IGNIS
Ang sakim na panday. Tagapagbantay ng Hades, isang mahiwagang mundo kung saan napapadpad ang kalag o kaluluwa ng mga isinumpa (cursed) sa oras na lumisan na sila sa mundong ibabaw.
Tulad ng kanyang elemento, ang apoy, kinakatawan ni Ignis ang prinsipyo ng kapangyarihan at katapangan. Sinasagisag din ng panday ang malalakas na uri ng emosyon katulad ng poot, kasakiman at kabalakyutan.
Si Ignis ay kalahating tao at kalahating bathala. Dahil sa mas marami ang sumasamba at nagmamahal sa kanyang nakatatandang kapatid na si Caelum ay napuno ng inggit ang kanyang puso. Nag-isip siya ng paraan kung paano malalagpasan ang pedestal na kinalalagyan ng bulag na bathala at dito nag-umpisa ang pagbuo niya sa mga mahihiwagang sandata tulad ng Mera at Fanaa nang sa gayon ay magkaroon siya ng malabathalang kapangyarihan.
Dahil dito ay nagkaroon ng kaguluhan sa lupa lalo pa't ginagamit ng mga ordinaryong tao ang kanyang mga nilikha sa paggawa ng kasamaan. Lubos itong ikinagalit ni Caelum kaya naman bilang parusa ay itinapon niya ang kapatid sa Hades (na noon ay isa lamang piitan) at isinumpa na mananatili dito hanggang sa dumating ang itinakdang panahon.
Bagama't limitado ang kapangyarihan ay nagawa ng sakim na panday na makipagkasundo sa biniyayaang si Magnus. Ayon sa kanilang kasunduan, kapalit ng malabathalang kapangyarihan ay iaalay ng binata ang kalag ng "lahat" ng isinumpa kay Ignis sa oras na lumisan na ang mga ito sa mundong ibabaw at kakainin naman ni Ignis ang mga kalag na ito upang maging mas malakas, makalaya sa Hades at maghinganti kay Caelum.
Maisasakatuparan nga ba ng sakim na panday ang kanyang mga balakyot ng hangarin?
Ano ang magiging papel ni Ignis sa buhay nila Khalil, Rigo at Jairus?
Abangan...
BINABASA MO ANG
Rigo's Curse
FantasyA Sequel to Jairus' Curse 25 years pagkalipas ng digmaan sa pagitan ng mga Gifted at Cursed ay masaya at mapayapang namumuhay si Rigo kasama ang asawa nito na si Khalil at ang kanilang kambal na anak na sila Summer at Winter. Isang magandang trabaho...