Ysay's Pov
Kanina pa ako dito pero hanggang ngayon ay hindi pa din nya ako pinag ubuksan ng pinto. Alam ko naman na gising pa ito dahil sabi nya sandali lang daw tapos ilang minuto na wala pa din.
Muli ay sinubukan ko itong katukin.
"Sir Yvo tawag ko dito habang kumakatok.
"Ahhh Ysabelle ano pala kailangan mo? Tanong nito mula sa loob.
"Ahh Sir ibibigay ko lang po sana itong bag nyo nagkamali po yata ng dala yung lalaki kanina sagot ko dito na may halong oagtataka.
Bakit hindi nito ako pinagbubuksan ng pinto samantalang sumasagot naman ito.
Ilang sandali pa ay bigla na lamang bumukas ang pinto ngunit hindi ito nakabukas ng maayos sa halip ay nakabukas lang ito ng bahagya at bigla na lamang lumitaw ang ulo nito.
"Pakilagay na lang dyan sa may pinto Ysabelle,salamat.
Bigla naman akong nagbaba ng tingin ng makita ko ang balikat nito na litaw ang balat, iisa lang ang ibig sabihin nun. Wala syang suot na damit at nakahubad sya. At mukhang bagong ligo din ito dahil sa humahalimuyak ang sabon na ginamit nito.
Ito siguro ang dahilan kung bakit hindi nya mabuksan ang pintuan. Agad ko naman iniiwas ang mga mata ko sa kanya dahil bigla ako nakaramdam ng pagkailang.
"Sige po Sir, dinala ko lamang po ito balik na po ako sa kwarto ko,"mahinang wika ko dito sapat na upang marinig nya.
"Prepare yourself at 8 'oclock , will go out for dinner,"kaswal na wika nito.
"Okay Sir," tugon ko
Agad na din naman akong pumasok sa kwarto ko at agarang naupo. Napahawak ako sa kaliwang bahagi ng dibdib ko..
"Dug dug dug,"
Parang lalabas ang puso ko sa bilis ng tibok nito, bakit ba nagiging ganito ako ngayon. Hindi yata maganda ang ideya na magkakasama kaming dalawa dahil baka pagbalik ko ng Pinas may taning na ang buhay ko.
Eksaktong alas 8 ng makarinig ako ng mahinang katok sa may pintuan mabuti na lamang at kanina pa ako handa paa anumang oras ay ready ako.
Isang napakaaliwalas na mukha nito ang agad na sumalubong sa akin. Agad naman akong sinukat ng mga mata nito mula ulo hanggang paa.
"You're showing too much skin in your dress wika nito.
Agad naman akong napatingin sa damit na suot ko. Sana'y naman sya na ganito ang mga sinusuot ko kahit sa opisina ah. Bakit ngayon pati ito pinupuna nya. Isang simpleng body con dress lamang naman ang suot ko na hanggang hita ang haba.
"Ahh Sir hindi po ba akma ang suot ko sa pupuntahan natin? Nahihiyang tanong ko dito.
"Tsk! Let's go masungit na wika nito.
"Sandali lang po magpapalit na lamang ako pigil ko dito dahil akmang tatalikod na ito.
"No need mabilis na wika nito. But for next time time don't wear that kind of clothes when you're not with me iyon lang at saka ako nito tinalikuran.
Laglag naman ang panga ko sa huling sinabi nito. Ano bang mga sinsabi nitong si Kamahalan? Conservative ang peg? Aba'y nagbawal pa dinaig pa ang may resposibilidad sa akin, siguro ay sinabi nya lang yun dahil kasama nya ako dito sa Japan at baka kung may anung mangyari skin.. Feeling concern kahit hindi naman. Kainis!
Naramdaman ko na naman ang abnormal na tibok ng puso ko.
Patakbo kong tinungo ang elevator ng makita kong pasakay na ito.
BINABASA MO ANG
My Boss Is A Beast
Ficción GeneralThis story rank #15 on General Fiction (05-15-17) Mayaman,gwapo, malupit at mula sa kilalang pamilya ganyan maiilarawan ang isang CHACE YVO SABALIERO. Ang lalaking handang ibigay ang lahat para lamang sa babaeng kanyang mahal. Subalit sa huli sila a...