SUMMER
[The number you have dialed is unattended. Please try your call later.]
I've been trying to contact Eros for the Nth time. Mukhang ayaw talaga niyang makipag-usap sa'kin. Binaba ko ang phone ko at ibinalik ko na lang ang tingin kay papa na hanggang ngayon ay wala pa ring malay.
Sabi ni daddy, inatake daw ng 'mabangis na hayop' si papa. Hindi naman sa hindi ako naniniwala sa kanya pero kung titingnan yung mga sugat ni papa sa katawan, parang hindi naman ito nanggaling sa isang mabangis na hayop lang. Parang galing ito sa isang halimaw?
Well, hindi niyo naman ako masisisi kung maiisip ko ang ganun. Kami nga ng kakambal ko may kapangyarihan eh. Hindi imposible na may nag-eexist na mga halimaw o mahihiwagang nilalang. Di'ba?
Pero bakit si Papa?
Naalala ko bigla yung pag-uusap namin ni daddy kagabi. Akala ko talaga magagalit siya sa'kin dahil sa sinabi ni Jasper pero naging maganda naman ang takbo ng pag-uusap namin.
Flashback
[Pagka-alis nila Eros, Winter, Jasper at Blue sa kwarto ni papa eh pinaupo kaagad ako ni daddy sa sofa katabi niya. Pakiramdam ko lalabas yung puso ko dahil sa kaba tapos yung tuhod ko nanlalambot na rin habang papalapit ako kay daddy.
"Totoo ba na boyfriend mo ang lalaki na 'yun?" Mahinahon na tanong ni daddy nang makaupo na ako sa tabi niya.
Hindi ko alam pero walang sagot na lumabas sa bibig ko nang mga oras na 'yun. Nakayuko lang ako and out of habit, nilalaro ko yung mga daliri ko sa kamay. Ganun naman talaga ako kapag kinakabahan.
Nagulat ako nang bigla na lang hinawakan ni daddy yung mga kamay ko. Tumingin ako sa kanya at nakita ko yung seryoso niyang mukha. Hinihintay niya yung sagot ko.
"Dad, I'm... I'm s-sorry..." Sabi ko sa basag na boses.
"I'm gay..." Kasabay nung pag-amin ko sa totoong ako eh bumagsak yung mga luha na kanina pa nangingilid sa mga mata ko.
"Bakit mo ito itinago sa'min ng papa mo?" Tanong ni daddy. Hinimas niya yung likuran ko para aluhin ako.
"Natatakot ako na ma-dissappoint ko kayo ni papa. Kaming dalawa lang ni Winter ang magdadala ng aplelyido mo pero parehas pa kaming ganito. I'm sorry I failed you dad..."
Niyakap ako ni daddy ng mahigpit. Naramdaman ko nang mga oras na 'yon yung pagiging daddy niya sa'kin. Napakasarap sa pakiramdam.
"Wala akong paki-alam sa apelyido natin anak. Mas mahalaga sa'kin ang kung ano ang makakapagpasaya sa inyo ng kakambal mo. Kahit ano ka pa, tanggap kita. Mahal kita anak at palagi mo 'yang tatandaan."
Lalo naman akong naiyak sa sinabi sa'kin ni daddy. Niyakap ko siya pabalik habang patuloy sa paghagulgol.
Malaya na ko...
Ilang sandali pa eh bumitaw na si daddy sa pagkakayakap sa'kin. Umayos siya sa pagkakaupo at ganun din ang ginawa ko. Pinunasan ko yung pisngi ko na basang-basa dahil sa kakaiyak.
"Wag ka nang umiyak anak, ang pangit mong tingnan eh. Hehe.." Pagbibiro ni daddy. Nakangiti pa siya na nakakaloko.
"Daddy naman..." Ang pabebe ko sa part na yun.
"Si papa po ba... matatanggap niya rin po ba ko?" Tanong ko kay daddy nang binalot kami ng katahimikan.
"Oo naman. Matutuwa 'yun kasi dalawa pala ang dalaga niya."
Binalot ng tawanan namin ni daddy ang kwarto nang gabing 'yun.]
End of flashback
Tsaka ko lang narealize na hindi ko pala nasabi kay daddy ang tungkol sa'min ni Eros. Hindi ko rin nalinaw sa kanya yung tungkol kay Jasper. Kailangan kong ipaalam sa kanila ang tungkol dito.
BINABASA MO ANG
Rigo's Curse
FantasyA Sequel to Jairus' Curse 25 years pagkalipas ng digmaan sa pagitan ng mga Gifted at Cursed ay masaya at mapayapang namumuhay si Rigo kasama ang asawa nito na si Khalil at ang kanilang kambal na anak na sila Summer at Winter. Isang magandang trabaho...