Dedicated to esterganza
a user
*****Yvo's Pov
Stupid! Grrr! Kanina pa ako nakauwi dito sa bahay matapos kong ibigay ang plastik na naiwan nya sa kotse ko. Kung tinawag nya ako sa pangalan ng kapatid ko ibig sabihin alam din nito kung saan sya nakatira. So talaga palang sineryoso ni Chris ang gusto nya. Tutal kapatid ko sya kilala ko ang pagkatao nya. Ginagawa nya lang laruan ang lahat ng babaeng nakikilala nito. Never pa syang pumasok sa seryosong relasyon.
Nakaharap lang ako dito sa laptop ko habang pinagaaralan ang ilang documents na kailangan ng kompanya. Ganito na talaga ang buhay ko bahay,trabaho. Trabaho,bahay. Minsan lamang ako sumama sa lakad ng mga kaibigan ko pag naisipan ko lamang. Tulad ngayon niyaya ako nina Tofi na tumambay sa bar na pagmamayari nya pero hindi ko alam kung pupunta ba ako baka mamaya matulad na naman nung huling beses na may mga babaeng dinadala para sa akin. Inabala ko na lamang ang sarili ko sa ginagawa ko. Nasa kalagitnaan na ako ng binabasa ko ng makatanggap ako ng tawag mula kay Gelo, isa sa mga kaibigan ko. Ang pagkakaibigan na nabuo simula highschool pa lamang kami.
Oh napatawag ka? Bungad na wika ko dito.
Dinig na dinig ko ang boses ng mga kasama nito na may mga boses babae din siguradong kasama.
Ano tol asan ka na? Nandito na kaming lahat ikaw na lamang yung wala aniya.
Busy ako,next time na lang ako tol.
Tol ano ka ba? Minsan na nga lamang mabuo ang tropa pakaKJ ka pa humahagalpak na wika nito na sinabayan pa ng tawa ng mga kasama nito. Gago talaga itong si Gelo siguradong nakaloudspeaker ang telepono nito.
"Cheeseee pumunta ka na dito sigaw ni Ken. Dahil sya lang naman ang gagong tumatawag ng Cheesee sa akin. Ewan ko ba sa gagong yon kung saan nakuha ang tawag na yon.
"Oo nga naman tol, naghihintay na dito yung chicks mo wika naman ni Frank na sinabayan ng sabay sabay na tawanan. Hindi ko alam kung maiinis ba ako o matatawa sa mga ito. Sana'y na naman ako sa mga gagong ito pero yung magsama sila ng mga babae na hindi naman nila girlfriend o asawa ay hindi magandang ideya sa akin.
Tol, galing talaga ng diskarte ng kapatid mo. Napapaglamangan ka ni Chris wika pa ni Tofi.
Hindi na naman bago sa pandinig ko ang bagay na yun pero bakit sa pagkakataong ito ay iba yung pakiramdam ko.
Para naman kayong babago kay Chris eh alam nyo naman na pag dating sa babae hindi yan nagpapahuli sagot ko na lamang dito.
Tol napagkamalan ko pa ngang si Diana yung kasama nya ngayon. Sa maniwala ka at sa hindi kamukhang kamukha nya seryosong wika ni Gelo.
Agad na pumasok sa isip ko si Ysabelle. Hindi kaya si Ysabelle ang babaemg sinasabi ng mga ito. Ibig sabihin pala may lakad sila at kaya nya ako pinagkamalan na si Chris ay dahil alam nya na darating ito.
Hintayin nyo na lang ako, susunod ako wika ko sabay putol ng tawag dito. Agad ko namang isinara ang laptop ko at mabilis na nagpalit ng damit ko.
Mabilis kong pinaharurot ang kotse ko na patungo sa resto bar na pagaari ni Tofi ang Buggies. Tatlong palapag ang gusaling iyon. Restaurant sa baba at bar sa ikalawang palapag. At ang ikatlong palapag ay ang VIP Lounge kung saan mula dito at matatanaw mo ang una at ikalawang palapag at duon kami tumatambay kapag nandito. Isa pa nandun din ang opisina nito. Hindi ito basta basta resto bar lamang dahil isa ito sa mga dinadayong bar dito sa maynila.
Agad kong ipinarada ang sasakyan ko sa gilid nito kung saan nakaparada din ang sasakyan naming magkakaibigan. Mabilis akong naglakad papasok at agad na dumiretso sa ikatlong palapag. Hindi ako nagaksaya ng oras na tingnan anv mga tao na nasa second floor dahil sa dami naman nila ay wala din naman akong kilala sa mga ito.
BINABASA MO ANG
My Boss Is A Beast
General FictionThis story rank #15 on General Fiction (05-15-17) Mayaman,gwapo, malupit at mula sa kilalang pamilya ganyan maiilarawan ang isang CHACE YVO SABALIERO. Ang lalaking handang ibigay ang lahat para lamang sa babaeng kanyang mahal. Subalit sa huli sila a...