Ysay's Pov
Sampung minuto bago ang alas-otso ng makarating ako sa kompanya. Simula kagabi hanggang kanina pag gising ko ay hindi na mawala sa isip ko ang nagyari kagabi.
At ngayon ngang nakasakay ako sa elevator patungo sa opisina ay hindi ako mapakali. Halo halong emosyon ang nararamdam ko. Ganito ba talaga kapag nahalikan? Parang aligaga ka palagi at the worst thing is Boss mo pa ang humalik sayo parang sa pelikula lamang nina Sarah at Jhon Loyd di ba?
Pagkalabas na pagkalabas ko ng elevator ay agad akong naglakad patungo sa pwesto na agad naman akong hinarang nitong sina Jobelle at Marichu.
Goodmorning Ysabelle masayang masayang bati ng dalawa.
Anong meron sa dalawang ito? Parang may kakaiba sa mga ngiti ng mga ito ngayon.
Magandang umaga din sa inyong dalawa simpleng sagot ko sa mga ito.
Ysabelle ang aga aga wala kang kaenergy energy. Nagalamusal ka ba? Natatawang wika ni Jobelle.
Mauna na ako sa inyo hah baka kasi dumating na si sir Yvo maabutan na naman tayo wika ko.
Alam mo Ysabelle iba ka talaga. Ang haba haba ng hair mo wika ni Marichu.
Talaga? Magpagupit na ba ako? At sa pagkakataon na yun ay bigla na lamang din akong natawa sa sinabi ko.
Omg..
Shiiiiit! Halos pabulong na wika ng mga ito at parehong nakatingin ng diretso sa likuran ko habang ang mga nguso ng mga ito ay tila mo ay suso kung maitulis paturo sa likuran ko.
Agad ko namang nakuha ang ibig sabihin ng mga ito kaya napapihit ako paharap sa likuran ko.
Ganun na lamang din ako namangha ng makita ang taong nasa likuran ko. Agaw atensyon na naman kami ngayon lalo pa at nandito lahat ang kaopisina ko.
Goodmorning, para sayo Ysabelle nakangiting bati ni Chris sabay abot ng isang kumpon ng mga pulang bulaklak.
Goodmorning po Sir Chris sabay na bati ng dalawang kasama ko.
Goodmorning din sa inyong dalawa aniya.
Napakabango at napakagwapo talaga nito sa suot nyang itim na suit na may kulay asul na tie.
Sige Ysabelle alis na kami pabulong na wika ng dalawa at saka kami tuluyang iniwan na nakatayo pa din dito sa gitna ng daan.
Goodmorning din Sir Chris ganting bati ko dito na ginantihan ko din ng isang tipid na ngiti. Mas lalo akong nabalisa dahil anu mang oras ay maaring dumating si Kamahalan at maabutan kami sa ganitong eksena. Kitang kita ko pa ang mga mata na tila mo ay nagtatanong ng aking mga kaopisina. Hindi ko tuloy malaman kung tatanggapin ko ba ang bulaklak na hawak nito.
For you ulit nito.
Salamat po Sir Chris ng tanggapin ko ito. Pero para saan ito? Hindi naman ako tanga para hindi makuha ang ibig sabihin nito pero ayoko namang pangunahan ang sinasabi ng isip ko. Hindi din naman ito ang unang pagkakataon na nakatanggap ako ng bulaklak.
Kailan ba dapat may dahilan kapag magbibigay ng bulaklak? Hindi ba pwedeng dahil gusto kitang bigyan kampanteng sagot nito.
Ganun po ba, salamat sa mga ito.
Walang anuman. Masanay ka na dahil araw araw kitang bibigyan ng mga yan nakangiting wika pa nito.
Hindi naman ako nakapagsalita sa sinabi nito dahil baka nagbibiro lamang ito.
BINABASA MO ANG
My Boss Is A Beast
Narrativa generaleThis story rank #15 on General Fiction (05-15-17) Mayaman,gwapo, malupit at mula sa kilalang pamilya ganyan maiilarawan ang isang CHACE YVO SABALIERO. Ang lalaking handang ibigay ang lahat para lamang sa babaeng kanyang mahal. Subalit sa huli sila a...