Thirty Two: Surrender

3.3K 163 20
                                    

WINTER

"Tubig, inuutusan kita, ipakita mo sa akin kung nasaan ang huling bahagi ng Elatra."

Mabilis na umangat ang tubig sa pool at naghugis globo. Mula dito ay lumabas ang larawan ng isang isla. Tumingin ako sa mga kasama ko na sina Es at Jasper.

"Ako na ang bahala..." Si Es. Pumikit siya at gumamit ng Oracion.

"Penemue, Angel of Writings, tinatawag kita." Dagdag nito. Nagkaroon ng isang nakakabulag na liwanag at biglang lumabas ang isang anghel na may hawak na makapal na libro.

"Penemue, gamitin mo ang iyong kapangyarihan para alamin kung ano ang lugar na iyan."

Tanging pagtango ang isinagot ng anghel kay Es. Pagkatapos ay tumingin ito sa globo ng tubig kung saan makikita ang larawan ng isla. Umilaw ang mga mata ni Penemue at nang nawala ito ay muli niyang ibinaling ang tingin sa aming tatlo.

"Ang isla na iyan ay isang  pribadong isla sa Zambales..."

"Mabuti naman at nandito lang sa Pilipinas ang huling bahagi ng Elatra. Penemue, maaari mo bang ibahagi sa amin ang direksyon papunta sa lugar na iyan?" Si Es.

Tumango ulit si Penemue at ipinatong ang kanyang kamay sa ulo ni Es. Pagkatapos ay si Jasper naman at huli ay ako. Doon ko nalaman na pinapasa niya sa isip namin ang buong detalye ng isla at ang daan papunta doon.

Parang Bluetooth.

"Asante Cara Penemue, makakabalik ka na sa Angel Realm." Yun lang at mabilis na binalot ng liwanag si Penemue at naglaho.

"Nakakasiguro ako na katulad natin ay alam na rin nila Summer kung nasaan ang huling bahagi ng Elatra. Kailangan na natin magmadali. Hindi nila tayo dapat maunahan." Sabi ko.

"Sandali lang, sigurado ka na ba Winter na hindi natin isasama ang mga magulang mo at yung tita mo sa misyon natin?" Tanong ni Jasper.

Mula dito sa hardin kung nasaan kaming tatlo ay tumingala ako para tingnan ang bintana ng kwarto nila papa at daddy. Sigurado ako na natutulog pa rin sila kasama si tita Iris. Ginamitan kasi sila ng sleeping powder ng anghel ni Es na si Armaros, katulad ng pakiusap ko.

"Nawala na sa'kin si Austin. Hindi ko kaya kung pati sila mawala sa'kin." Tanging nasabi ko.

Isa pa ay hindi ako natatakot na sasaktan sila ni Ignis dahil katulad nga ng sinabi niya sa'kin, hindi niya maaaring saktan sila papa at daddy pati na rin si Jairus.

"Ano ba talaga ang plano mo sa Elatra Win?" Tanong ni Es.

"Sisirain ko bago pa man ito mabuo ni Summer. Walang dapat makinabang sa Elatra. Hindi ako papayag na masira ang pamilya ko."

"May ideya ka na ba kung paano natin sila matatalo. Kasama nila si Head master pati na rin yung bathala na si Aquila." Tanong ulit ni Es. Nakikita ko ang pangamba sa mukha niya.

"Hindi na kasing lakas noon si Tito Luigi dahil sa bata niyang anyo. Ganun din si Aquila dahil sa pagkasira ng dalawa niyang Elatra..." Simula ko.

"Isa pa, hindi naman natin sila kailangan labanan ng direkta. Gagamit tayo ng Delaying Tactics."

[A/N: Delaying Tactics - an action or strategy designed to defer or postpone something in order to gain an advantage for oneself. Thank you Google.]

Nasa mukha nila Es at Jasper ang pagtataka.

"Bago ko sabihin sa inyo ang plano ko, gusto ko muna sanang malaman kung bakit ako ang pinili ninyong panigan?" Seryoso akong tumingin sa magkapatid. Matagal ko nang gustong itanong sa kanila ito.

Rigo's CurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon