Twelve: Welcome

4.3K 193 49
                                    

WINTER

Nandito ako ngayon sa loob ng kwarto ko. Nakakapagod yung biyahe namin papunta dito sa AAA at gusto kong magpahinga. Nagdive ako sa kama at niyakap yung pinakamalapit na unan na nakuha ko.

Umagaw sa atensyon ko yung suot kong bracelet. Binigay sa'kin to ni papa kahapon bilang regalo sa birthday namin ni Summer. Actually, parehas kami ni Summer na may ganito.

Naalala ko bigla yung sinabi sa'kin ni papa habang sinusuot niya sa'kin itong bracelet...

"Winter anak, ang barko, lumulubog kapag pinasok ng tubig ang loob nito. Parang sa tao, kapag hinayaan mo ang sarili mo na maniwala sa mga negatibong bagay na sinasabi sa'yo ng iba, lulubog ka. Nagtitiwala ako sa'yo anak at kahit ano pa ang mga kamalian mo, tatanggapin kita dahil mahal kita. Sail your own ship Winter."

Pinahid ko yung luha na lumandas sa pisngi ko. Sobrang baba na ng tingin ko sa sarili ko dahil sa kasalanan ko kay Summer at Eros. Napakabigat sa loob at parang gusto ko na lang sumabog.

Sigurado ako na tulad ni Summer ay magagalit din sa'kin sila daddy at papa kapag nalaman nila ang ginawa ko. Pero sana mapatawad nila ko. Sana matanggap pa rin nila ko.

Gagawin ko ang lahat para mangyari yun.

"Winter..." Narinig kong tawag sa'kin ng pamilyar na boses sa labas ng kwarto.

Si Tito Luigi.

Mabilis akong bumangon sa kama at lumabas ng kwarto. Pagdating ko sa sala eh wala pa rin yung roommate ko. Dumiretso na lang ako sa pintuan at pinagbuksan si Tito Luigi.

"Ayos ka na ba Win? Ito-tour ko pa kayo dito sa AAA." Sabi niya. Nasa likod niya si Summer na hindi makatingin sa'kin.

"Yes Tito."

"Nakilala mo na ba yung roommate mo na si Austin?"

"Uhm, wala po siya eh."

Napahawak si Tito Luigi sa baba niya at marahan itong hinimas na para bang nag-iisip.

"Nasaan naman kaya ang bata na 'yun?" Tanong niya sa sarili niya.

"Anyway, katulad nga ng sabi ko ay ako ang personal na maglilibot sa inyo sa buong AAA. So, shall we?" Pag-anyaya ni Tito Luigi.

Tumango na lang ako bilang sagot at sumunod nang magsimulang maglakad si Tito Luigi. Lumabas kami ng building, House of the Ruby Cursed ang tawag dito. Naglalakad - lakad lang kami, bale nasa likod kami ni Tito Luigi.

"Alam ko na nagtataka kayo kung bakit maraming anyong tubig dito sa AAA..." Sabi ni Tito Luigi.

Oo nga. Unang pagpasok ko dito, naramdaman ko kaagad yung kapangyarihan ng tubig. Maraming waterfalls, may mga ilog at lawa din.

"Sabi ng isang sikat na greek philosopher na si Thales, 'Water is the main element of the world.' It represent knowledge, wisdom and life. Tinutulungan ng tubig ang mga estudyante ng AAA sa kanilang meditation. Sa ganung paraan, mas nagiging focus ang mga estudyante na kailangan sa kanilang mentality trainings." Mahabang paliwanag ni Tito Luigi.

Rigo's CurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon