Ysay's Pov
Nagmamadali akong sumunod sa utos nito na pumunta ng opisina nya.
Sir bakit po? Mahinahon na tanong ko dito habang ito ay nakaupo sa pwesto nito dito sa itim nyang sofa nung gabing ma..mahalikan nya ako. Ganitong ganito ang eksena nung gabing iyon.
Have a sit utos nito sabay turo sa upuan na katapat nito.
Ahh.. uhh Sir ano po.. ka... bigla kasi akong kinabahan sa sinabi nito kaya medyo nauutal ako sa pagsasalita at hindi ko matuloy ang sasabihin ko.
Sit and have a lunch with me wika nito sabay labas ng pagkain mula sa paper bag na nasa tabi nito.
Napanganga na lamang ako sa sinabi nito. Niyaya nya akong kumain kasabay nya at dito pa mismo sa loob ng opisina nya? Ilang anghel po ang nandito ngayon? Kailangan ko po na magpasalamat ng madami sa inyo.
Close your mouth.
Bigla naman akong napahiya sa sinabi nito. Nakabuka ba talaga ang bibig ko. Nakakahiya naman. Jusko!
Tatayo ka na lamang ba dyan? May pagkabagot sa tinig nito.
Si Kamahalan ba talaga ang kaharap ko ngayon? Sabihin nyo nga sa akin kung totoo ba lahat ito?
DE GUZMAN!
Ay anak ng! nagulat naman ako sa biglang pagtaas ng boses nito ngunit mahina lamang.
Hindi ka ba mauupo? Aniya.
Heto na nga po Sir mauupo na, nahihiya man ako dahil hindi ako komportable sa sitwasyon ngayon ay sinikap kong maging kalmado lamang.
Para akong bata na nilalaro laro ang dalawang palad ko. Pakiramdam ko pinagpapawisan ako ng malamig at pati palad ko ay nagtutubig na din.
Nakita ko pang inilabas nito ang mga kubyertos na gagamitin sa pagkain.
Si Kamahalan ba talaga ito? Bakit bigla bigla naman yata ang pagiging mabait nya.
Bigla kumulo ang tiyan ko sa maamoy ang pagkain na inilabas nito mula sa paper bag. Mukhang ang sarap ng mga ito pero hindi ko alam kung makakaya ko bang kumain gayong magkaharap lamang kami.
Ahh.. Sir busog pa po ako..
Bigla namang napabaling ang tingin nito sa akin.
Why? What did you eat? Kunot noo tanong pa nito.
Ahh ano kasi Sir.. (kroooo kroooo) bigla na lamang akong napahawak sa tiyan ko dahil ibinuking ako nito.
Full huh! Tatango tangong wika nito at napatungo na lamang ako dahil pakiramdam ko ay nag-init ang buong mukha ko sa hiya. Pahamak naman itong tiyan na ito.
Now let's eat at saka ito nagsimulang maglagay ng pagkain nya.
Hindi na naman ako tumutol pa kasi nakakagutom ang pagkain na dala nya. Hindj ko alam ang pangalan ng mga iyo basta alam ko may pasta na nakahain. May kulay dilaw din na kanin at hindi ko alam kung ano yung parang ay ewan. Basta pagkain. Pagkain okay! Mukhang mamahalin lahat dahil wala akong kilala sa mga ito. Alam ko lamang ay prito at nilaga haha. Minsan pala adobo din.
Nahihiya man ako ay naglagay na din ako ng pagkain sa pinggan ko at dahil nga naninibago ako ay konti lang ang kinain ko kahit na ang sasarap ng mga pagkain.
Try this beef stroganoff pasta, alok nito sabay abot sa akin ng pagkain.
Dahil nakakahiya naman na tanggihan ito ay kumuha din ako.
BINABASA MO ANG
My Boss Is A Beast
General FictionThis story rank #15 on General Fiction (05-15-17) Mayaman,gwapo, malupit at mula sa kilalang pamilya ganyan maiilarawan ang isang CHACE YVO SABALIERO. Ang lalaking handang ibigay ang lahat para lamang sa babaeng kanyang mahal. Subalit sa huli sila a...