WINTER
Nandito ako ngayon sa labas ng opisina ni Tito Luigi. Siguro ay nasa isang oras na rin akong nakasandal sa pader at nakaharap sa pinto para hintayin ang paglabas ni Eros. Siya ang huling kinausap ni Tito Luigi matapos sina Maru at Jasper na kanina pa nakalabas sa kanyang opisina.
Hindi ko alam kung ano ang pinag-uusapan nila. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari. Hindi ko alam kung bakit ako nandito.
Alam ko na ako ang huling tao na nanaisin niyang makita dito sa AAA. Alam ko na malaki ang kasalanan ko sa kanya. Alam ko na galit siya sa'kin.
Pero nandito pa rin ako. Pero susubukan ko pa rin. Pero kakayanin ko ang sakit.
Napangiti ako ng mapait nang may biglang sumagi sa aking isip.
Ang tanga ko.
Dapat dumidistansiya na ako eh. Dapat ako ang umiiwas. Pero ako pa rin ang naghahabol.
Ilang sandali pa ay bumukas ang pinto ng opisina ni Tito Luigi. Nakatalikod na lumabas si Eros mula dito habang bagsak ang mga balikat. Humarap siya at doon nagtama ang mga paningin namin.
Parang slow motion ang lahat. Halos lumabas na ang puso ko sa dibdib ko sa lakas ng pagtibok nito. Nagkaroon ng nakakabinging katahimikan sa pasilyo kung nasaan kaming dalawa.
"Eros..." Sa wakas ay nagkaroon din ako ng lakas ng loob na magsalita.
Pinagmasdan ko ng mabuti ang mukha ni Eros. Halata man ang pagod at kalungkutan sa kanyang mga mata ay hindi ko maipagkakaila na ito pa rin ang pinakamagandang pares ng mga mata na nakita ko. Siya pa rin ang pinakagwapong lalaki na nakita ko.
At alam kong hindi siya para sa'kin.
"Winwin..."
Nagulat ako nang tumugon siya sa'kin. Halos higitin ko ang aking hininga nang banggitin niya ang pangalan ko. Nakakapanghina.
Si Eros lang ang may ganitong epekto sa'kin.
"Can we talk?" Pag-anyaya ko.
Matagal bago siya nakasagot. Handa naman akong marinig ang isang malutong na 'Hindi' at 'Ayoko' mula sa kanya. Ilang sagalit pa...
"Sure..."
*****
Nagpunta kami ni Eros sa Lake Pauline. Ang nangingibabaw na kulay ng berde, asul at puti sa lawa at sa kapaligiran ang nagbibigay ng kapayapaan sa'kin. Pansamantala kong nakakalimutan ang takot sa mga maaari kong marinig mula kay Eros ngayon.
"Oman huh?" Pambubuska ko sa kanya.
Napangiti ako nang nakita ko siyang nakangiti. Ang pinakamatamis na ngiting nakita ko. Pero mabilis din na nawala ang mga ito sa labi niya.
"Last week, nakipag-break na sa'kin si Summer..." Simula niya.
Nagulat man ay hindi ko na lang ito pinahalata sa kanya. Itinuon ko na lang ang atensyon ko sa napakagandang lawa na nasa aking harapan.
"Nagdecide si mommy na papuntahin ako sa New York para doon ipagpatuloy ang pag-aaral ko. Sabi niya, paraan din daw yun para makapag-move on ako sa lahat ng nangyari..."
"Pero hindi ko kasi kayang iwanan si Summer eh. Kaya ang ginawa ko, nag-enroll ako dito sa AAA. Gumamit ako ng ibang pangalan at pumasok sa ibang house para hindi ako agad mahanap ni Mommy. Madali lang naman ang plano ko eh, to stay as discretely as I could at kapag nakahanap ako ng pagkakataon ay kakausapin ko ulit si Summer..."
"Pero sadyang mapagbiro ang tadhana. Ako ang pinili bilang representative para lumaban sa Battle of the Houses kaya nasira lahat ng plano ko." Dagdag pa niya.
BINABASA MO ANG
Rigo's Curse
FantasyA Sequel to Jairus' Curse 25 years pagkalipas ng digmaan sa pagitan ng mga Gifted at Cursed ay masaya at mapayapang namumuhay si Rigo kasama ang asawa nito na si Khalil at ang kanilang kambal na anak na sila Summer at Winter. Isang magandang trabaho...