Dedicated to japzyyy07
*****
Ysay's Pov
Alas 9 na ng umaga ng magising ako kinabukasan matapos ang naging gimik namin kagabi. Dahil nga sa medyo nalasing sina Jobelle at Marichu ay si Chris na ang nagboluntaryo na ihatid ang mga ito sa mga bahay nila. As in ako yung nahiya sa mga nangyari. Isipin nyo naman boss namin sya tapos ang kinalabasan naging driver namin sya kagabi. Una naming inihatid si Marichu bago si Jobelle. At ako, ako yung kahuli hulihan nyang inihatid. Buong byahe pauwe ng bahay ko ay walang salitang lumabas sa bibig ko hindi dahil sa nahihihya ako dito kundi,hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong sabihin sa kanya. Isa pa, tungkol dun sa sinabi nya na gusto nya ako hindi ko talaga alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman. Di ba dapat masaya ako kasi gusto nya ako at yung tipo ni Chris ang lalaking pinapangarap ng kababaihan. Mayaman,gwapo,mabait at may sense kausap. Sya ang the best example ng dreamboy ko. Ooops teka! Dreamboy ko? Haiiist Ysay ang aga aga nangangarap na naman yata ako. Mahirap lang naman ako tapos mayaman sya. Sa mundong ito walang lugar ang tulad namin baka naman gusto lang nya ako in other way baka natutuwa lang sya kasi sabi nga nya "You're Funny" baka iba lang yung pagkakaintindi ko. Mabuti pa makabangon na nga at makapagluto na lamang ng almusal. Isa pa,balak kong dumalaw ngayon kina Mother Emi matagal tagal na din kasi nung huli ko silang napasyalan duon tamang tama na may pera ako bibilhan ko sya ng paborito nyang pizza ^_^. Kinuha ko ang celphone ko upang ichek ang facebook account ko.
*6 messages received
Himala yata may nakaalalang magtetx sa akin. Bukod kasi sa globe na palaging nagpapadala ng messages sa akin kapag tapos na yung subscription ko sa kanila wala ng ibang nagtetext sa akin. Agad ko naman itong inopen dahil baka ang globe lang naman ito. Hirap ng single nuh? Wala man lang kabatian ng goodmorning HAHAHA...
Sir Chris (3)
Jobelle
Marichu (2)Aba kapag maganda nga naman ang umaga oh. Talagang silang tatlo ang nagtext ha. Namiss ba nila ako eh magkakasama lang naman kami kagabi hehehe joke lang. Agad ko namang binasa ang text ni Jobelle.
From Jobelle
Goodmorning Ysabelle, lasing lang ako kagabi pero hindi ako nanaginip di ba? Inihatid ba talaga kami ni Sir Chris? Textback asapAba ibang klase din itong babae na ito hah, may sakit sa limot. Nireplyan ko din naman ito.
To Jobelle
Kagigising ko lang, OPO as in capital O.P.O .. OPO inihatid nya tayo kagabi =)Sinunod ko namang binasa ang text ni Marichu.
From Marichu
Myghad Ysabelle hulog ka ng langit. Am I dreaming? Waah kinikilig talaga ako.From Marichu
Kung ganito ang mangyayari aba dadalasan natin ang gimik natin para lagi natin makasama ang aking Prinsipe HAHAHA ..Habang binabasa ko ang mga sinabi nito ay napapatawa na lamang ako magisa. Ang lakas talaga ng tama nito kay Chris. Hindi ko naman nga sya masisisi kasi naman nga kahangahanga talaga ito.
To Marichu
Oy grabeh ha, ginawa na nga nating syang driver at service kagabi dahil mga lasing kayo tapos gusto mo pa dalasan natin. Nakakahiya kaya :DAt heto nga babasahin ko na ang messages ni Chris. Napahinga muna ako bago ko ito tuluyang iopen at basahin.
From Sir Chris
Goodmorning. Have a great day.From Sir Chris
Hi Ysabelle. About what I've said last night I'm serious. I like you. I really like you.From Sir Chris
Are you mad?
BINABASA MO ANG
My Boss Is A Beast
Aktuelle LiteraturThis story rank #15 on General Fiction (05-15-17) Mayaman,gwapo, malupit at mula sa kilalang pamilya ganyan maiilarawan ang isang CHACE YVO SABALIERO. Ang lalaking handang ibigay ang lahat para lamang sa babaeng kanyang mahal. Subalit sa huli sila a...