Rank #32 na po tayo 😀😀
*****
Yvo's PovHindi ko alam kung tama ba ang ginawa ko, alam kong wala akong karapatan o hindi dapat ako umakto ng ganun but seeing her happy with another guy makes me feel so bad. I'm selfish. What's mine,was mine. I don't share.
Nailayo ko na ang atensyon nya sa kapatid ko pero hindi ko inaasahan pagdating dito ay may magiging kahati pa din ako sa atensyon nya.
Bakit ba kasi ang bait bait nya kahit kanino? Hindi ba pwedeng magpakasuplada sya kahit minsn man lang.
Sa ibang tao nagagawa nyang maging masaya kapag kausap lamang sila,pero bakit pagdating sakin ibang iba sya? Dahil ba iniisip nya boss nya ako? But, everything change.
Ngayon alam ko na sa sarili ko na hindi lang awa ang nararamdaman ko para sa kanya. I think,I start to fall in love with her,her innocent face and her damn gorgeous body. Lalaki ako at marunong akong magpahalaga sa magagandang tanawin.Lol
Pero paano ko sisimulan na kunin ang loob nya? Saan ko kailangan magsimula? Isa lang ang naiisip kong paraan at alam kong yun lang ang makakatulong sa akin.
"Are you hungry?," malumanay na tanong ko dito kasalukuyan pa din kasi kaming nasa kotse pabalik ng hotel kung saan kami nakachek-in.
Simula kanina pagsakay nya ay sa labas lamang ito nakatingin at tanging paghinga lamang namin ang maririnig mula sa loob. Marahil ay natakot ito dahil sa inasal ko kanina sa kanya. Hindi ko lang talaga napigilan ang sarili ko.
"Hindi po Sir," tugon naman nito.
Hindi ko alam kung tama ba tong gagawin ko, pero nakaramdam ako ng guilty dahil sa nangyari.
"I.......I'm sorry,"
Bahagya pa ako nitong nilingon at ng tingnan ko sya ay agad din itong nagiwas ng tingin.
"I'm sorry," ulit kong muli dito. Ngunit nanatili lamang itong nakatingin sa labas.
"Wala po yun Sir, tama naman po kayo. Kayo po ang Boss ko kaya marapat lamang na sundin ko bawat sabihin nyo," seryosong sagot nito na hindi man lang tumitingin sa akin.
Ganon ba ako kasama sa kanya para hindi man lang tapunan ng pansin?
"Thank you," yan lamang ang tanging naisagot ko dito dahil hindi ko maisip kung ito ba ang tamang oras o lugar para sabihin sa kanya kung ano man ang nais kong sabihin.
"Gusto mo bang mamasyal na lang muna?,"
Sa wakas ay nilingon nya ako at mukhang nagulat pa sa aking sinabi. At ang mga mata nito na kanina ay walang emosyon ay napalitan ng kakaibang kinang.
"Hindi na po ba kayo galit?," aniya.
Bahagya pa akong napangiti sa sinabi nito. Inisip nya pala talaga na galit ako sa kanya. Sabagay, kahit sino yata ang lumagay sa kalagayan nya ay iyon ang iisipin sa akin.
"No,"
"Tell me where you want to go," tanong ko muli sa kanya.
BINABASA MO ANG
My Boss Is A Beast
General FictionThis story rank #15 on General Fiction (05-15-17) Mayaman,gwapo, malupit at mula sa kilalang pamilya ganyan maiilarawan ang isang CHACE YVO SABALIERO. Ang lalaking handang ibigay ang lahat para lamang sa babaeng kanyang mahal. Subalit sa huli sila a...