*unedited
*****
Ysay's Pov
"S....si...sir,"
Agad akong napatalikod at naitakip ang aking mga palad sa aking mata ng tumambad sa akin ang nakahubad nitong katawan at tanging short lamang ang suot nitong pambaba.
Kitang kita ko pa ang pagtulo ng ilang patak ng tubig sa kanyang balikat mula sa kanyang buhok. Bigla tuloy akong nakaramdam ng hiya dito lalo na at napukaw ng aking mata ang napakagandang hugis ng kanyang katawan na tila mo ay inukit ng pinakamagaling na manguukit sa mundo.
Yung 6 pack abs nya mga Bes, parang pandesal. Lol
Hindi ko inaasahan na may ganito pala na tanawin na nakatago sa ilalim ng damit nito.
"Pasok ka muna Ysabelle,"wika nito na tila mo ba ay normal na sa kanya ang ganito.
Yung ganito na ipinapakita nya ang katawan nya sa mga babae. Sabagy lalaki naman sila di ba? Proud pa sila sa ganito pero kapag babae ang amg ganito for sure nasa headline ka na ng dyaryo bukas.
At kung para sa kanya ay normal ito pwes sakin hindi. Hinding hindi. Nagkakasala ang mga mata ko.
"Aahh..ehhh..ano kasi Sir Yvo.. Pwede po ba magdamit muna kayo?," Nakatalikod na wika ko dito.
At wala naman akong narinig na kahit na anong sagot mula dito.
"Sir Yvo?," tawag kong muli dito ngunit wala pa din itong sagot.
Hala,anung nangyari dun? Nasa likodan ko pa din ba sya?
Inhale...
Exhale..
1....
2....
3...
Sabay pihit paharap sa pintuan nitong hanggang ngayon ay nakabukas pa din.
"Okay now?,"
Halos mawalan ako ng balanse sa kinatatayuan ko ng bigla na lamang ito magsalita. Nakadamit na ito ngayon ng kulay puting V-neck tshirt na lalong nagpakita ng hubog ng kanyang mga pandesal. Waaaaah!
Pigilan nyo ang mga mata ko. Magkakasore eyes pa yata ako nito. Grrrr.
Pakiramdam ko ay nanuyo ang aking lalamunan sa tanawing iyon. Bigla tuloy ako nakaramdam ng pagiinit ng aking mukha.
"Hey, are you sick?," biglang tanong pa nito kaya agad akong napatingin dito na may pagtataka sa sinabi nya. Mukha ba akong may sakit?
"Hah? Hindi po Kama...,Sir Yvo...," mabilis na sagot ko dito..
"Kama???," kunot noo na tanong naman nito at tumingin pa ng may pagtataka sa mga mata.
"Ah Sir ano kasi.. Ibig ko po sabihin gusto ko kumain ng...", isip Ysay! Bakit ba kasi muntik ko na syang tawagin na ganun. "Gusto kong kumain ng pandesal, ay este ng Kamatis pala,",
"Pandesal??? Kamatis??? nagtatakang tanong pa nito.
"Opo Sir Yvo, kamatis po. Tama kamatis..
"Ahh.. Akala ko kung anong kama ang sinasabi mo," pabirong wika naman nito kaya nakaramdam naman ako mas matinding hiya dito.
"Pasok ka na muna," anyaya muli nito kaya agad naman akong sumunod.
Nakakahiya din naman kasi na sa labas kami naguusap noh? Baka mamaya ay pinapanuod na kami sa cctv dito.
Halos wala naman pala pinagiba yung kwarto nya sa kwarto ko. Halos lahat ay pareho simula sa kulay ng pintura sa loob at mga kagamitan ay pareho lamang. May maliit na sofa din at malaking tv.
BINABASA MO ANG
My Boss Is A Beast
Ficción GeneralThis story rank #15 on General Fiction (05-15-17) Mayaman,gwapo, malupit at mula sa kilalang pamilya ganyan maiilarawan ang isang CHACE YVO SABALIERO. Ang lalaking handang ibigay ang lahat para lamang sa babaeng kanyang mahal. Subalit sa huli sila a...