**Unedited
"YSAY! Buksan mo itong pinto!
Nagising ako dahil sa malakas na boses ng may ari nitong apartment na inuupahan ko. Ano oras na ba at kay aga aga nangbubulahaw na agad ito. Alas otso na pala. Patay! Tinanghali na ako ng gising kailangan ko pa naman maghanap ng trabaho dahil sa naendo na ako sa huling trabaho na pinasukan ko.
" YSAY! ANO BA LALABAS KA BA DYAN O PWEPWERSAHIN KONG BUKSAN ITONG PINTO MO.
Agad akong bumangon sa maliit kong kama at dali daling tinungo ang pintuan. Hindi man lang ako tumingin sa salamin. Hindi ko tuloy alam kung may muta ba ako? O baka may kung ano sa mukha ko. Napakaingay kasi nitong si Aling Leila. Nakakahiya tuloy sa ibang taong nakatira dito.
"Magandang umaga Aling Leila, nakangiting bati ko dito sabay puppy eyes pa dito kahit na inis ang nararamdaman ko sa mga oras na ito. Kitang kita sa mukha nito ang pagkainip at pagkainis.
"Wag mo akong dinadaan dyan sa mga pagpapacute mo Ysay! Magbayad ka na lamang ng renta mo kung gusto mong gumanda ang umaga ko!
" Ang aga aga Aling Leila ang sungit sungit nyo, sige kayo din magkakawrinkles kayo nyan" nakangiting wika ko pa dito.
"Hay naku Ysay hindi na uubra sakin yang mga sinasabi mo, magbayad ka na lamang para tapos na ang usapan. Aba tatlong buwan ka ng hindi nakakabayad ng upa mo dito.
" Aling Leila pasensya na ho talaga. Pangako sa isang araw magbabayad na ho talaga ako. Katunayan nga ay naghahanda na ako sa pagalis ko para maghanap ng trabaho kaso bigla nyo akong binulabog" pagdadahilan ko dito.
"Ysay nakailang pangako ka na ba? Abay hindi nauubos ang bukas! masungit na wika nito
" Alam nyo Aling Leila, kung aalis na po kayo ngayon ay makakapaghanda na ako ng sarili ko at maghahanap ng trabaho at ng makabayad ako sa inyo wika ko.
"Aba kahit kelan napakabastos mong bata ka wika nito saby tingin nito sa buong katawan ko. Ganyan ba ang naghahanda? Eh mukhang kagigising mo lamang.
" Hay naku Aling Leila sige na ho umalis na kayo at ng ako ay makapagsimula na at ng makaalis na din ako walang ganang wika ko.
"Siguraduhin mo lamang Ysay na makakabayad ka na sa isang araw dahil kung hindi sa labas na pululutin yang mga gamit mo masungit na wika pa din nito at sa wakas ay umalis na din.
Kung may iba lang akong mauupahan lumipat na sana ako matagal na kaso ang mamahal naman nung ibang aoartment dito sa maynila. E dito sa apartment ni Aling Leila kahit papaano ay okay naman at isa pa safe ang mga nakatira dito plus hindi ganon kamahal ang renta. Kaso nga lamang ay talagang may kasungitan itong si Aling Leila ganun yata talaga kapag matandang dalaga.
Pagkalis na pagkaalis nito ay agad ko naman tinungo ang aking maliit na upuan at mabilis nagtimpla ng kape. Maliit na kama, dalawang piraso ng upuan at isang maliit na lamesa na ginagamit kong hapag kainan. Yan ang laman ng aking munting kwarto. Walang tv o kahit dvd player man lang. Pero meron namang wifi kaya okay na din.
Matapos kong inumin ang kape na tinimpla ko ay agad naman akong nagtungo sa aking maliit din na banyo. Ang hirap mamuhay ng magisa. Yung tipong wala ka man lang malapitan sa oras ng kagipitan kahit yun malalapitan mo para mayakap man lang.
Bago ako tuluyang maiyak sa mga sinasabi ko sa inyo ay magpapakilala muna pala ako. Kasalanan to ni Aling Leila jeez. Ako nga pala si Maria Ysabelle "Ysay" De Guzman 25 years old nakapagtapos sa kursong BS in Business Administration (Cum-Laude)sa tulong ng mga madreng kumalinga sa akin nung ako ay bata pa. Mabuti na lamang ay nakapagtapos ako kahit papaano kahit graduate ako sa isang pampublikong paaralan malaking bagay din iyon para sa paghahanap ko ng maayos na trabaho.
BINABASA MO ANG
My Boss Is A Beast
General FictionThis story rank #15 on General Fiction (05-15-17) Mayaman,gwapo, malupit at mula sa kilalang pamilya ganyan maiilarawan ang isang CHACE YVO SABALIERO. Ang lalaking handang ibigay ang lahat para lamang sa babaeng kanyang mahal. Subalit sa huli sila a...