Chapter 3

5.6K 201 21
                                    

Yvo's Pov

Ngayon ang dating ng ilan sa mga investors namin mula Japan. Kaya naman mas maaga akong gumising ngayin kumpara sa ordinaryong araw ko. Agad akong nagtungo sa banyo upang maligo.

Makaraan lamang ang ilang sandali ay natapos na din ako at nakapagsuot na ng damit ko. Agad din naman akong lumabas ng kwarto ko.

Pagkababa ko pa lamang ng hagdan ay nakita ko na si Mama na abalang naglalagay ng pagkain sa lamesa. Madami man kaming katulong ay mas gusto ni Mama na sya pa din ang personal na naghahanda ng agahan namin.

"Bonjour Ma sabay halik sa pisnge nito.

"Bonjour hijo nakangiting wika naman nito. Maupo ka na at ng makapagbreakfast na tayo.

"Amy pakitawag mo na ang Sir Chris mo utos nito sa isa sa mga katulong namin dito.

Si Chris ay ang bunso kong kapatid. At tulad ko sa kompanya din namin sya ngtratrabaho pero nasa ibang posisyon sya dahil yun ang utos ni Daddy.

"So anak anong masasabi mo sa bagong hired kong secretary sayo? Tanong ni Mama

"Ma, anong tanong ba yan? Walang ganang sagot ko.

" Aba may bago ka na palang sekretarya Kuya?

Biglang singit naman ni Chris mula sa likuran ko. Agad din naman itong naupo sa harap na upuan ko.

"Goodmorning Ma,Kuya nakangiting bati nito.

"Maganda ba ang sekretarya ni Kuya Ma? Nakangiting tanong pa nito kay Mama.

"Yan ka na naman Chris, puro babae na naman yata ang inaatupag mo baka mamaya nyan hindi mo na naman nagagawa ng maayos ang  trabaho mo pasermong wika ni Mama.

"Grabe naman Ma, nagtanong lang kung maganda yung bagong sekretarya ni Kuya ang dami mo na agad sinabi tumatawang wika nito at napatawa na din ako sa sagot nito.

"Kilala kita Chris anak, lahat ng naging sekretarya ng Kuya mo pinupuntahan mo.

" Si Mama talaga, kamot ulong wika oa ni Chris.

"Ma, una na ako sa inyo wika ko.

"Tapusin mo muna ang breakfat mo anak.

" Busog na ako Ma. Ngayon kasi ang dating ng mga investors from Japan. May kailangan pa akong kailangan ayusin sa opisina pagpapaalam ko sa mga ito.

" Teka kuya, maganda ba yung sekretarya mo? Sexy ba? Nakangising wika pa nito.

"Hindi tipid na sagot ko dito bago ako tuluyang tumayo.

"Aaaaah! Aniya

Agad ko namang tinungo ang pintuan palabas ng aming bahay at tinungo ang sasakyan ko at mabilis na pinaharurot ito.

" Goodmorning Sir Yvo bati ng security guard sa labas.

Dahil maaga pa naman ay mangilan ngilan pa lamang ang mga nakita kong empleyado. Agad na din naman akong sumakay ng elevator patungo sa aking opisina.

*****

Ysay's Pov

Agad akong napabalikwas ng banhon ng maramdaman ko na maliwanag na sa labas. Agad kong tiningnan ang oras sa cellphone ko na nakalagay sa ilalim ng aking unan. Waaaaaaaaah! 7:30 na pala.  Lagot ako nito baka malate ako sa trabaho. Nagalarm naman ako ng 6:30 kagabi pero bakit hindi ako nagising. Nagmamadali akong nagtungo sa aking banyo ang mabilis na naligo. Agad ko din namang isinuot ang damit na una kong nakita mula sa aking kabinet. Naglagay na lamang muna ako ng pulbo at lipstik dahil wala na akong oras magmakeup. Kahit nga buhok ko ay hindi ko pa nasusuklay. Sa jeep na lamang ako magsusuklay dahil hindi pwedeng malate ako. Yun pa naman ang no.1 rules na nabasa ko kahapon.

My Boss Is A Beast Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon