Yvo's Pov
Nasa kalahati na ako sa mga papeles na kailangan kong pirmahan ngayon ng bigla na lamang akong makatanggap ng tawag mula kay Mama. Sinabi lamang nito na nandito na daw ang bagong sekretarya na hinired nya para sa akin. Kung mapapansin nyo si Mama ang kumukuha ng mga sekretarya ko wala kasi akong panahon para sa bagay na ito at isa pa... Ah wala. Never mind.
Habang binbasa ko ang ilan sa mga email ko sa laptop ay bigla ko na lamang nakita ang isang babae na nakatayong nanalamin sa labas ng opisina ko. Full tinted glass kasi itong opisina ko kaya mula sa kinauupuan ko ay kitang kita ko ang nasa labas.Tsk!Hindi ba sya aware sa ginagawa nya? Mukha syang tanga at dito pa talaga nya nakuhang magretouch.
At kung hindi ako nagkakamali ay ito na ang sekretarya na sinasabi ni Mama. Ito din yung babae na nakaharang sa dadaanan ko nung isang araw ah? Yung babaeng mukhang tanga na hindi maintindihan kung saan ipapaling ang ulo sa pagtingin.
Ohh Ma! Sa dinami dami naman siguro ng aplikante bakit ito pa ang napili nya. Sana lang ay hindi talaga ito katulad ng mga napipili mo.
Makalipas ang ilang segundong pananatili nya sa labas ay nakita ko na din itong naglakad patungo sa pintuan ng opisina ko.
*tok tok
"COME IN wika ko habang nakaharap pa din sa laptop ko.
" Goodmorning Sir, I'm Maria Ysabelle De Guzman your new secretary aniya.
"No need to introduce yourself because before you enter in my office I already know you wika ko dito na hindi ko man lang tinitingnan.
"Sorry Sir aniya.
" What are you waiting for? Wika ko dito ng makita ko itong nakatayo pa din sa harapan ko. Kitang kita sa mukha nito ang pagkagulat. "Now get out and do your job.
At dali dali naman itong lumabas. Agad ko naman dinampot ang teleponong nasa tabi ko at tinawagan ang isang tao na magtuturo dito ng mga dapat at hindi dapat gawin sa loob ng opisina ko.
*****
Ysay's Pov
Hindi ako makapaniwala na ang boss ko pala ay yung lalaking iyon sayang napakagwapo nya pero napakasama din ng ugali. At mas lalo akong hindi makapaniwala sa ugaling ipinamalas nya sa akin ngayong unang araw ko dito. Kung anong bait ni Ma'am Charice ay kabaligtaran naman pala nito ang ugali ng anak nya. Anak nya ba talaga yun? Hindi na ako nagtataka kung bakit walang makatagal na sekretarya sa kanya.
At ngayon ngang kalalabas ko lamang sa opisina nya ay hindi ko alam kung anu ang gagawin. Saan ka ba naman nakakita ng ganung boss? Papalabasin at sasabihin na gawin ang trabaho na hindi man lang sinsabi kung saan ba ang pwesto ko dito. Kung bumalik kaya muna ako kay Ma'am Charice? Tanong ko sa isip ko.
At bago pa ako makahakbang patungo sa elevator ay may isang lalaki na kitang kong papalapit sa kinatatayuan ko ngayon at alam kong sa akin sya nakatingin.
"Hi, Miss De Guzman? Patanong na wika nito ng makalapit ito.
"Ako nga po.
"Okay, sumunod ka sa akin utos nito at sumunod naman ako dito.
" Simula ngayon ito ang magiging table mo wika nito ng makarating kami sa isang bakanteng lamesa. Kung mapapansin mo Miss De Guzman..
"Ysabelle na lamang po Sir, wika ko.
"Okay Ysabelle. Kung mapapansin mo ay may kalayuan ka sa ibang empleyado dito kasi ganito talaga ang gusto ni Sir aniya.
"Nakasave na din dyan sa computer ang lahat ng tungkol sa kompanya at pati na din ang lahat ng rules and regulations dito. Basahin mo na lamang para malaman mo dagdag pa nito. By the way I'm Zac.
BINABASA MO ANG
My Boss Is A Beast
Aktuelle LiteraturThis story rank #15 on General Fiction (05-15-17) Mayaman,gwapo, malupit at mula sa kilalang pamilya ganyan maiilarawan ang isang CHACE YVO SABALIERO. Ang lalaking handang ibigay ang lahat para lamang sa babaeng kanyang mahal. Subalit sa huli sila a...