Chapter 16

4.6K 168 58
                                    

This story rank #33 in General Fiction .. Thankyou mga Bes 😀

*****
Ysay's Pov

Hindi ko na alam kung anong oras ako dinalaw ng antok kagabi. Matapos kasi ang mga nangyari kagabi nagiba yung pagkakakilala ko kay Kamahal. May good side din pala talaga sya at kitang kita naman sa mga effort nya kagbi. Teka, effort nga bang matatawag yun o nakonsensya lamang sya sa nangyari dahil kung hindi naman dahil sa tempura na yun hindi aatake ang allergy ko. Pero hindi ko naman sya sinisisi sa nangyari sakin kasalanan ko din naman, kasi alam kong bawal tinikman ko pa din. Kaso kung ano daw yung bawal yung ang masarap di ba? Hahaha joke lang baka iba yung sumagi sa isip nyo.

Parng dapat pa nga ako magpasalamat sa nangyari dahil kung hindi,hindi ko siguro mararanasan na ako yung pagsilbihan nya sa halip na ako ang magsilbi sa kanya haha. Gandang simula ang experience ko dito sa Japan aah puro kapalpakan ang naranasan ko.

Alas 7 pa lang ng umaga ay nakahanda na ako,kasi sabi ni Kamahalan kahapon may maaga daw kaming meeting ngayon which is I don't have any idea if where and what's the exact time kasi hindi naman nagbigay ng complete info.

Nakarinig ako ng mahinang katok mula sa labas kaya naman nagmamadali akong tinungo iyon,dahil baka si Kamahalan na ang nasa labas. Ako pa talaga yung pupuntahan sa halip na ako yung pumunta sa kanya eh anu? Assuming na naman Ysay!

"Good morning Ma'am,this is your breakfast nakangiting wika ng isang hotel service crew na may tulak tulak na cart na may laman na pagkain. Mabuti naman at nagwika ito ng salitang ingles. Pero bakit nakaramdam ako ng pagkadismiya? Ayan kasi assuming eh!

"Thankyou," tipid na tugon ko at saka nito ipinasok sa loob ang dala nito.

Agad din naman itong umalis na madala na ito sa loob.

Bubuksan ko na sana ang pagkain na natatakpan ng kulay silver na takip ng maagaw ng atensyon ko ang isang papel na nakalagay din sa tray.

Nung una akala ko resibo pero nung buklatin ko ay napanganga na lamang ako sa nabasa ko.

Ysabelle,
Good morning, hindi na kita inistorbo kanina dahil baka hindi pa okay ang pakiramdam mo but hopefully you're feeling better now. This is your breakfast, and it's safe.There's a black car outside the hotel waiting for you and he will take you in the venue. . Wear a proper dress code for the meeting. Don't wear sexy clothes.

Omg! Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa mga sandaling ito. Bigla akong nakaramdam ng parupru sa loob ng tiyan ko. Parang hindi na ako makakain sa galak, bakit ba kasi may mga ganito pa Sir Yvo. Kanina pa naman ako nakahanda tapos iiwan naman pala ako.

Hindi ko dapat binibigyan ng ibang kahulugan ang mga ganitong bagay,mahirap na. Agad ko naman sinimulan kainin ang pagkain na nasa aking harapan. Typical na almusal,parang nasa Pinas ako,nagseserve din pala sila ng ganito sa isip isip ko.

Nang matapos ako ay iniayos ko na muli ang sarili ko at nagpalit pa ako ng damit na suot. Nagsuot ako ng black slacks,at kulay puti na longsleeves na pinatungan ko pa ng itim din na cardigan. Takip na takip na ang balat ko nito siguro naman ay wala na syang masasabi pa.

Nang makalabas ako ng hotel ay naabutan ko nga ang isang itim na kotse na sinasabi nito. Hindi ko alam kung paanong alam ng driver na ako yung sasakay duon dahil ng malapit na ako ay sinalubong nya pa ako.

Hindi naman ito nagsalita at nginitian ko na lamang dahil baka mamaya ay hindi naman ito nakakapagsalita ng english eh di mabuti pa manahimik na lamang ako. Hindi ko na din naman nakuhang magtanong dito alam na naman nito ang lugar na pagdadalhan sa kanya kaya mas mabuti pa na sulitin ko ang magagandang tanawin sa labas.

My Boss Is A Beast Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon