Ps: Rank #49 na po ang ating mga bida. Salamat sa inyo mga Bes 😘
******
Ysay's Pov
Naging mabilis ang paglipas ng ilang araw. Katunayan nyan ay bukas na yung business trip namin ni Sir Yvo. Mula nung araw na isinabay nya ako ng lunch ay wala na din naman ibang kakaibang pangyayari pero may isang bagay ako na napapansin dito. Hindi na ito masyadong malakas magsalita, hindi na din masyadong magagalitin at masungit. Kaya nga kami ng mga kaopisina ko ay nagtataka sa kanya.
Kaya naman pala nya na maging ganito na lamang sana simula pa lamang ay ganito na agad ang ipinamalas nyang ugali baka naging kaclose ko pa sya tulad ni Chris.
And speaking of Chris, madalas kaming naguusap kaso niyong mga nakaraang araw ay hindi kami masyado nagkikita at tanging sa telepono na lamang din kami nakakapagusap. Tambak daw kasi ang trabaho nya.
Talagang napakasipag nilang magkapatid bagay na nakakahanga kaya hindi na nakakapagtaka kung bakit napakatayog ng negosyo nila.
Ilang oras na lamang ay malapit na naman ang uwian. Kailangan ko pang ihanda ang gamit ko dahil nilabahan ko pa kahapon yung mga ibang damit na dadalhin ko. Nakahanda na naman lahat at aayusin ko na lamang sa maleta ko mamaya.
At dahil nga ito ang first travel abroad ko ay kinailangan ko pa din bumilo ng maleta. Ang mahal pala o_0.
"Goodafternoon Hija,...
Agad naman akong napatayo ng bigla na lamang sumulpot si Maam Charice dito sa harapan ko.
Nagiging gawain ko na yata ang mag day dreaming.
"Hi Ma'am goodafternoon din po nakangiting bati ko naman dito na sinuklian din ng matamis na ngiti.
"May maipaglilingkod po ba ako sa inyo Ma'am? Magalang na tanong ko dito.
"Nothing Hija, gusto ko lamang sana bisitahin si CY.
Hangang ngayon ay natutuwa pa din ako sa twing maririnig ko ang pamamaraan ng pagtawag nito kay Kamahalan.
Ang sweet kasi.Lol
"Ahh ganon po ba?
"Oo hija, sige maiwan na kita nakangiting wika pa din nito at saka nawala sa harapan ko.
Saka pa lamang ako naupo ng tuluyan itong makapasok sa loob.
Ilang sandali pa nga ay nagring na ang telepono sa aking tabi.
Agad ko naman itong sinagot kahit may idea na ako kung sino at ano ang iuutos nito.
"Hello mahinang wika ko.
"Ysabelle 2 cups of coffee please.
Sabi na nga ba, so alam kong alam nyo na kung sino di ba?
And you heard it naman di ba? He said PLEASE.
Malayo sa nakagawian nya na paguutos sa akin. Kaya kahit papaano ay komportable na ako sa kanya. Ganito yata ang epekto ng nahahalikan haha.
"Okay Sir.
At saka ako mabilis na nagtungo sa pantry pagkababa ko ng telepono.
Ilang minuto lamang ay patungo na ako ng opisina nito. At ng nasa may pinto na ako at handa ng kumatok ng marinig ko ang pangalan ko sa pinaguusapan nila kaya naantala ang plano kong pagkatok.
"Bakit hindi mo isama si Ysabelle ng sa ganon ay may makatulong ka dun? Dinig kong tanong ni Ma'am Charice.
Saan isasama? Bakit pinaguusapan yata nila ako.
BINABASA MO ANG
My Boss Is A Beast
Fiksi UmumThis story rank #15 on General Fiction (05-15-17) Mayaman,gwapo, malupit at mula sa kilalang pamilya ganyan maiilarawan ang isang CHACE YVO SABALIERO. Ang lalaking handang ibigay ang lahat para lamang sa babaeng kanyang mahal. Subalit sa huli sila a...