WINTER
"Eros, alam ko na marami akong pagkukulang sa'yo. Sobrang dami. Pero hindi iyon dahilan para iparamdam mo sa'kin yung sakit ng pagiging hindi sapat para sa'yo."
Iyan ang mga huling sinabi ni Summer kay Eros bago niya ito iniwang nakaluhod sa sahig. Kasabay ng pagtakbo palayo ng kakambal ko ay ang malakas na paghagulgol ni Eros. Hindi niya na hinabol pa si Summer.
Ilang sandali nang nakaalis na ang kapatid ko ay naisip kong lumapit kay Eros. Hinawakan ko siya sa kanyang likuran at nang ginawa ko yun ay mabilis niyang ibinaling ang tingin sa akin. Tumayo siya at humarap sa akin.
Masyadong matalim ang mga titig niya sa'kin. Puno ito ng galit na para bang gusto niyang pilipitin ang leeg ko. Umiwas ako ng tingin nang hindi ko matagalan ang mga titig sa'kin ni Eros.
Naglakad si Eros pabalik sa unit niya. Kinakabahan man ay pinili ko pa rin na sumunod. Pagpasok sa loob ay nakita ko si Eros na nakaupo malapit sa kaniyang piano. Nakatulala lang siya sa kawalan.
Nilibot ko ang tingin sa paligid para hanapin ang mga damit at iba ko pang gamit. Nang nakita ko ang mga damit ko ay mabilis ko iting isinuot. Binitbit ko na rin ang mga gamit ko.
Nung kinuha ko yung cellphone ko sa lamesa sa tabi ng kama ni Eros ay nakita ko ang isang picture frame. Magkasama sa larawang ito si Eros at ang kakambal ko.
Nakayakap si Eros mula sa likuran ni Summer na hawak naman ang isang action figure na Omega Man. Puro pintura yung mga mukha nila at mararamdaman mo na sobrang saya nilang dalawa dahil sa malalaking ngiti nila sa mga labi.
Napahawak ako sa dibdib ko at nagsimulang mangilid ang luha sa'king mga mata.
Paano ko nagawang pagtaksilan ang kakambal ko?
Naalala ko kung paano ako tiningnan kanina ni Summer. Puno ng pagkadismaya ang mga mata niya niya. Pagkadismaya sa akin.
Tama siya.
Ang baboy ko. Ang baboy-baboy ko para makipagsex kay Eros na boyfriend niya.
Kaya ko namang labanan yung tukso eh. Pero hindi ko ginawa. Pinili ko na maging mahina at magpadala sa tawag ng laman.
Tuluyan nang bumagsak ang mga luha ko. Ang dumi-dumi ng tingin ko sa sarili ko ngayon. Nakakahiya ka Winter.
Bagsak ang mga balikat ko nang lumabas ako ng kwarto. Nakita ko si Eros na nakaupo pa rin sa tapat ng kanyang piano at nakatulala. Tanging manipis na boxer shorts pa rin ang kaniyang suot.
"Eros... I'm sorry..."
Unti-unting binaling ni Eros yung tingin niya sa'kin. Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ng expression ng mukha niya. Tumayo siya na hindi pa rin tinatanggal ang pagkakatitig sa'kin.
"Hindi ko ginusto yung nangyari Eros... I'm really sorry." Sabi ko sa basag na boses.
Lakad-takbong lumapit sa'kin si Eros. Hindi ako nakakilos sa kinaroroonan ko. Nagulat ako ng bigla na lang niya akong hinawakan sa magkabilang balikat at malakas na itinulak sa pader.
Napapikit ako dahil sa sakit ng pagtama ng likod ko sa pader. Pagdilat ko ng mga mata ko eh nakita ko ulit yung mga matatalim na titig sa'kin ni Eros. Kinuha niya ang mga kamay ko at idikit din ito sa pader pataas sa aking uluhan.
Mahigpit. Masakit. Nakakatakot.
Sinimulan niyang halikan yung leeg ko. Mariin niya rin itong kinakagat. Gamit ang tuhod niya ay pilit niyang pinaghihiwalay ang mga binti ko habang idinidikit ang hubad niyang katawan sa'kin.
"Eros nasasaktan ako..."
Pinipilit kong magpumiglas pero masyado talagang mahigpit ang pagkakahawak niya sa mga kamay ko. Kahit ang sipain o tuhuran man lang siya ay hindi ko magawa. Nakakapanghina ang lakas niya.
BINABASA MO ANG
Rigo's Curse
FantasyA Sequel to Jairus' Curse 25 years pagkalipas ng digmaan sa pagitan ng mga Gifted at Cursed ay masaya at mapayapang namumuhay si Rigo kasama ang asawa nito na si Khalil at ang kanilang kambal na anak na sila Summer at Winter. Isang magandang trabaho...