WINTER
"Salve Iri Gifted, Bearers et Cursed!" Sigaw ng emcee na nag-echo sa buong Arena.
Ngayon gaganapin ang Weekly Battle of the Houses. Karamihan ng mga estudyante sa AAA ay nandito para masaksihan ito. Kahit na hindi naman ako ang lalaban ay hindi ko maintindihan ang kaba na nararamdaman ko.
Parang mayroong hindi maganda na mangyayari.
Tumingin ako sa direksyon ng aking kakambal. Katabi niya si Es na hindi kalayuan ang pwesto sa'kin. Napangiti ako nang makita ko si Summer.
Bumagay sa kanya ang bago niyang itsura. Kulay brown na kasi ang buhok niya na palaging naka-brush up. Hindi na rin niya sinusuot ang makapal niyang salamin na para bang napakalinaw na ng kanyang paningin. Idagdag pa na mas kuminis ang mukha niya tapos may hikaw na rin siya sa tenga.
Kahit na nagbago na ang kanyang itsura ay hindi naman nagbago ang pakikitungo niya sa'kin. Kasing lamig pa rin ito ng yelo. Hindi ko naman siya masisisi kung bakit siya naging ganun sa'kin.
Niloko ko siya. Ako na mismong kakambal niya.
Ang puso kasi parang etits 'yan eh. Hindi titigas, kung hindi pinaglaruan.
Shit. Sa dinami-rami ng bagay kung saan ko pwedeng ihalintulad ang puso, eh sa etits pa talaga. Hehe.
Eh ganun talaga, tatawanan mo na lang ang sakit kapag hindi mo na kaya. Isa pa, pagod na 'kong umiyak. Basta naniniwala ako na darating din ang panahon na mapapatawad ako ni Summer.
Hindi ko kasama si Austin ngayon. Sabi niya, banned daw siya sa Weekly Battle of the Houses. Kapag natatakot kasi siya, naaapektuhan yung event kaya naisip ng admins na ipagbawal na lang siya dito.
Hindi ko mapigilan ang makadama ng awa para sa kanya. Nakikita ko kasi sa mga mata niya na gusto talaga niyang manood kasama ako pero bawal.
Sabi ko nga sa kanya hindi na lang din ako manonood para masamahan ko siya sa room pero ayaw niya. Gusto daw niya mag-enjoy ako at hindi iyon mangyayari kung sasamahan ko siya.
Nandun lang siya sa room at nanonood ng favorite cartoon show niya na "Adventure Time". Jeez, I don't even know that show.
Nakakamiss din si Austin ah.
"Alam ko na excited na ang lahat sa inyong masaksihan at malaman kung anong house ang tatanghaling weekly champion kaya wag na natin patagalin pa ito at ipapakilala ko na sa inyo ang maghaharap harap ngayong araw!"
Kumpara noong nakaraan ay mas lively ang emcee ngayon. Sa tuwing matatapos siya sa kanyang mga sinasabi ay magsisigawan naman ang mga manonood upang i-cheer ang representative ng kanilang house.
Speaking of representative, isa pa sa mga ikinagulat ko kahapon ay nung nalaman ko na kapatid ni Es si Jasper at katulad namin ay isa din siyang cursed. Ayon kay Austin, Demon Physiology daw ang curse nito na kinakatakutan ng lahat. Kabaligtaran ng curse ng kapatid niyang si Es na Angel Summoning.
"Ang una nating kalahok ay ang nakatatandang kapatid ni Es na siya namang nanalo sa nakaraang Battle of the Houses. Magkakaroon kaya ng back to back championship ang House of Ruby Cursed?" Simula nung emcee.
"Let's all welcome, Jasper Trinidad!" Pagkasabi ng emcee nun ay siya namang paglabas ni Jasper mula sa isang pintuan.
Naghiyawan yung mga manonood lalo na ang mga kababaihan nung nagsimula siyang maglakad papunta sa pwesto niya. Nakita ko kung paano siya tumingin sa direksyon ni Summer at binigyan ito ng isang flying kiss. Inirapan naman siya ng kakambal ko.
"Para naman sa ikalawa nating kalahok, marami ang nadismaya sa ginawa niyang pagsuko sa laban niya sa nakaraang Battle of the Houses. Magagawa pa kaya niyang itaas ang bandera ng House of Emerald Bearers?" Hindi pa ipinapakilala ng emcee kung sino ang tinutukoy niya ay napuno na ng sigawan ang buong Arena.
BINABASA MO ANG
Rigo's Curse
FantasyA Sequel to Jairus' Curse 25 years pagkalipas ng digmaan sa pagitan ng mga Gifted at Cursed ay masaya at mapayapang namumuhay si Rigo kasama ang asawa nito na si Khalil at ang kanilang kambal na anak na sila Summer at Winter. Isang magandang trabaho...