Chapter 19

8.4K 250 155
                                    

Rank #16 na po tayo 😀 Thankyou mga Bes 😙 patuloy lang ang suporta hah! Kapag nakapasok tayo sa top 10 magpapafishball ako sa inyo.Lol with palamig 😂😂

*****
Yvo's Pov

Kanina pa pabalik balik ng tingin ang mga mata ko sa kanya. Halos hindi na kasi ito nagsalita simula ng kumain kami hanggang sa ngayon na halos patapos na kami.

Nabigla ko ba sya?

O marahil ay hindi nya ako gusto?

Hindi ko naman hinihiling na magustuhan nya ako agad agad. Ang sa akin lamang ay gusto kong ipaalam sa kanya ang totoong nararamdaman ko dahil hindi ko na ito kayang iwasan pa.

Hulog na hulog na yata talaga ako sa kanya.

"Okay ka lang ba?," nagaalalang tanong ko dito kaya saglit itong napatigil sa kanyang pagsubo.

Sandali nya pa akong tinapunan ng tingin bago nagsalita.

"Okay lang po ako Sir Yvo," matabang na sagot nito at saka muling kumain.

Pansin ko lang, mahilig din sya kumain.

Hindi ko alam kung ano ba ang tumatakbo sa isip nito sa mga oras na ito.

"Yung kanina.... bahagya pa akong tumigil at pinakiramdaman muna ito. Totoo ang sinabi ko, gu...gusto kita Ysabelle,"

Napatigil naman ito sa pagkain sa kanyang narinig. Mabilis pa nitong inabot ang baso na naglalaman ng tubig at ininum at saka malamlam na napatingin sa akin.

"Sir Yvo, mali po ito",aniya.

Agad ko itong tinitigan ng may bahid ng pagtataka. Tila ay nabigla ko yata sya.

"Kelan pa naging mali ang magmahal?,hindi ko alam kung bakit ito ang naitanong ko dito.

"Marahil ay nagkakamali tayo sa mga taong napipili nating mahalin pero ni minsan ay hindi naging mali ang pagmamahal.,ang magmahal" seryosong wika ko dito.

"Iyon na nga po Sir Yvo, hindi po dapat ako", mahinang sagot nito.

"Bakit mo naman nasasabi ang mga bagay na yan?," for me you're the perfect girl for me, I like everything in you,your simplicity is more than enough",.

"Sir Yvo, masyado po yata mabilis ang mga pangyayari,pasensya na po pero wag na lamang po ako," nakatungong sagot nito.

"Why?,what's wrong?", hindi ko naman hinihiling na tumbasan mo yung nararamdaman ko para sayo ngayon, but please give me a chance? Bigyam mo ako mg pagkakataon na patunayan sayo",sabay hawak sa mga kamay nito.

Ilang sandali pa ang nakalipas bago nito tugunin ang huli sinabi ko.

At tanging pagtango lamang nya ang kanyang naging sagot.

Hindi man sya magsalita ay alam ko sa sarili ko na nagkaroon ako ng pag asa.

"Salamat", pabulong na wika ko bago bitawan muli ang kanyang kamay.

Sinimulan ko ng kainin ang pagkain ang pagkain na nasa harapan ko.

Di ko alam pero ganadong ganado ako kumain sa mga sandaling ito.

",The food taste really good huh,"

Napatingin ako sa babaeng kaharap ko, at sandaling tumigil ang paligid ko ng sumalubong sa akin ang nakangiting mukha nito. Malayong malayo sa nahihiya nitong mukha kanina.

"Ginutom ako",nakangiting sagot ko at nagkatawanan na lamang kaming dalawa.

Nang matapos kaming kumain ay ito naman ang nagligpit ng mga pinagkainan namin. Pinigilan ko man sya ay hindi din sya nakinig, kaya hinayaan ko na lamang sya sa gusto nya.

Nauna ako sa kanya na maupo sa sofa at itinuon ang mata ko sa malaking flat screen tv na nasa harapan ko.

"Sir Yvo aalis na po ako", muna sa aking likuran ay nagsalita sya kaya agad ko syang nilingon.

"No, please stay", mabilis na sagot ko dito.

"Ibig kong sabihin, maupo ka muna. May iba ka pa bang gagawin? Tanong ko sabay iling naman nito.

"Ganun pala, so maupo ka muna.

Kita sa mata nito ang pagaalinlangan sa kanyang narinig dahil nanatili itong nakatayo.

"Wag kang mag-alala. Wala naman akong gagawin na masama sayo", pangungimbinsi ko dito at mukhang napapayag ko naman sya kaya naupo din ito.

Nakatuon lamang ang mata nito sa pinapanuod namin. Hindi ko kasi alam kung ano ba ang pwede kong itanong dito.

Ano ba ang dapat kong itanong sa kanya? Paano ko ba ito sisimulan? Grrrr! Dapat pala nakapagresearch muna ako sa google.

*****
Author's Note

Isang napakaikling update. Hahaha Sorry na mga Bes kung NAPAKATAGAL ng updates ko sa mga storya ko dahil ako ay sobrang abala po talaga dahil sa preparation ng aking wedding day sa lunes na po June 26 kaya sana po ay pagpapasensyahan nyo na ako 😂 Babawi ako ng update after the honeymoon 😂😂😁 HAHAHA

SORRY NA PO 😁 Hope you'll understand 😙😙

-----ApoLicious😙❤❤

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 24, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Boss Is A Beast Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon