Chapter 6

5.4K 183 38
                                    

Dedicated to SamanaCialbo

*****

Ysay's Pov

Hanggang ngayon ay hindi pa din ako makapaniwala, akalain nyo yun si Kamahalan na saksakan ng sungit at palaging galit nagawa akong ihatid dito sa tintirahan ko. Dapat yata akong magpasalamat sa lahat ng taxi at jeep driver kanina dahil ni isa ay walang nagsakay sa akin kaya sa huli si Kamahalan ang naging shining in armor ko haha! Infairness my good side din naman pala sya. Pagkadating ko sa kwarto ko ay agad ko din namang iniayos ang lahat ng pinamili ko. Dinamihan ko na talaga ang lahat ng stocks ko para hindi na din ako mahustle sa pang araw araw na kailangan ko lalo na sa pagluluto ko ng pagkain at baon ko for lunch. Kahit naman malaki ang sweldo ko ay nagtitipid pa din ako kaya minsan lang ako maglunch sa labas kasi naman ang mahal mahal ng pagkain nila kaya mas pinipili ko na magbaon na lang tipid na alam kong malinis pa.

Naisaayos ko na ang lahat ng pinamili ko ng bigla ko na lang maalala na nawawala yung isang plastik ng pinamili ko kung saan nakalagay duon ang lahat ng personal hygiene ko kasama ang waaaah! Nakakahiya. No! No! Inhale,exhale. Ilang buntong hininga ang ginawa ko pero sure naman ako na dala ko yun kanina. Naiwan ko sa kotse ni Kamahalan kasi naman nagmamadali akong bumaba kanina kasi buong byahe akong nahihiya dito. Para kaming nasa isang pelikula lang di ba?Napasabunot na lamang ako sa buhok ko sa isiping iyon. Nakakahiya pa naman kay Kamahalan lalo na kung makikita nya ang laman nito. Ano na lamang ang mukhang ihaharap ko dito pagpasok ko sa opisina. Baka sa halip na Ysabelle ang itawag nya sakin ay bigyan nya ako ng bansag na "Whisper with Wings". Hay nako Ysay kumalma ka nga. Normal lang naman yun anong nakakahiya dun diba? Mukha na akong tanga kakausap sa sarili ko.

Natigil lamang ako sa iniisip ko ng marinig ko na tumutunog ang celphone ko kaya agad ko naman itong kinuha sa bag ko.

Calling  +639059248***

Hala sino ito? Hindi kaya si Marcihu 'to o kaya naman ay si Jobelle? Pero may mga number naman sila sakin. So sino ito? Hindi pa naman ako mahilig sumagot sa mga unknown numbers kasi baka mamaya mga modus lamang to. Kaya sa halip na sagutin ko ito ay hinayaan ko na lamang ito. Mamaya naman titigil na din ito.

Napatingin ako sa orasan na nakasabit sa dingding ng kwarto ko. Lagot na lampas alas 7 na pala may usapan nga pala kami ngayong alas otso. Ni hindi pa ako nakakapagluto ng hapunan ko. Kakain pa ba ako o dun na lang ako kakain sa pupuntahan namin tutal resto bar naman yun kaya siguradong may pagkain dun. Siguro duon na nga lang.

Pumasok na ako ng banyo at naligo. Mas mabuti na mas maging maaga ako kesa naman malate ako isa pa hindi ko alam uyung Buggies na yun tatanong ko na lamang sa taxi driver mamaya. Makalipas lamang ang ilang minuto ay natapos na ako. Dumiretso ako sa kabinet ko at sinimulang maghanap ng tamang maisusuot para sa lugar na iyon. Ano nga ba ang kalimitang suot ng mga nagpupunta sa bar? Jean ba? Skirt? Dress? Haiist! Mas mabuti pang tawagan ko si Marichu para naman magkaideya ako mamaya hindi pala tugma sa lugar na yun ang isusuot ko eh di nagmukha naman akong kahiya hiya.

*3 missed calls from  +639059248***
*5 text messages recieved  +639059248***

From  +639059248***
   Hi Ysabelle. It's me Chris 😁

From  +639059248***
  Are you busy?

From  +639059248***
Are you okay?

My Boss Is A Beast Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon