Ysay's Pov
Maaga akong nagising ngayong araw na ito bukod kasi sa byernes na ngayon,aba'y ngayon na din ang ika 1 buwan ko sa trabaho. At dahil nga 1 buwan na ako ibig sabihin makakasweldo na ako waaaaah! Ang saya saya lamang siguradong abot tenga ang ngiti ni Aling Leila mamaya kapag nabayadan ko na sya ng renta ko dito sa bahay. Akalain nyo nakatagal ako kay kamahalan. Sa loob ng isang buwan ko na pagtratrabaho bilang sekretarya nya ay wala pa din pagbabago si Kamahalan. Kung hindi sya galit,nakasigaw naman ito. Atleast,hindi na nya ako napapagalitan. Nakasanayan ko na ang ugali nyang dinaig pa ang galit sa mundo. Minsan nakakaawa nga lamang yung ilang empleyado na tinatanggal nya dahil lamang sa isang pagkakamali. See? He is so cruel.
Agad akong bumangon at naghanda ng aking sarili. Mabilis akong nagluto ng pritong itlog at sinangag ko yung kanin na natira ko kagabi. Paborito ko ang fried rice with garlic and onions. Literal na almusal ng mga katulad ko ang estado sa pamumuhay. Di bale mamaya maggrogrocery ako ng bongga. Dadamihan ko ng itlog HAHAHA syempre joke lamang.
Nang matapos ko ang pagluluto ko ay agad naman akong kumain at ng matapos ay duniretso na din ako sa banyo upang maligo.
Nakalipas lamang ang ilang minuto taraaaan! I'm ready! Agad akong tumitig sa maliit ko salamain na nakapako lamang sa dingding.
"Hay Ysay hindi ka man mayaman,atleast mayaman ka naman sa kagandahan yan ang mga katagang lagi kong sinasabi sa sarili ko. Wala e feel na feel ko talaga. Nang makuntenti na ako sa ayos ko ay agad na din akong lumabas ng aking kwarto.
"Lalalalalalalalala ♩♩♩
"Aba Ysay maganda yata ang umaga mo at may paghimig ka pang nalalaman dyan biglang wika ni Aling Leila na kasalukuyang nasa paborito nyang lugar. Ang kanyang halamanan.
"Ito talagang si aling Leila lahat na lamang napapansin, pero yung kagandahan ko hindi makita nakasimangot na wika ko dito.
"Hay naku Ysay,pupurihin lamang kita kapag nakabayad ka na ng renta mo masungit na wika nito.
Bigla ko namang naalala ulit yung sweldo ko.
"Alam mo ba Aling Leila ngayon ang unang sweldo ko kaya dapat maging mabait ka sakin dahil mamaya babayadan ko na lahat ng utang ko sayo proud na wika ko dito at kitang kita sa mata nito abg galak.
"Totoo ba yan Ysay? nakangiting tanong nito at tumango lamang naman ako. "Ikaw talagang bata ka alam mo napakaganda mo talaga sa totoo lang dagdag pa nito. Kita nyo na pera lang talaga ang katapat nito para magsabi ng katotohanan. May boyfriend ka na ba?pahabol na tanong pa nito.
Agad ko naman itong binigyan ng "WHAT DID YOU SAY" look!
"Hay naku Aling Leila makaalis na nga at kung ano ano na yang pinagtatanong mo sa akin. Sige na ho pagpaalaam ko dito at hindi na naman ito sumagot. Agad naman akong pumara ng masasakyan.
Inaagahan ko talaga ang pasok ko para hindi ako malate isa pa araw araw ang trapik nakakaubos na minsan ng pasensya yung tipong nagmamadali ka tapos saka ka maiipit sa trapik di ba nakakasira ng araw yun?
Habang sakay ako ng jeep patungo sa trabaho ay hindi ko maiwasan isipin ang tanong ni Aling Leila. Bakit nga ba hindi pa ako nagkakaboyfriend? Samantalang yung mga katrabaho ko lahat my boyfriend na samantalang ako NBSB No Boyfriend Since Birth. Yubg iba nga ang babata pa oero may mga asawa na tapos ako 25 na ako wala pa din. May nga naging manliligaw naman ako nung college days ko at dun sa past work ko meron din pero wala naman akong sinagot kahit isa sa kanila. Ewan ko ba hindi ko mafeel yung sinasabi nilang LOVE as in L.O.V.E .. Naalala ko pa yung minsan naging kwentuhan namin nina Marichu yung kung paano mo malalaman kung nakita mo na yung right guy for you. Yung tipong makakakita ka daw ng fireworks kahit maliwanag naman o kaya naman mararamdaman mo daw na may lumilipad na paru paru sa loob ng tiyan mo. Pero naisip ko hindi ko pa talaga naeexperience ang mga bagay na yun eh. Pero teka di ba nakakita ako nuon na umuulan ng bulaklak nung una kong makita ang napakasungit na mukha ni .....
BINABASA MO ANG
My Boss Is A Beast
Ficción GeneralThis story rank #15 on General Fiction (05-15-17) Mayaman,gwapo, malupit at mula sa kilalang pamilya ganyan maiilarawan ang isang CHACE YVO SABALIERO. Ang lalaking handang ibigay ang lahat para lamang sa babaeng kanyang mahal. Subalit sa huli sila a...