Twenty Three: Kiss

4.9K 204 34
                                    

WINTER

"Ang s-sarap talaga ng sandwich m-mo kuya." Papuri ni Austin habang kumakain ng paborito niyang jam and peanut butter sandwich na ako ang may gawa.

"Bolero. Ano naman ang pinagkaiba niyan sa ibang sandwich na nakain mo aber?"

Nandito kami ngayon sa hardin sa labas ng penthouse namin ni Maru. Dito kasi sa AAA, kapag S-Class ka na ay may hiwalay na building kayong titirhan hindi tulad noon na may iba't-ibang houses. Dapat talaga ay may kanya-kanya kaming penthouse pero kinulit ni Maru si Tito Luigi na pagsamahin na lang kami sa iisang bubong para daw may magbabantay sa'kin.

Nakakatuwa na nakakainis yung ginawa niya pero wala na rin naman na akong magagawa pa.

"I know t-that you made this for me kasi l-love mo si Austin." Dahan-dahan na pagkakasabi ni Austin para hindi siya mautal masyado.

"Hindi lang love, super duper love ka ni kuya." Nakangiti kong sabi. Naramdaman ko na pinagpatuloy niya ang pagkain ng sandwich niya.

Minsan iniisip ko kung ano na kaya ang itsura ni Austin?

He turned 18 last year. Maliban sa nag-improve na ang speech niya ay nagagawa na rin niyang kontrolin ang ang curse niya kahit paano. Masasabi ko na inaalagaan talaga siya ng mabuti nila daddy at lalo na si papa.

Kapag kasama ko si Austin, parang gustong-gusto ko nang makakita muli. Pero bigla kong maaalala lahat ng kamalian na nagawa ko noon nang nakakakita pa ako. Iniisip ko na ang pagiging bulag ang kabayaran sa lahat ng naging kasalanan ko lalo na kay Summer.

I deserve this pain.

"I'm done!" Magiliw na sabi ni Austin. Base sa pagkakasabi niya eh sigurado akong punong-puno ang bibig niya ng sandwich.

"Very good. Inumin mo na 'yang juice mo then pumasok ka sa kusina para makapaghugas ka ng kamay ok?"

'Ok kuya." Tugon nito at pagkatapos ay ininom ang kanyang orange juice. Tumayo siya at akmang aalis nang pinigilan ko siya.

"Wait lang bunso. Papasamahan ka ni kuya kay Elmo." Tumayo na rin ako.

"No need na k-kuya. Big boy na s-si Austin eh. Hehe." Pagtutol niya sa suhestyon ko.

"Big boy, siguro may nililigawan ka na sa Academy no?" Pang-aasar ko.

Pinakiramdaman ko kung magbabago ba yung takbo ng daloy ng dugo niya para malaman ko kung ano ang reaksyon niya pero nanatili itong kalmado.

"Wala po. I-ikaw lang love ni Austin k-kuya." Depensa niya na ikinangiti ko naman.

"Ang sweet naman. Bigyan mo nga si kuya ng tarsier hug." Hindi naman nag-dalawang isip si Austin at mabilis akong niyakap ng mahigpit.

"At ikaw lang ang love ni kuya. Remember that bunso." Bulong ko sa kanya.

"Pati sila daddy at papa?" Tanong niya.

"Syempre naman."

"How about Kuya Maru?"

Napipilan naman ako sa tanong niya na iyon. Inaamin ko, sa tagal ng panahon na magkasama kami ni Maru ay unti-unting nahuhulog ang loob ko sa kanya. Mabait siya, maalaga, palagi niyang iniisip ang kapakananan ko. Pinapatawa niya ko kapag malungkot ako at inaalo sa tuwing umiiyak.

Hindi siya mahirap mahalin at mapalad ako dahil nandyan siya sa tabi ko pero natatakot kasi ako na suklian yung pagpapahalaga na ibinibigay niya sa'kin. Alam ko kasi na ginagawa niya lang naman ang lahat ng ito dahil sa "tadhana". If I'm not the one destined to be with him, I'm sure he'll barely notice my existence.

Rigo's CurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon