paraan ng pakikipaglaban niya sa'kin ay malayo sa mala-anghel kong si Summer.

Hindi kaya nawalan ng ala-ala si Summer ko?

Kailangan ko ulit makita ang Ezekiel na yun o kahit na yung Seraphim na kasama niya. Kailangan ko silang makausap. Kailangan kong malaman ang totoo.

Hindi ako papayag na masayang ang pangalawang pagkakataon na binigay sa'kin ni Summer. Mahal na mahal ko siya at kung totoo na siya at yung Ezekiel ay iisa ay gagawin ko ang lahat para mahalin niya ulit ako.

Nagpatuloy ako sa paglalakad para mahanap ang daan palabas ng napakalawak na palasyong ito. Sa sobrang init eh hinubad ko muna yung pang-itaas ko at isinampay ang pawisan kong damit sa aking balikat. Magpapatuloy na sana ako sa paglalakad nangmakarinig ako ng kakaibang ingay.

Lumingon ako sa aking likuran at nakita ang silweta ng isang nilalang sa dilim. Dahan-dahan itong naglakad papunta sa maliwanag na bahagi ng silid na kinaroroonan namin hanggang sa tumambad na ang kanyang mukha. Isang magandang babae.

Ang kulot niyang buhok ay mahaba na abot hanggang bewang niya. Matangkad, balingkitan, makinis. Parang pang beauty pageant ang ganda niya.

"Are you lost baby boy?" Mapang-akit yung boses niya pati na rin ang mga tingin niya sa'kin.

"Sino ka?" Tanong ko na umalingawngaw sa buong paligid.

"Ako si Morissette..." Tugon niya na naka-kagat labi pa.

"Kung tama ang hinala ko ay ikaw ang anak ni Iris Vei Alfonso?" Pahabol pa niyang tanong.

"Ako nga. Bakit mo kilala ang mommy ko?"

"Sabihin na lang natin na may malaki siyang utang sa'kin at ikaw ang magiging kabayaran nito." Mula sa pagiging mapang-akit eh naging mapagbanta naman ang pananalita niya.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Buhay mo para sa buhay na kinuha niya sa'kin matagal na panahon na ang nakakalipas..." Simula niya.

"Don't worry baby boy. Just give me seven minutes at matitikman mo na ang halik ng kamatayan."

"Ngayon pa lang tayo nagkakilala pero patay na patay ka na sa'kin. Sorry Miss pero isa lang ang pwedeng humalik sa'kin eh at kailangan ko pa siyang hanapin." Binigyan ko siya ng pilyong ngiti.

Rigo's CurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon