Six: Seek

3.7K 183 8
                                    

RIGO

Nasa harap ko ngayon si Khalil. Nasa isang ospital kami at kasalukuyan siyang nakahiga sa kaniyang kama habang mahimbing na natutulog. Puno ng benda ang ilan sa parte ng katawan niya dahil sa malalalim na sugat. Sabi ng mga doctor na tumingin sa kanya kanina ay stable na ang kaniyang kalagayan.

Nakaupo ako sa kanyang tabi. Hawak ko ang kanan niyang kamay at marahan ko itong hinahaplos. Ang init na nanggagaling sa kanya ang nagbibigay ng kapayapaan sa akin.

Halos mabaliw ako nang nakita ko ang duguang katawan ni Khalil kanina. Nung nakausap ko siya sa telepono, alam ko na ayaw niyang ipaalam kung nasaan siya dahil natatakot siya na ikapahamak ko ito. Mabuti na lang at naalala ko ang pag-anyaya niya sa'kin kanina na mag-grocery kaya naman pumunta agad ako sa mall na palagi namin pinupuntahan nang ibinaba niya ang tawag.

Nawalan siya ng malay bago niya nasabi sa'kin kung sino o ano ang nanakit sa kanya. Pero may sapantaha na ko na marahil ay isa itong Imp o ano naman kaya ay Serei base sa pagkakasabi niya na may "halimaw" na humahabol sa kanya. Pero pagdating ko dun sa parking lot eh wala naman akong naabutan.

Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung mas malala pa ang nangyari kay Khalil. Napakaraming tanong ang bumabagabag sa aking isipan sa mga oras na ito at hindi ko alam kung saan ko kukuhain ang mga kasagutan para dito.

Matagal na kaming nananahimik at namumuhay ng normal. Bakit nangyayari pa ang mga ganitong bagay sa pamilya ko?

Nasa ganoon akong pag-iisip ng biglang may pumasok sa loob ng silid. Lumingon ako at nakita ko ang anak ko na si Winter kasama ang aming bagong driver na si Blue. Bakas sa mukha ng anak ko ang pag-aalala.

"Ano pong nangyari kay papa, daddy?" Tanong ni Winter matapos niya akong bigyan ng isang mahigpit na yakap.

"May mabangis na hayop daw na umatake sa papa mo." Pagsisinungaling ko.

"Mabangis na hayop? Like what? Wala bang nagbabantay doon sa lugar kung saan 'to nangyare?" Sunod-sunod niyang tanong.

"Nasaan si Summer?" Tanong ang sagot ko sa tanong niya.

"Kanina ko pa siya tinatawagan pero nakapatay ang cellphone niya..." Bumuntong hininga si Winter at lumapit sa natutulog niyang papa. Yumuko siya at niyakap si Khalil.

"Papa, please be ok..." Mahina niyang sabi sa basag na boses.

"You're papa will be ok." Inalo ko ang aking anak dahil nararamdaman ko na ilang sandali na lang ay iiyak na ito.

"Winter, pwede bang dito muna kayo ni Blue para bantayan ang papa mo? May pupuntahan lang ako sandali." Pagpapaalam ko.

"No problem dad. Ingat po kayo. Tawagan na lang din kita kapag dumating na si Summer." Muli akong binigyan ni Winter ng isang mahigpit na yakap.

Napakasarap sa pakiramdam nito.

Bumitaw ako pagkalipas ng ilang sandali. Ngumiti ako kay Winter at Blue at ngumiti naman sila pabalik sa'kin. Pagkatapos noon ay mabilis na akong lumabas ng silid.

Kailangan ko ng mga kasagutan sa lahat ng nangyayare...

*****

Nasa tapat ako ng isang napakalaking mansyon. Pinaghalong kulay puti at luntian ang tema ng pagkakadisenyo dito. Walang duda na ito ang mga paboritong kulay ng nagmamay-ari nito.

Napakapresko rin sa pakiramdam ang pagkakaroon ng malawak na hardin dito. Napakatahimik na siya namang malayo sa personalidad ng nagmamay-ari ng malaparaisong lugar na ito. Ngayon na lang ulit ako nakapunta dito pagkalipas ng napakahabang panahon.

Rigo's CurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon