CHAPTER19: Unknown Feelings

188 13 0
                                    

Yuri's POV

You make me worried

You make me worried

You make me worried

Parang sirang plaka paulit-ulit sa isip ko ang mga iniwan na salita ni Lucas sa isip ko. Ang lakas ng kabog ng puso ko!

Tiningnan ko ang orasan at tumayo na sa hinihigaan ko 10:30 na rin kasi ng umaga. Pumasok ako ng cr at naligo, kahit siguro half day lang papasok ako atsaka para narin magpasalamat ako kay Lucas.

Simula nung nangyari kagabi. Nagsimulang magbago yung tingin ko kay sa kaniya kahit papano din pala may good side din ito. Binilisan ko na ang pagligo ko para makahabol ako sa susunod na klase.
Nag-text din kasi sa akin si Denise na mamaya daw after class pupunta daw kami kari Lucas. Thursday na rin kasi ngayon, gagawa muna daw kami ng list nang ingredients mamaya and sa saturday ng hapon mamimili na kami. Pagkababa ko dumiretso ako sa kusina kung saan nakita ko si Tita Cathy na nagluluto.

"Oh ba't naka uniporme ka? Diba sabi ko sayo magpahinga ka muna"

"Ano naman po yung gagawin ko dito buong magdamag?"angal ko

"Hay nakong bata ka ang kulit mo talaga"

"Sige na po. Pasok na po ako"

"O sige na nga. Pero dapat kasama mo si mang Ben buti na lang nakauwi na siya kanina galing sa airport"

"Papunta nalang po ako papahatid sa kaniya. Kukunin ko na lang yung kotse ko mamaya kari Krystal yun nalang po ang gagamitin ko pauwi"

"Huwag na hinatid na kanina ni Krystal pati yung isang kasama niya si...sino nga ba iyon? Juliana ba?" tumango naman ako

"Oh iyon nga, tapos nung nakita ka nilang tulog at maayos umalis na sila may pasok pa daw kasi kayo" napatango naman ako

"Arf! Arf!" napalingon ako sa isang madungis na aso na nagsisitakbo sa sala na nagdulot naman ng dumi.

"Nakong aso ka!" sigaw nina ate Myrna at Luisa na kasalukuyan hinahabol yung aso. Lumapit ang aso sa akin at dinilaan ako sa paa. Pero bago ko mahawakan ang aso, nahuli na ito.

"Kaninong aso po iyan?"

Lalapitan ulit dapat ako ng aso ngunit agad din to tinalian ni Ate Myrna

"Di ko nga alam. Nagsisitakbo lang siya papasok dito"

Kung titingnan yung aso may breed ito yun ngalang madumi siya.

"Puwedeng dito nalang po muna siya?" tanong ko kari ate Myrna

Matagal ko na rin kasi gustong magka-aso kaso di ako pinapayagan ni mommy kasi nga allergic dito si Fawn. Kaya habang wala dito si mommy. Sulitin ko na.

Umalis na sina ate Myrna dala ang aso. Papaliguan daw nila, mabait naman yung aso di nangangagat at kapag siguro napaliguan ito lalabas ang ganda nito.
Pagkatapos kong kumain at mag-ayos dumiretso na ako sa school. Maraming bumungad na mga estydyante sa akin dahil na rin siguro sa lunch break.

Napag-desisyonan kong dumiretso muna sa likod ng university na kung tawagin ni Krystal ay green forest. Umupo ako sa isa sa mga puno don at pinagmasdan ang paligid. Ang tahimik dito at ang presko, ang sarap mag-relax lalo't na walang gaanong pumupuntang tao.

Binuksan ko ang phone ko at nagpatugtog ng music habang sinasabayan ko ang kanta. Nasa simula palang ako ng kapayapaan ng may sumira na dito.

"Shet kang tae ka!"

Pinatay ko yung music at tiningnan ang lalaking unggoy na tumalon galing sa taas ng puno.

"Unggoy ka ba?!" sigaw ko sa kaniya na nakatalikod sa akin. Lumingon ito. Kinusot niya ang kaniyang mga mata at humikab, minulat niya ang kaniyang mga mata at tinuro ang sarili.

"Me? A monkey?"

Di ko expect na si Lucas siya kaya nautal ako sa pagsasalita. Nakakahiya! balak ko siyang pasalamatan kaso ang nangyari sinabihan ko pa siya ng unggoy.

"Ah...eh ii-ikaw pala iyan" napakamot nalang ako sa ulo

"You disturb my sleep darling" humikab ulit ito habang ang mga mata niya ay halos pumikit na

Wait bakit darling?

Lumapit siya sa akin at tinitigan ako, ilang segundo din kami nagtitigan kaya iniwas ko na ang tingin ko. Ang awkward kaya...

"Ah so-sorry kung naistorbo kita atsaka di ka naman unggoy tao ka hahaha..." awkward na tawa ko at napakamot nalang sa ulo

Tumalikod na ako at akmang aalis na ngunit hinila niya ang kamay ko kaya nasubsob yung mukha ko sa dibdib niya. Syet ang bango niya!

Itinayo ko ang ulo ko para maiwasan ang nakakahibang na amoy niya kaso niyakap niya  ulit ako ~>_<~

"Okay ka na?" mahinahon na sabi niya. Tumango naman ako

Hinarap niya ko sa kaniya at hinila paupo sa puno.

"And because you disturb my sleep darling..." hiniga niya ang ulo niya sa balikat ko

"Stop calling me, darling"

"Why? Do you prefer mine?" Inangat niya ang ulo niya at tiningnan ako

Namula agad ang mukha ko "That's not what I meant" he place again his head on my shoulder

"I prefer calling you darling now, because I realize that you are already mine"

Di ako nakapagsalita dahil sa pamumula pati biglang na-blanko ang isip ko! Gosh what this guy doing to me?!

"May 30 minutes pa naman. So, let me sleep for a while" at yun na nga nakatulog na siya.

Bwisit! ba't ang lakas ng tibok ng puso ko?!

Baka marinig niya at magising siya.

Ba't naman ako concern?!

Ba't ang dami kong iniisip?!

Shit ba't ang dami kong tanong?!

Uggghh!! Anong nangyayari sayo Yuri?!

❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤

Yay! 8k reads! thank you for supporting this story😀

The Guy Who Stole My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon