Yuri POV
"Mag-umpisa tayo kay Tyler"
May pinakita sa amin si Juliana na picture ng isang lalaking singkit ang mga
mata at mayroong cute na smile."Yan si Tyler Wilson, ang pinaka kinaiinisan ko sa kanilang lahat" gigil na sabi ni Juliana habang dinuduro ang phone.
I giggled with her reaction"Galet na galet gustong manaket?" sabi ni Krystal na natatawa
"Bakit naman? Ang cute cute kaya niya" dagdag ko naman
"Basta!"
"Tyler Wilson pinak-playboy sa grupo"
And this time I laughed. Sa dami ba naman kasing pwedeng i-describe sa isang lalaki yun pa yung sinabi niya.
Nagbrows ulit si Juliana sa fanpage nila.
"Eto naman" tinuro niya yung front ng phone niya at pinakita ang isang blue hair na lalaki.
"Eto naman si Austin Spielberg also known as 'Blue'. As you can see Blue ang tawag sa kanya dahil blue ang kanyang hair, suplado, at siya ang pinaka tahimik sa grupo pero huwag niyo siyang gagalitin"
"Iba kasi siyang magalit at ayaw niya sa mga babaeng maarte at habol ng habol sa mga lalaki"
"He's cute"
I looked at Krystal with a teaseful smirk.
Nagkibit-balikat lang siya "Why?"
Pagkatapos kay Austin o Blue. Nagbrows ulit siya sa kanyang phone.
"Ang sunod ay si Jake Dela Fuente. Siya naman ang masayahin sa grupo para nga siyang alien na galing sa ibang earth may time kasi na ang weird niya and he has rectangle smile"
Natawa kami sa sinabi niya. Totoo naman kasi may rectangle siyang smile nung nakita namin yung picture niya.
"Pero kahit ganyan yon matinik din yan sa babae. Yan yung way niya para makahakot ng girls ang pagkakaroon niya ng sense of humor"
"At ang huli ay ang leader ng grupo. Si Lucas Corbin Steinfield"
Wait parang familiar yung name.
"Ang badboy sa grupo. Pamilya niya ang may-ari ng university nato. Eto siya" sabay pakita sa phone niya
Tumingin si Krystal sa akin ng gulat habang nakaturo ang kanyang kamay sa phone ni Juliana.
"Yuri diba siya yung nasa parking lot?!"
Nyeta kailangan sumigaw?
"Ooh looks like you know him already" sabi ni Juliana
"Yeah right" sabi ko.
"Di rin imposible cause he's popular" dagdag na sabi niya
"Yung crush mo yan diba!" biglang sabi ni Krystal habang nakatayo parin.
Pinandilatan ko siya ng mata. Bwiset na babaeng to! Kailan kong sinabi na crush ko siya?!
"At kailan ko naman sinabi yon?" mataray kong sabi habang napaka
pameywang sa kanya."Joke lang naman eto naman di mabiro. Ang defensive pa!" at pabiro pa akong pinalo sa braso
"Ang cute niyo" natatawang sabi ni Juliana
"Kilala niyo na siguro sila no? Kaya mag-iingat kayo sa kanila"
"Ba't naman kami mag-iingat sa kanila? Ang popogi kaya nila" kinuha ni Krystal yung phone ni Juliana at nagtingin pa ng ibang picture. Ang landi talaga nito.
"Siguradong babawiin mo yang sinabi mo Krystal, pag nakita mo na sila. Lalo na yung Tyler na yon!" diniinan niya yung pagkakasabi ng name ni Tyler habang nakakrus ang kanyang mga kamay.
"Narinig ko yata ang pangalan ko?"
Sinundan namin ng tingin yung nagsalita at nakita namin ang apat na matatangkad na lalaki.
Wait? Sila na ba yon?
Kinalbit ako ni Krystal at tinutok niya ang kanyang mukha sa tenga ko
"Yuri sila na yata yung apat na gangster?" sitsit na sabi niya
Tiningnan ko siya at parang natatae ang sira "Shet naman. Yuri pakipulot ng panty ko"
"Umayos ka nga" tinuon ko ulit ang tingin ko sa apat
"Baby ikaw ba yon?" pa-cute na sabi ni Tyler...kay Juliana?
Now I know kung bakit inis si Juliana sa kanya.
Juliana's POV
"Huwag mo nga kong pababy-baby diyan!"
Masungit na sabi ko sa kanya.Kainis nandito na naman yung lalaking to.
"Tyler we have to go" sabi ni Jake
"Ge Sunod nalang ako. Dito muna ko sa baby ko" sagot naman niya
Eww.
"Ah? Juliana alis na din kami " paalam nina Yuri at Krystal sa akin
Pati ba naman sila?
"Wait hu-"
Kumaway sila sa akin at tuloy-tuloy na silang umalis.
"Ba-bye"
Arghhhh! Ayokong makasama tong mokong nato.
Tumitig sa akin si Tyler sabay ngiti niya sa akin ng nakakaloko.
"Paano niya'n babe tayo nalang dalawa"
"Oh eh ano ngayon?" mataray kong sabi
"Baby naman ba't ba ang sungit-sungit mo sa akin?" nagtatampong sabi niya at nilabas ang kanyang pouty lips na ang sarap buhulin
Pa-cute ba naman ang mokong.
"Don't make that face. Ang panget panget mo!"
"Ouch sweety ang sakit!"
Umakto siyang parang sumasakit ang kanyang puso habang hawak ang kanyang dibdib.
"Mukha kang ewan"
"Just say the fact kasi na nakyu-kyutan ka talaga sa akin"
"Ewan ko sayo" tinulak ko siya ng mahina "Tabi!"
Ang hangin niya sobra
Iniwan ko siyang nakatayo don at umalis na ako papuntang room ko.
Sa katulad niyang playboy papatol ako?
Sheez! No thanks nalang, mas okay na ako sa simpleng tao basta dika lolokohin.
"Wait!"
Napatingin ako sa likuran ko
Tss. Nasunod pala sa akin.
"Oh ano?"
Nag-smile siya sa akin
"Wala lang. Miss na kasi kita agad""Mukha mo!"
Nakita kong bumusangot ang mukha niya
"Sungit mo talaga kahit kailan!""Angal ka!"
"Di naman mabiro eh! Tara sabay na ako sayo"
Hinayaan ko nalang siya na sumabay sa akin
♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡
BINABASA MO ANG
The Guy Who Stole My Heart
Teen FictionMeet Yuri The girl who has almost everything in life. Beauty, brain, talent, and money, yet she's a ill-tempered and a hardheaded woman she will do anything what she thinks right. But despite of her attitude, she's a compassionate and a kind woman i...