Chapter 5

5.7K 188 34
                                    

This Chapter is dedicated to AnnabelleCasuco 😂😙

Ysay's Pov

Araw-araw ko naman ginagawa ang dalhan ng kape si Kamahalan sa loob ng opisina nya twing umaga na dumarating ito kahit hindi nito sinasabi. Pero kanina kabadong kabado ako sa ginawa ko lalo pa at nilagyan ko ito ng maliit na note. Hindi ko naman sinsadyang mapaidlip ng ilang minuto kanina habang nakikinig ng music ah. At tsaka may ilang minuto pa naman natitira bago ang time namin sa trabaho napaka nya talaga grrr. Ang saya saya ko pa naman kaninang umaga dahil swelduhan na ngayon tapos bigla akong masesermunan ng ganon kaaga haist! Never ko na talaga gagawin yun.

Nakakapanibago lamang ngayon huh akalain nyong matatapos na ang trabaho ko ngayong araw pero wala man lang akong natanggap na utos mula kay Kamahalan. As in wala. Walang dalhin mo to duon,icopy mo to, email mo to. Ifax etc. Isang malaking himala yata iyon di ba? Pero nakakaboring din pala kapag basa lang ng basa ng mga email. Yung nakasanayan mo ng kumikilos ang katawan mo tapos parang biglang mapapahinga. Masipag kasi ako lol.

Sinilip ko ang oras sa relong suot ko, at ilang minuto na lamang pala uwian na namin. Tutal wala naman akong ginagawa pasimple kong inilabas ang mga kakikayan ko mula sa bag ko. Hindi naman din ako makikita ni Kamahalan dito,kaya magreretouch na ako bago magtime. Agad kong sunuklay ang buhok ko at pasimpleng naglagay ng foundation sa buong mukha ko. Mabilisan ang naging kilos ko para matapos akong agad at ang huli ko ngang inilagay ay ang aking paboritong red lipstik. Anong flavor? Wet and Wild syempre.

Agad ko din namang inayos ang mga gamit ko pabalik ng bag ko at maaus na naupo. Sinimulan ko na ding ayusin ang mga gamit sa ibabaw ng desk ko.

Ilang sandali pa ay sumapit na nga ang alas singko,hudyat na uwian na. Agad akong tumayo at naglakad patungo sa opisina ni Kamahalan. Nakagawian ko na kasi na bago umuwi ay dumadaan muna ako sa opisina nito upang tanungin kung may ipaguutos pa ba ito o baka may kailangan.

Agad akong kumatok sa pintuan nito at agad ko din naman itong binuksan. Nakita ko pa itong nakatungo at abalang nagbabasa ng mga folder na nasa lamesa nito. Ibang klase talaga si Kamahalan napakaworkaholic. Magiisang buwan na ako dito pero never ko pa itong nakita na naunang umuwi sa mga empleyado nya. Madalas siguro itong nagoovertime sa isip isip ko. Hindi man lang ito nagabalang tumingin dito sa gawi ko.

"Sir Yvo may ipaguutos po ba kayo?

"No. Napakatipid na sagot nito.

"Ah sige po aalis na po ako wika ko dito sabay baling patalikod upang lumabas na ng opisina nito.

"Ysabelle..

Bigla akong napatigil sa paghakbang ng tawagin nito ang pangalan ko kaya agad naman akong humarap dito. At ngayon nga ay nakatunghay na ito at nakatingin ng diretso sa akin.

"Bakit po Sir?

"Ahh... Nothing.. You may go.

Agad naman akong lumabas ng opisina nito. Nakakaloko din itong si Kamahalan eh. Tatawagin ka tapos sasabihing NOTHING. Hay bahala nga sya basta ako magsasaya ngayon. Ng marating ko ang desk ko ay inilogout ko muna ang computer ko at saka ko kinuha ang bag ko at nagsimulang maglakad patungo sa elevator.

"Oy! Ysabelle! Tawag sakin ni Marichu ng madaanan ko ang pwesto ng mga ito at lumapit pa ito sa akin.

"Bakit Marichu?

"Ano kasi baka gusto mong sumama sa amin nina Jobelle sabay tingin ko sa mga ito na pawang nakatingin din sa amin alam mo na payday kaya konting gala para naman mawala ang stress natin tumatawang wika pa nito.

My Boss Is A Beast Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon