-unedited
-pofollow na din po******
Ysay's Pov
Tatlong araw na ang nakakalipas pero walang Kamahalan ang nagpakita sa buong kumpanya. Hindi na ito bago sa mga empleyadong matatagal na dito pero sa katulad kong baguhan ay nakakapagtaka na walang Sir Yvo akong pinaglilingkuran. Masasabi ko na masarap din sa pakiramdam kapag wala sya dito sa opisina. Una, nagagawang makapagdaldalan ng mga empleyado dito. Pangalawa, bawas stress sa aming lahat at ikatlo, ang sarap ng buhay ko haha. Puro appointment lamang ang tinatanggap ko at pailan-ilang tranfers documents ang inaatupag ko. At kung si Chris naman ang itatanung nyo ayun simula ng araw na samahan nya ako papunta sa simbahan ay araw araw na nya akong inooferan na ihatid sa bahay pero lahat yun ay hindi ko tinatanggap. Nagsisimula na din kasi na maging usap usapan kami dito sa kumpanya. At isa yun sa bagay na iniiwasan ko ang madawit ang pangalan ko sa mga big boss dito. Hawak hawak ko lamang ang ballpen ko at isang maliit na papel dahil gumagawa ako ng ilang notes na kailangan ko para bukas. Bigla ko na lamang naisip si Sir Yvo. Nasaan kaya sya ano? Siguro business related yun. Hindi ko naman magawang magtanong sa kapatid nito at lalo naman kay Mam Claire na syang nagmomonitor sa amin. Basta ang sinabi lang nito ay may mahalaga itong pinuntahan at hindi nya din masabi kung kailan babalik. Nakakapagtaka noh? Ay nagiging chismosa na yata ako.
Eeeeeehmmm...
Halos mabitawan ko ang ballpen na hawak ko ng marinig ko ang tinig mula sa aking likuran. Agad akong napatingin dito at mabilis na tumayo.
Goodmorning po Sir Chris mabilis na bati ko dito at kitang kita ang mapuputi at pantay pantay nitong mga ngipin dahil sa ganda ng pagkakangiti nito sa akin.
Hi Ysabelle, sorry nagulat yata kita.
Ahh... hindi naman po sir Chris okay lang nahihiyang wika ko dito. Bakit kasi ang gwapo nya OMG! pasimple kong tiningnan ang mga katrabaho ko at tulad ng iniisip ko ay nakatingin sila sa amin lalo na itong sina Marichu at Jobelle na ngingisi ngisi pa sa akin.
May kailangan po ba kayo Sir Chris? Tanong ko pa dito at pasimple pa itong nagiisip ng sasabihin habang tinatapik ang kamay nya.
Baka naman pwede tayong maglunch mamaya?mahinang tanong nito na wari mo'y nahihiya pa.
Hindi ko alam kung ano bang isasagot ko. Puro na lamang kasi pag tanggi ang sinasabi ko dito. Simula kasi nung sabihin nya na gusto nya ako bigla akong nakaramdam ng pagkailang dito.
Please, kahit ngayon lang Ysabelle.
Ang kaninang masaya nitong mukha ay napalitan ng lungkot. Parang may bigla namang humaplos sa puso ko at nakaramdam ng kakaiba sa pagkakataon na ito.
Sige Sir Chris sabihin mo na lamang kung saan at kung pwede dun na lamang po tayo magkita mahina kong wika dito.
But why? Pwede naman na magsabay na tayo di ba? Nagtatakang tanong pa nito.
Kasi ano eh.. ano kasi.. hindi ko maituloy ang sasabihin ko kasi nga hindi ko alam kung paano ko ba sasabihin sa kanya na ayoko na maging usapan kami ng mga tao dito.
Kung ang iniisip mo ay ang sasabihin ng iba wag kang magalala ako ng bahala dun. Nababasa nya ba ang laman ng isip ko paano nyang nahulaan na yun talaga ang gusto kong sabihin.
Pero Sir Chris ayoko lang po kasi na alam nyo na ayoko po na maging topic ng mga tao dito.
Hindi yan mangyayari sinisiguro ko sayo, dahil kapag may narinig ako na pinaguusapan ka kayang kaya ko silang tanggalin sa trabaho nila seryosong wika nito. Bigla naman akong nakaramdam ng takot sa sinabi nito. Ang seryoso nya masyado.
BINABASA MO ANG
My Boss Is A Beast
General FictionThis story rank #15 on General Fiction (05-15-17) Mayaman,gwapo, malupit at mula sa kilalang pamilya ganyan maiilarawan ang isang CHACE YVO SABALIERO. Ang lalaking handang ibigay ang lahat para lamang sa babaeng kanyang mahal. Subalit sa huli sila a...