Warning: May contain violence and/or sexually explicit material. Not suitable for minor readers. Read at your own risk.
SUMMER
Tumunog yung alarm clock ko at mabilis ko naman itong in-off. Actually, kanina pa talaga ako gising. Actually, baka nga hindi ako natulog.
Nandito lang ako at nakahiga sa kama ko. Ilan daang tupa na ang binilang ko pero di pa rin ako makatulog. Ayoko man pero hindi ko mapigilan isipin ng paulit-ulit yung nakita ko kagabi.
Winter.
Eros.
Pool.
Masyado silang malapit sa isa't isa na para bang maghahalikan na sila. When I confronted Winter, sabi niya wala lang daw yun at wag ko na lang daw intindihin. Nainis ako sa sinabi niya kasi parang wala lang sa kanya.
Buti na lang nacontrol ko yung sarili ko. Kungdi baka nag-away pa kaming dalawa at gumamit ng mga kapangyarihan namin. Ayokong mangyari yun. Ayokong mangyari ulit yun.
Kung embodiment ang kapangyarihan ko, meron namang hydrokinesis si Winter. Kaya niyang kontrolin ang tubig and even it's solid at gas form. Blood manipulator din siya.
Sa aming dalawa, siya yung mas sanay sa paggamit ng kapangyarihan niya. Effortless nga siya sa tuwing gagawin niya yun samantalang ako hirap na hirap. But that doesn't mean na mahina ako at magpapatalo na lang sa kanya.
Kinuha ko yung phone ko. 124 unread messages and 86 missed calls. Lahat galing kay Eros. Kagabi pa niya gustong mag-explain pero ayokong makinig.
Sa school, maraming humahanga at nagkakagusto kay Eros. May fans club pa nga siya eh. Kapag may mga babae na lumalapit sa kanya at nakikipagflirt, naiinis ako pero hindi naman namin pinag-aawayan. Iniintindi na lang namin yung situation kasi nga hindi naman alam ng mga tao na may relationship kaming dalawa.
Pero si Winter alam niya. Alam na alam, kaya siguro naiinis ako.
Am I threatened?
Ewan.
Pumunta ako sa gallery ng phone ko. Tiningnan ko yung mga pictures namin ni Eros. Pinagmasdan ko yung favorite picture namin.
It's a black and white picture. Natutulog ako tapos hinalikan ako ni Eros sa right cheek ko at kinuhaan ito ng picture. Ang alam ko ito ang wallpaper niya sa phone niya.
Isa pang picture na nakita ko eh yung nakaupo kami sa sahig sa kwarto ko. Pinipinturahan kasi namin yung favorite toy namin na si Omega Man. Ang dungis namin sa picture paano kasi pinahiran niya ko ng pintura sa mukha kaya pinahiran ko rin siya tapos ayun nagkulitan na kami.
Hindi ko mapigilan mapangiti ng maalala ko yun.
Sabi pa niya sa'kin noon...
"Ako ang Omega Man mo Summer. Poprotektahan kita kahit buhay ko pa ang kapalit. Ganun kita kamahal eh."
Naiyak naman ako. I know I'm being unfair to Eros sa hindi ko pagkausap sa kanya pero hindi ko talaga siya kayang harapin. Pakiramdam ko kasi ang laki-laki ng pagkukulang ko sa kanya.
2 years na kaming in a secret relationship tapos hanggang kiss lang kaming dalawa. Strictly no sex.
Masama ba akong boyfriend?
Naramdaman ko ang paglapit sa akin ng aso ko na si Castor. Ugali na kasi niya yung sisiksik siya sakin tuwing umaga para makipagkulitan. But I'm not in the mood now.
Kinuha ko siya at niyakap.
"Castor, tingin mo ba masama akong boyfriend?" Tanong ko sa inosente kong aso.
BINABASA MO ANG
Rigo's Curse
FantasyA Sequel to Jairus' Curse 25 years pagkalipas ng digmaan sa pagitan ng mga Gifted at Cursed ay masaya at mapayapang namumuhay si Rigo kasama ang asawa nito na si Khalil at ang kanilang kambal na anak na sila Summer at Winter. Isang magandang trabaho...