Chapter 14

4.7K 159 49
                                    

PS: Nang dahil sa walang humpay nyong pagbabasa nasa Rank #44 na tayo mga Bes 😘😘😂😂

*****
Ysay's Pov

Kanina pa ako nakahiga sa kama ko pero hindi ako makatulog. Grr! Ganito ba ako kaexcite para bukas? Ang aga pa naman ng gising bukas tapos heto mag 1am na ay hindi pa din ako dinadalaw ng antok.

Please lang antok, dalawin mo naman ako awa muna..

Sariwa pa din sa isip ko yung kanina, napahiya ako dun ahh. Akala ko talaga hahalikan na naman nya ako! Jusko nakakahiya ka Ysay ang assuming mo! Ikakabit lamang pala ang seatbelt may pagpikit pa akong nalalaman. Kung may baha nga lamang kanina magpapaanod ako dahil sa hiya na sinapit ko.

Baka isipin pa ng Kamahalan na yun nagustuhan ko yung kiss nya.. Pero nagustuhan ko nga ba? Hahaha sakin na lamang muna yun..

Iniisip ko ngayon kung ano ba ang pwede kong gawin sa Japan. Alam ko trabaho yung ipupunta namin dun pero pwede naman siguro makasingit kahit ilang oras na pamamasyal. Hindi ko dapat palampasin ang pagkakataon na 'to. Kailangan na makapagpapicture man lamang ako sa mga puno ng Cherry Blossom.

Gusto ko maging memorable ang travel na 'to, kahit na si Kamahalan pa ang kasama ko. Salamat na din sa kanya dahil makakarating ako duon.

Hindi ko na namalayan kung anong oras ako nakatulog sa mga isiping iyon kagabi.Narinig ko na lamang kasi ang pag alarm ng celphone ko ala 6 na ng umaga.

Agad akong bumangon at itinupi ang ang aking kumot.

Nagluto muna ako ng almusal ko dahil ayoko naman na pati breakfast ay si Sir pa ang sasagot. Abuso na yata yun.

Ng matapos kong kumain ay agad na din naman akong dumiretso sa loob ng banyo upang maligo at gawin ang mga morning routine ko.

Ilang sandali pa ang nakakalipas ay tapos na din ako.

Handang handa na ako para sa aking first travel.

Muli kong chineck ang aking maleta, sinigurado kong wala akong naiwan.

Hindi ko alam kung ilang araw ba kami mamalagi duon kaya hindi ko alam kung sapat na ba ang dala kong damit. Kung kulang man ay lalabahan ko na lamang dun.

Hindi ko alam kung paano ako nagkaroon ng passport, katunayan ay hindi ko pa nga alam kung merun nga ba ako kasi wala naman ibibigay sakin si Sir Yvo. Basta ang sabi nya nun sya na daw ang bahala.

Gusto ko pa naman sana magpicture mamaya na hawak ang passport at ticket ko, remembrance lang.

Pasilip silip ako sa bintana ko dahil baka dumating na si Mang Isko. Katunayan ay hindi ko naman kilala si Mang Isko at never ko pa nakita yun, baka family driver nila yung susundo sa akin maya maya.

7:55 am ng makarinig ako ng sasakyan na tumigil sa labas ng gate, agad ko itong sinilip. Tama nga ako, may dumating nga na kulay itim na sasakyan. Hindi ko alam kung anong klase ng sasakyan iyon pero hitsura pa lang ay mukhang mamahalin sa sobrang kinang.

Tumingin muna ako sa salamin bago ko hinila ang maleta ko palabas ng kwarto ko.

Naabutan ko ang ilang babae na kasamahan ko dito sa apartment na tila mo ay mga kinikilig. Pawang nakatingin ang mga ito sa labas.

Ano kayang meron at kala mo'y may artista na pinagkakaguluhan.

Hindi ko makita kung ano ba ang tinitingnan nila dahil halos natakluban na nila ang pintuan.

"Ayy grabeh ang gwapo nya..

"Sino kaya ang pinuntahan nya dito? Ang swerte naman..

My Boss Is A Beast Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon