CHAPTER20: Hurt

236 12 5
                                    


Yuri's POV

"Lucas?"

Haaay wala pa rin -_- pangatlong beses ko nang sinubukan gisingin tong si Lucas kaso ayaw parin magising, five minutes nalang bago ang class!

"Lucas" gising ko ulit sa kaniya at tinapik siya sa balikat. Pinalipas ko pa ang isang minuto pero wala pa rin, nakakangawit na nga .

Tiningnan ko ulit ang orasan at tatlong minuto nalang bago ang klase. No choise ako kailangan ko na talaga siyang gisingin.

"Lucas Corbin Steinfield!!" sumigaw ako kaya napatayo siya bigla dahilan para mauntog siya sa gilid ng mesa malapit sa amin

"Holy shit!" sigaw niya

Tumingin siya ng masama sa akin "What's your problem with me?!"sigaw niya habang nakahawak sa ulo nito

"Sorry, ang hirap mo kasing gisingin. Three minutes nalang kasi bago ang klase"

Umayos siya ng tayo at naglakad palayo. Problema niya? kasalanan ko bang nauntog siya? ang hirap kaya niyang gisingin!

Huwaaa!!! nakokonsensiya ako naalala ko nanaman yung niligtas niya ko! tapos ganon lang ang ganti ko?

*At the room*

Ang awkward.

Simula nung pumasok ako sa room si Terrence lang ang bumati sa akin pati si Krystal na kinamusta pa ang kalagayan ko. Di man niya ko tiningnan.

"Did you enjoy last night?" tanong sa akin ni Terrence habang nakatuon ang atensiyon ko sa notebook. May activity kasi kami.

"Yeah..." walang ganang sagot ko

"Ba't ang aga mo naman umalis, di ka man lang nagpaalam" di pa siguro niya alam yung nangyari sa akin

"Umalis kasi si mommy papuntang korea kaya napaaga ang uwi ko" dahilan ko nalang kahit hindi naman talaga iyon

Natapos ang klase ng wala kaming imikan. Nagpaalam na rin ako kay Krystal pati kay mang Ben na pupunta kami kari Lucas para dun sa project.

"Hi Yuri!" bati sa akin ni Jake

"Hello" simpleng sagot ko

Lumingon ako kay Denise na kasalukuyan nagfo-phone.

"Lucas tara na!" malakas na sigaw ni Jake

Naglakad na palayo si Lucas na sinundan naman namin. Naunang maglakad sina Jake at Lucas, katabi ko naman si Denise. Napansin kong binaba niya ang kaniyang phone at tumingin ng diretso sa daanan.

"Alam mo ba na matagal na akong may gusto kay Lucas"

Ba't niya sinasabi sa akin to? Paki ko ba.

Tumawa siya nang mahina "Sino ba naman di magkakagusto sa kaniya? He's perfect...guwapo, talented, mayaman at siya ang susunod na magha-handle dito sa Steinfield University at iba pa nilang business. And I really love him. Lalo't na ng masaksihan ko din kung gaano siya magmahal, gagawin niya ang lahat pagdating sa pag-ibig...tanga lang ang babaeng makakasakit sa kaniya...ang tanga ni Amara...sinayang niya"

"Kaya kung sino man ang mangarap na mapunta si Lucas sa kaniya" tumingin siya sa akin ng pagka-arte-arte "Dadaan muna siya sa akin"

"Bakit mo sinasabi sa akin 'to? "

Nginisian niya ko "Sinasabi ko lang na lumayo ka sa kaniya. Dahil akin siya" pagkatapos niyang sabihin ang mga iyon nauna siyang maglakad sa akin

Ang tanong mahal ba siya? Tanga lang.

Nang makarating na kami sa kotse ni Lucas dali-daling pumasok si Denise sa passenger seat. Wala naman reaksiyon si Lucas at hinayaan nalang ito. Bago ako pumasok sa loob nahagip ng mga mata ko ang isang lalaking nakamasid sa amin nakatago ito sa iskinita, di ko man makita ang mukha nito dahil sa harang na face mask pero alam kong si kuya to. Chase...

Pagkapasok ko sa loob nahilo ako sa amoy. Ayaw na ayaw ko talaga yung amoy ng air freshener. Yung kotse ko nilalagyan ko lang ng gamit kong pabango para may amoy naman, pero I don't ever use air freshener, lalo na yung lemon scent. Ugh. I hate it

Katabi ko si Jake ngayon na kasalukuyang nagpapatugtog gamit ang earphone si Denise naman nakita kong nagli-lipstick ng patago tiningnan ko naman si Lucas dun sa front mirror. Ngunit agad naman din akong umiwas ng tingin ng nakita kong nakatingin din siya sa akin.

Malayo din ang bahay nila kaya nahilo na talaga ako. Tahimik ang buong biyahe pinikit ko nalang ang mga mata ko para maibsan ang pagkahilo ko.

"Were here" dinig kong sinabi ni Lucas binuksan ko ang mata ko at namangha sa laki ng bahay nila!

"Sunod nalang ako master" rinig kong sabi ni Jake at lumabas na

Bahay pa ba ito?! Kulang pa ito sa salitang mansion dahil sa laki! Sinalubong kami ng mga katulong nila sa kanilang bahay at binati si Lucas.

"Good afternoon sir" isa-isa nilang bati

Pagkapasok namin sa mismong loob ng bahay mas lalo akong namangha sa laki nito. "Whoa" ang tanging nasabi ko nalang

Black and white at modern style ang theme nang kanilang bahay.

"May mga kasama ka pala" bati sa amin nang isang babaeng naka-apron kung titingnan maganda siya at maputi. Meron siyang kulay puti sa kaniyang mukha na malamang flour, galing siguro siya sa kusina.

Nagmano ako sa kaniya, as a sign of respect "Good afternoon po"

"Good afternoon din, ija" nginitian niya ko kaya ngumiti din ako. Bumalik ako sa puwesto ko kanina at nakitang inismiran ako ni Denise.

"Psh. Plastic" rinig kong bulong niya

Ano daw?!

Tulad ng ginawa ko nagmano din siya "Good afternoon mommy ay-este tita"

"Psh. Feeling"

"What?!" di ko nalang siya pinansin

"Uhm. anak" lingon niya kay Lucas

"Don't call me 'anak' your not my mom" sabi nito habang paakyat sa taas

Tiningnan ko lang siyang umakyat. Ang harsh niya!

Bago ko siya sundan tiningnan ko muna yung nanay niya na nangingilid ang luha.

"Eto po" inabot ko sa kaniya ang panyo ko

"No need hija" pinunasan niya ang mata niya gamit ang kaniyang mga kamay

"Okay lang po" sabi ko at kinabit sa kamay niya ang panyo, tinanggap na niya ito "Salamat" at umalis na siya.

Kaakyat ko sa taas di ko na mahagilap sina Lucas at Denise. Ang daming kwarto san ko naman sila hahanapin?

Tinry kong buksan isa-isa ang mga pinto ngunit nakalock ang mga ito.
Napunta ako sa isa sa mga pintuan kakaiba ito sa lahat dahil malaki ang pintuan na ito. Tinry kong buksan ito at bumukas naman. Sinilip ko ang loob pero wala naman tao dito. Ang ayos ng kuwarto, malinis, modern style ang design puti at itim lang ang kulay na makikita sa loob nito. Pumasok ako, ewan ko ba pero may nag-urge sa sarili ko na tumuloy.  Napunta ang tingin ko sa gilid ng kama na kung saan may dalawang picture frame . Tiningnan ko ang isa sa mga duon at nakita si Lucas na may kasamang babae, ang saya nila. I felt sad at that moment pero napaisip ako kung sino ang babaeng yon.

Tiningnan ko ang isa pang frame at ang picture na nakakabit dito, luma na ito dahil may kalukutan na at parang nabasa pa. Tiningnan ko si Lucas na siguro na sa sampung taon palang siya sa picture na ito, lumipat ang tingin ko sa mga magulang niya kahawig niya ang kaniyang tatay ngunit di ko naman makita ang mukha ng nanay niya dahil malabo ito at parang nabasa. Pinagmasdan ko ang litrato dahil parang may namumukhaan ako sa nanay niya pero natigil din ako ng may marinig akong mabasag.

Lumabas na ako ng kuwarto ni Lucas, na siguradong sa kaniya nga dahil sa mga litrato at iba pang gamit panlalaki.

Sinundan ko ang ingay "Guest room" basa ko sa nakasulat duon

Binuksan ko ang pintuan na sana hindi ko nalang pala ginawa. Pakiramdam ko maiiyak ako.

I saw Lucas and Denise kissing. Passionately...

💔💔💔💔💔💔💔💔💔💔💔💔💔💔💔💔💔💔💔💔

The Guy Who Stole My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon